Ikaw Lang

261 9 0
                                    

Chapter 26

Agatha's POV

It's been a week since we got back together. Napakiusapan din namin si Ma'am Beatriz kaya nakapagdefense kami kahapon. Mini Thesis lamang iyon pero malaking impact iyon sa grade namin ng finals kaya kahit ganon ay pinagsumikapan namin iyon yun nga lang ay dahil late kami ay siguradong kahit anong galing namin ay hindi magiging mataas ang grado namin.

Napakiusapan namin ito stating that we had an emergency. Si Caleb lahat ang nag-asikaso. Bumabawi daw siya dahil sa nangyari ay hindi kami nakapasok at nagawa yung requirements namin ng ilang araw.

"Beb" Tawag pansin sa akin ni Caleb, he is cooking pancakes dahil daw kakatapos lamang daw iyon na itinurong iluto sa kanya ng kayang ina at dahil wala na akong trabaho ay madalas na kaming magkasama. Gaya ngayong linggo. Nandito kami ngayon sa bahay nila. Patuloy pa din kaming binabantayan ng mga tauhan ni Tito Damon, pero nananatiling hindi iyon alam ni Caleb ayon na din sa kagustuhan ni Tita Shella.

"Luto na beb, bakit tulala ka diyan?" Matawa tawang ani nito. Alam ko na pilit kinakalimutan ni Caleb ang nangyaring gulo. Ako din naman. Pero ramdam ko na may nagbago na. Ngunit ayoko lang na bigyan pa iyon ng atensyon. Ayokong isipin pa iyon kaya pilit kong sinasaksak sa isip ko na gawin ang tama.

"Iniisip ko lang yung final exam natin, almost two weeks na lang ay final exam na, board exam naman, graduation and yung future goals natin para sa careers natin." He doesn't look convinced.

"Don't worry, I know you got this. Also... about our future, we can work on the same company with the same schedule. Dad has a lot of connections and he offers certain companies na tiyak magugustuhan mo." Seryosong saad nito. Niyakap ako nito mula sa likuran at saka inilagay ang baba sa balikat ko.

"Caleb--" Bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin, saka humarap sa akin.

"Why? Ayaw mo?" Ramdam ko ang pait sa boses nito.

"H-Hindi naman sa ganon. Gusto ko lang na kung saan ang pangarap ko ay doon ako magpupursue." Napailing ito.

"We have the same career ano mang gusto mong company ay doon din ako. I will let you choose what company you wants and Dad promised to help us."

Inilagay nito ang pancake sa plato ko at saka iyon nilagyan ng pancake syrup. Inakay ako nito para maupo.

Sinalinan din ako nito ng gatas at saka ako tinabihan. Nagsimula na din itong kumain ngunit ako ay hindi ko man lang magawang galawin ang pagkain ko.

"Gusto kong makamtan ang pangarap ko sa sarili kong sikap Caleb. Ayaw ko na makapasok sa isang kumpanya dahil lang nirefer ako." Kumunot ang noo nito at bahagyang natigilan.

Biniba nito ang table knife and fork nito. May bahid ng pagkainis ang mukha nito at humarap sa akin habang mukhang nadismaya sa sinabi ko. Alam ko na magiging sanhi nanaman ito ng aming hindi pagkakaintindihan pero gusto ko lamang na hayaan ako ni Caleb sa mga sariling desisyon ko para sa pangarap ko.

"Agatha, mag-aaway nanaman ba tayo? I just want the best for us. I am trying to fix everything that happened. Wala namang masama kung irefer man tayo ni Dad. You are smart, just show them that you deserve Dad's recommendation. Nothing is wrong with that." I know na hindi naman ako mananalo sa kanya kaya hindi na lamang ako nagsalita. Malaking tulong iyon ngunit gusto ko lamang na ako ang gumawa ng paraan para makamtam ko ang tinatamasa kong pangarap.

Pero siguro nga may point din siya. Ipapakita ko na lamang na deserve ko iyon. Oh dahil ayoko na lamang na magtalo kaming muli?

"I just hope hindi na natin pag-awayan pa ito." He added, i just answered him with a nod. Tumayo ako at nagpunta sa may bintana sa tabi ng kusina ng bahay nila Caleb.

"What keeps bothering you? Kanina ka pa natutulala at natatahimik diyan. Mukhang hindi naman about sa future lang ang iniisip mo" May diin ang bawat salita nito, bakas din ang pagkainis sa mga mata nito.

"No Caleb hindi, busog lang ako--" pero bago pa ako matapos sa sasabihin ko ay nagsalita na ito.

"Nag-iba ka na." Nandon pa din ang pait sa boses nito na kinapikit ko. I don't want to hurt him but I know na totoong may nagbago na. Napalunok ako. Pero hindi dapat palaging ganito... I need to fix my mistakes too.

"Sorry Caleb... marami lang nangyari na alam ko naman na naging kasalanan ko. Hindi lang ako matahimik sa lahat ng nangyari."

"Is it really? O dahil namimiss mo ang kakambal ko?" Nakakakilabot ang paraan ng pagtingin nito sa akin. May mapanginis na tono akong narinig mula sa kanya. Alam kong pilit lamang niya iyon hindi brinibring up pero siguro ay dahil sa aking mga naging aksyon ay hindi niya na tuluyan pang mapigilan.

"Cal--"

"I am JEALOUS Agatha! tell me, ano ba ang namagitan sa inyo talaga?! I can see it in your eyes. Workmates nga lang ba talaga? Nag iba ka na!!!" He shouted at me. Nakarinig ako ng mabilis na mga tapak ng paa mula sa may hagdan na tila humahangos pababa.

"Son!" It's Tita Shella

"Nag-aaway nanaman ba kayo?" Mababakas ang concern sa mga mata nito. Lumapit ito kay Caleb and she tried to calm him down.

"Caleb, walang masosolusyonan sa pag-aaway. Pag-usapan ninyong dalawa ng maayos. What happened in the past stays in the past. Don't let it affect your present or your future." Napapikit ng mariin si Caleb at bahagyang tumango.

"Fine." He then looks at me, straight in the eye.

"But always remember Agatha, you are mine. Don't make me jealous. OR ELSE hindi ko alam ang magagawa ko." Mabilis na umalis ito para lumabas. Humarap sa akin si Tita Shella. Bumuntong hininga ito.

"Iha, please don't hurt my sons again." Nanlaki ang mata ko.

"Both of them, alam kong mahal na mahal ka. Pareho sila na gusto kang angkinin. Mahirap para sa akin dahil anak ko silang pareho at ayokong may panigan. Pero iha do the right thing. Listen to your heart, and I am hoping si Caleb ang laman niyan. Apat na taon na kayo iha. Huwag naman sana masira ang pinagsamahan ninyo. Ayokong tuluyang masira pa ang pamilya namin. Ayoko ng gulo." Napapikit ako pero agad akong dumilat at pilit na ngumiti.

"O-Opo... pasensya na po." Maliit na ngiti ang sinukli nito sa akin. Bahagya akong tinapik nito sa balikat.

"Puntahan mo na si Caleb sa kwarto niya. Ayusin ninyo iyan. Huwag na kayong mag-away. Mahirap ang puro gulo na lamang lagi." Tumalikod na ito. Agad akong humarap sa pinagkainan namin. Parehong hindi ubos ang pinaghirapan ni Caleb. Kumuha ako ng tray at dinala lahat ng iyon sa kwarto ni Caleb.

Kakatok sana ako ngunit bahagya ng nakabukas ang pinto ng kwarto nito. Nakatayo si Caleb sa may bintana habang nakapamulsa. Agad kong binaba ang tray ng pagkain sa bedside table na siyang kinalingon niya.

"Caleb... sorry. Let's fix our relationship together. Ayoko na mag-away pa tayong muli." Lumapit ito sa akin.

He cupped my face and kissed me torridly. Nanlaki ang mata ko. Pero agad akong napapapikit. As I closed my eyes isang lawaran ng lalaki ang nakikita ko. Larawan ng kakambal ng nobyo ko. Unti unting bumagsak ang luha ko. Pakiramdam ko ay napakabigat ng puso ko. I hate myself. I hate myself so much. This is all my fault. Sana una pa lang ay napigilan ko na.

"Don't make me jealous, please ako lang." I stared at him pagkalas nito ng halik sa akin.

Listen to your mind, do the right thing.

"I-Ikaw lang." Ngumiti ito ng malaki saka bahagyang ngumisi.

-
Comment po kayo please? (if ever meron pang naghihintay)

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon