Mabilis kong hinati ang braso ng bot o kung ano man iyon gamit ang itak ko.
Hindi ko sinasadyang mabangga ang ilang nakasabit banda sa likuran ko at nagulat ako nang maramdamang may humila sa akin paakyat at nabitawan ko ang hawak na itak.
May isang mahabang hindi ko maintindihan kung ano pero kulay pula ito na nakahawak sa waist ko at mabilis itong ginagapang papunta sa leeg ko habang patuloy akong inaangat.
Hinarang ko ang kamay ko upang hindi madiinan ang leeg ko at nang makagawa ako ng butas ay muli akong nakababa.
"'San na 'yon?!" natatarantang tanong ko sa sarili habang hinahanap ang itak.
Nakita ko ito sa harap ng isang pinto kaya't tumakbo ako palapit doon, nagulat ako nang biglang may humila ng paa ko at bumagsak ako sa sahig.
"Shit!"
Napadaing ako nang tumama ang mukha ko sa lapag, lumingon ako sa likod at nakita na humaba ang braso ng ng bot ngunit kulay pula na lang ito ngayon.
"Nagreregenerate sila!" sigaw ko sa mga kasamahan ko habang sandalling sinulyapan itong pinuputol ang mga parte ng katawan na humahatak sa kanila.
"Ray!" sigaw ni Cali sa akin at hinagisan ako ng baril.
Sinalo ko iyon at binaril ang creature o bot.
Hindi ko mawari kung ano ba talaga s'ya.
Malakas na sumigaw sa sakit ang creature na 'yon at nabitawan ako, sinugurado ko na paa ko ang unang babagsak pagbaba.
Nagmamadaling gumapang ang creature sa kisame palayo sa amin habang umiiyak.
Susundan sana ito ni Luke nang pigilan ko s'ya.
"Tabi, akin 'yan."
Tinapik ko si Luke at tinuro ang ilang mga nakasabit sa itaas, hindi naman nananakit o nanlalaban ang ilang mga nakasabit na 'yon, hinila lamang sila kanina.
Pero iba ang isang 'yon, lumayo s'ya sa amin na umiiyak.
Mayroon s'yang sariling pag-iisip.
Matagal na rin nang may napatay akong may emosyon, sawa na ako sa mga bots sa paligid.
Nang may makasalubong akong dalawang bot na nagmamadali palapit sa akin ay kinuha ko ang tubo sa gilid at ginamit iyon upang itulak ang bot sa pader at saksakin sa leeg habang ang isa ay sinipa ko sa bintana.
Tumakbo ako sa pasikot-sikot na hallway upang hanapin kung asan na ang creature na 'yon, sinundan ko ang mga iyak nito at nakarating sa basement.
Madilim sa loob kaya't nagdalawang isip ako kung hahayaan ko ba na bukas ang pinto ngunit baka makalabas ito.
Kinuha ko ang flashlight sa bulsa ako at binuksan ito bago isara ang pinto.
Nagmasid-masid ako sa paligid kung asan na ba ang creature na iyon.
"Labas na," mahinahong sambit ko dahil hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang mahihinang iyak nito.
Alam ko na nagtatago lang s'ya sa paligid.
Binuksan ko ang ilang mga cabinet sa paligid upang hanapin s'ya.
Pahina nang pahina ang mga iyak nito.
Naramdaman ko na may kumikilos sa likod ko at mabilis akong lumingon doon at inangat ang kamay ko.
Hindi ako nagdalawang isip na barilin ang kisame dahil alam kong aakyat s'ya roon at tama nga ako.
Malakas itong umiiyak at kumakapit na lang sa kisame pero unti-onti na itong bumabagsak.
Tumalon ako upang hatakin ang braso n'ya hanggang sa bumagsak ito sa sahig.
BINABASA MO ANG
GLITCH: Divided Cities
Ação"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...