Monster

235 9 0
                                    

Chapter 39

Agatha's POV

Humahangos si Dylan at agad na kinalampag ang gate ng university. Dahil sa hindi naman ito estudyante rito ay hindi ito basta bastang makakapasok.

"Lumabas ka diyan Agatha!" Malakas na sigaw nito habang punong puno ng galit ang boses nito.

"I'm not the monster Agatha... hindi ako." Agad na napalingon ako kay Caleb na may nakakalokong ngiti habang nakatingin kay Dylan mula sa labas ng gate ng university.

"Sa tingin mo? Bakit ganon ang ang magulang namin sa kanya?" Humalakhak ito at muling inilapit ang mukha sa akin.

"Because Dylan is the real monster." Bulong nito at saka walang sabi sabing iniwan akong nakatulala.

"Agatha!!!" Agad na napalingon ako kay Dylan na patuloy sa pagkalampag sa gate ng university. Pulang pula ang mukha nito at nanlilisik ang tingin.

"Miss, kilala mo ba iyong nasa labas? Gusto mo bang tumawag ako ng pulis? Ginugulo ka ba niya?" Sunod sunod na tanong sa akin ng guard ng university, agad na napalunok ako at saka umiling.

"Kilala ko po." Marahang tumango ito at nagbalik balik ang tingin nito sa amin ni Dylan.

Mabilis akong nagtungo palabas sa gate. Humahangos na lumapit sa akin si Dylan pasalubong sa akin at mahigpit ako nitong hinila papasok ng sasakyan.

Mabilis na pumwesto ito sa driver seat at saka agad na nagsimulang magmaneho. Nagmamadali ito sa pagmamaneho at hindi ito nagsasalita. Tuluyang binalot ako ng kaba dahil sa pagpapaharurot nito sa sasakyan at hindi nito pagsasalita. Natatakot ako na maaksidente kami at naaalala ko nanaman ang nangyaring pagdadala sa akin ni Caleb noon sa malayong baryo.

Hindi ko alam ang gagawin ko, bakit ba kasi ang tanga tanga ko? Palagi na lamang akong naaagawan ng halik at wala akong magawa man lang doon. Ito ang naging dahilan kung bakit nasaktan ko si Caleb noon at ngayon si Dylan.

Para akong bola ng pingpong, tama nga si Ellie. Pasapasahan na lamang ako palagi sa kanilang magkakambal at patuloy ko pa rin silang nasasaktan pareho. Gusto ko na lamang iumpog ang ulo ko sa bintana ng sasakyan para naman matauhan ako ngunit hindi ko naman iyon dapat gawin.

Kailangang harapin ko ang lahat ng ito. Hindi ko hahayaang makasakit nanaman. Caleb doesn't deserve na masaktan so is Dylan.

"D-Dylan." Tila nalunok ko ang sarili kong laway, binalot ng kaba ang puso ko dahil matalim ang tingin ni Dylan. Kagaya lamang ng mga mata noon ni Caleb.

"Bakit kayo magkasama?! Bakit ka niya hinalikan?! Ptngina naman!!!" Mas pinaharurot nito ang sasakyan matindi ang kapit ko sa seatbelt.

"Dylan please baka maaksidente tayo!" Hindi ko alam paano ito papakalmahin.

"Ptngina! ano nagkabalikan na kayo?! Kayo na ba ulit? Ginagawa mo ba akong tanga?!" Mabilis na umiling ako rito.

"Mali ka ng iniisip--"

"Hindi ba sinabi ko na sayo na layuan mo! Sabi ko layuan mo!" Gigil na ani nito at mabilis na nagpreno ito sa gilid ng kalsada.

Pilit na inabot ko ang braso nito kahit nanginginig ang kamay ko.

"Dylan, please mali ka ng iniisip. Sana pakinggan mo muna ako."

"Pinaglalaruan mo lang ba ako Agatha?"

"No! Hindi ko gagawin iyon. Oo naging tanga at mali ang desisyon ko noon pero hinding hindi ko na uulitin pa iyon. Nilalayuan ko siya Dylan patakbo ako para lumabas ng university kaso nahabol niya ako. Maniwala ka sana sa akin nilalayuan ko siya. Pilit akong kumakalas sa kanya kanina pero napalibot niya na agad ang braso niya sa akin at hindi ako makaalpas dahil sa lakas niya. Patawad Dylan, pero pangako hinding hindi ko uulitin ang nangyari noon. Natuto na ako, hinding hindi ko sasaktan ang damdamin mo. Alam ko na nasaktan natin si Caleb maaaring gusto niya tayong sirain, magpakatatag tayo, pakinggan mo ako."

Mabilis na iginilid ni Dylan ang sasakyan. Mabilis ang paghinga nito saka panaka nakang umiiling.

"Nagdilim yung paningin ko Agatha. Ayokong maging kagaya ni Caleb na ilalayo ka at nangako din ako sa magulang mo. Pero nagselos ako, nagseselos ako Agatha at hindi ko mapigilan iyon. Hindi ko kayang makita na magkalapat yung labi niyo." Pumatak ang luha nito.

"Lalo na kapag naiiisip ko na siya ang una mong minahal, na siya ang mas matagal mo ng kilala. Na baka kaya mo akong iwan." Kinigat nito ang pangibabang labi para pigilan ang pagpatak ng luha pero tumulo lamang ulit iyon. Binalak kong punasan iyon ngunit hinuli nito ang kamay ko. Mahigpit na hinawakan nito iyon.

Unti unting binaba nito ang kamay ko saka sumandal ito sa upuan at saka muling humawak sa manibela.

Kumuyom muli ang kamay nito sa manibela ng sasakyan at saka hinampas iyon.

"Pero hindi ko kayang pigilan yung galit ko e. Ayokong gumawa ng eksena, ayokong matakot ka sakin. Pero hindi ko kayang makita iyon Agatha. Kung gaganti siya sa nagawa ko, sa maaaring nagawa natin sige tatanggapin ko. Pero sana Agatha, sana huwag mo akong iiwan. Lalo na kung babalik ka sa kanya kasi hinding hindi ko kakayanin." Matiim na tumitig ito sa akin habang kumikislap ang luha sa mga mata nito, habang paos na ang tinig mula sa pagsigaw nito kanina.

"Nakamtam ko na yung saya eh, yung pakiramdam na ako na yung mahal mo. Ikamamatay ko kung mawala ka pa sa akin, ikamamatay ko na hindi mo ako mahal, na hindi mo na ako mamahalin. Alam ko na hindi pa tayo, at wala akong karapatan." Bumaba ang tingin nito kaya inangat ko ang tingin nito sa akin.

"Ikaw ang mahal ko Dylan, hindi ko maipapangako na hindi kita masasaktan. Pero tandaan mo na gagawin ko ang lahat para maiparamdam ko sayo na ikaw lang ang mahal ko," Kinintalan ko ito ng halik sa pisngi.

"Madaya ang g^gong Caleb iyon. Hindi nga kita mahalikan sa labi dahil nanliligaw ako tapos hahalikan ka lang niya?!"

"Patawad Dylan." Umiling ito.

"Patawad din Agatha dahil nadala ako ng selos. Mag titiwala ako sayo, magtitiwala ako sa atin. Mahal kita at naniniwala ako na mahal mo ako. Pipilitin ko na hindi na magpapaapekto kay Caleb, and I hope ikaw din. Lalayuan natin sila, at hindi tayo magpapaapekto sa kanila hindi nila tayo masisira."

Mali si Caleb, Dylan is not a monster.

Dylan is a wonderful man, he may be angry, lonely and jealous but he is more than that. He is not a monster, he is my Dylan.

I know na habang buhay kong dadalhin ang kasalanang minahal ko ang kakambal ng naging nobyo ko noon. Pero hinding hindi ko pagsisisihan na si Dylan ang minahal ko.

Kung may monster man dito, hindi iyon si Dylan and hindi rin iyon si Caleb.

Dahil ako iyon, I am the monster who ruined Dylan and Caleb even more. But I will do everything to protect Dylan and to gain forgiveness from Caleb, hindi man ngayon but in the future.

____
SORRY FOR THE LAME UPDATE, MINADALI KO LANG SO THAT I CAN UPDATE TODAY. BAWI NA LANG PO AKO NEXT WEEK.
UPDATE every SATURDAY & SUNDAY 8 PM.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon