Caleb Martini

8.4K 154 12
                                    

Chapter 1

Caleb Martini's Pov

"I'll hung up na" Sabi nito, She's Agatha Samonte my Girlfriend for 4 years now. She's also my first love, we are both Engineering students 4thyr.

"Tss bakit kasi ang busy busy mo beb? nakakainis naman!" Bulyaw ko kaya napatawa ito. Grabe nakakakilig yung tawa niya. Mahal na mahal ko talaga siya.

"Hahaha Miss mo naman ako kaagad? don't worry ill call you later beb okay?"

Pumasok si Kuya sa kwarto kaya hindi ako nakasagot agad.

He's Dylan Martini. My Twin Brother nauna siyang mag-aral sa akin ng isang taon kasi nung bata kami lagi kami nag-aaway at para hindi kami maging magkakaklase pinag-hiwalay na lamang kami. Maaga din itong nakapagtapos ng Highschool dahil matalino ito. Kakagraduate niya lang at sa America ito nag-aral ng kolehiyo. May kinalaman sa pagkuha ng litrato ang kurso niya.

"Beb? uy?" Nabaling muli ang atensyon ko sa girlfriend ko.

"Sorry Beb, Okay, antay ko nalang ang tawag mo ha? I love you" nagpout pa ako kahit na hindi naman niya nakikita

*Kablaag* Napahiyaw si Beb sa kabilang linya

"Ano yun?" tanong nito

"Ah si kuya lang, tss binalibag niya yung pinto"

"Ah! Bumalik na nga pala ang kuya mo no? Sige na... I gotta go. Love you too beb, bye."

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa wallpaper ko na mukha niya. My Agatha. I love you.

"Son~" Tawag ni Mommy sakin

"Po?" Tuluyan na itong pumasok sa kwarto namin ni Kuya.

"Nag-away nanaman ba kayo ng kuya mo? Alam mo namang kababalik niya lang last week diba? Tapos nag-away nanaman agad kayo" Malungkot na wika nito.

"Ha? Di naman po eh. Lumabas po siya at binalibag nalang po bigla yung pinto, kausap ko po si Beb ko." Napabuntong hininga si Mommy

"Ano nanaman kaya ang nangyayari sa kuya mo tsk. Sige tatawagin nalang kita kapag kakain na." paalam ni Mommy

"Okay po Mmy" She smiled at me then kiss my forehead

"Buti sakin ka nagmana tsk si Dylan nako, sa Daddy mo nagmana! Yung batang yun talaga--"

"21 na po kami hindi napo kami bata... Papakasal na nga kami ni Beb pagkagraduate--"

"Abat! Anong sabi mo?! Hindi pa ako handa Caleb ha baby pa kita." Napanguso ako dito, eh kaya ko na nga gumawa ng baby eh.

"Mmy! yung ulam! Gutom na po ako" hawak ko pa sa tyan ko at nagpout. Binatukan ako nito tss

"Aw Mmy!"

"Akala ko panaman tsk, like Father like Son talag---"

"Anong sabi mo Wife?"

"A-ah eh wala Damon! tsk magluluto na nga lang ako!"

"Hahaha" Sabay kami napatawa ni Dad

Ngumise si Dad sakin,

"Go on Son naiintdihan kita, alam mo naman kami nga ng Mommy mo kakatapos pa lang ng Debut niya kinasal na agad kami, whatever you want son! tutulungan kita"

"Thanks Dad! You're the best!" Tumawa lamang ito at ginulo ang buhok ko.

"Sige babain ko muna ang Mommy mo" Tumango ako dito at humiga na lamang sa kama...

Ngunit bigla akong napabangon sa isang malakas na sigawan. Nagaaway nanaman sila. Ano pa bang bago? Nagabalik na siya kaya magulo nanaman dito sa bahay.

Agad akong bumaba para pigilan sila

"Mom, Dad!" Pigil ko

"Ako na pong bahala" Dagdag ko pa. Hindi ko din kasi talaga kayang marinig ang mga iyak ni Mommy.

Agad na tumakbo sa itaas si Mommy, pagkatapos ay sumunod naman si Dad

I faced him at napakasama ng tingin nito sa akin.

"Ano nanaman ginawa mo?! Umiyak nanaman si Mommy!" Napatawa siya bilang tugon.

"Ano?! IKAW NANAMAN BA ANG MAGALING NA ANAK HA?! NAGMAMARUNONG KA NANAMAN?! LAHAT NALANG BA YUNG GUSTO IKAW?!" Napatulala ako sa pagsigaw at mga sinasabi nito.

"Kuya anong---" sagot ko rito ngunit hindi ako nito pinatapos mag-salita.

"Kaya nila ako pinadala sa America kasi wala akong kwenta! DUN AKO para mag-tago kasi WALANG KWENTA YUNG GUSTO KONG CAREER! PHOTOGRAPHER LANG KASI AKO DIBA?! TAPOS IKAW PALAGING PINAGMAMALAKI! KILALA NG LAHAT! AKO HINDI! PARANG ISA NGA LANG ANG ANAK NILA EH! IKAW LANG!"

He's crying pakiramdam ko ibinuhos niya lahat ng hinanakit niya noon pa man sa akin, sa amin.

"K-kuya" Sumama ang tingin niya sa akin saka ako nito dinuro.

"Wag na wag mokong tatawaging kuya p*tng*na mo!" He walked out

"A-anak"

"Mmy, wag ka na po umiyak"

"He misunderstood everything, anak ko kayo! mahal ko kayo pareho!" Tumango ako dito

"I know Mmy, tama na po" Lumabas si Dad sa kwarto dala ang lahat ng gamit ni Kuya.

"D-Dad!" pigil ko rito.

"Damon ano ba?! Kaya lalong nag-rerebelde ang anak mo dahil sa--" but Dad cut her off

"Bastos siya! Pinaiyak ka niya! Pagbalik niya dito sa daan niya pupulutin ang mga damit niya!" Napabuntong hininga na lamang ako. Ito nanaman kami.

"Dad, you don't need to do this!" Lumambot ang mukha nito sa akin.

"No Son. I want you to stay at your room and rest, okay?" He's always good to me. He said to me na kahit noong bata pa daw ako ay para akong si mommy.

"Pero Dad"

"Ha-Ha-Ha" Kuya is back and he laughs sarcastically.

"Wow, ang bilis mo namang bumalik" Pang-iinis ni Daddy na may masamang tingin.

"Akin na ang mga gamit ko. Hindi niyo na kailangang itapon" Hinila niya ito mula kay Daddy, sasaktan na dapat siya ni Dad but Mommy stops him.

"KAPAG LUMABAS KA NG BAHAY NA ITO HINDING HINDI KA NA MAKAKABALIK PA ULIT!" Banta ni Dad dito.

"Edi Hindi!" sagot ni kuya.

"KUYA!" tawag ko dito ngunit tuloy tuloy lamang itong lumabas.

"Dylan!" Mom called him too...

But still, umalis pa din siya.

/Edited: April 29, 2020/

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon