Kiss

830 19 0
                                    

Chapter 11

Third Person's POV

"Ano na Agatha? kung ayaw mo aalis na ako." Nakangiseng sabi ni Dylan kay Agatha na hindi na mapakali.

Hindi niya narin malaman kung saan niya ibabaling ang tingin, pakiramdam niya ay unti unti ng nagiinit ang kanyang pisngi.

Nais na sana ng dalaga, lihim itong humihiling na sana kainin nalang siya ng lupa. Para hindi malaman ng taong kaharap na tila gusto pa niya ang kundisyon nito.

Hindi na malaman ng dalaga kung ano ang kanyang dapat na maramdaman. Kinakabahan, natatakot, pero sa huli alam niya sa sarili niya na naeexcite siya.

At dahil sa pakiramdam na iyon ay pilit kinakastigo ng dalaga ang sarili.

"A-Alright, pero smack lang" Nais ng dalaga na bawiin ang sinabi niya.

Nais niyang maiyak at sana hinayaan nalang niyang umalis ang binata at bahala nalang kung anong mangyari.

Ngunit umoo parin siya, pero hindi niya naisip ang dalagang nangangailangan ng pera kagaya niya, hindi yun ang nasa isip niya kaya siya umoo, kaya siya pumayag, dahil ang naging dahilan nito ay walang iba kung hindi ang nais niyang matikman muli ang labi ng kapatid ng mismong nobyo niya. Kabaliwan. Katangahan.

Dahil mula ng una nitong halikan ang labi niya ay tila nawala siya sa huwisyo, na sa utak niya ay kinagalit niya dahil isa iyong kataksilan. Pero ang puso niya na tila walang ibang ginawa kung hindi lumakas ang pagtibok.

Masuyong hinaplos ng binata ang namumulang pisnge ng dalaga. Pinakatitigan nito ang napakagandang mukha ng kanyang minamahal habang lalong idiniin ang sarili dito dahil narin sa nabubuong pangigigil nito sa dalaga.

"We will see about that Angel" utas ng binata

Mapangakit na tono, nakakakilig na pagtawag ano pa bang mahihiling ng isang babae? Ngunit alam ng dalaga na mali kahit na ano pang ipilit, mali parin ang kanyang nararamdaman.

Pinagdikit nila ang kanilang noo at konting konti nalang ay maglalapat na ang kanilang mga labi.

"I'm not sorry..." wika ng binata at saka siya buong pusong hinalikan.

Kinagat pa nito ang kanyang ibabang labi nararamdaman ng dalaga ang dila nitong nangingiliti sa kanyang bibig. Nakakapangilabot, hindi dahil sa nakakadiri o ano pa man kung hindi dahil sa sarap na hatid nito.

Napasabunot si Agatha sa buhok ni Dylan, habang ang binata ay lalong idiniin ang katawan sa kanyang pinangigigilan na minamahal.

Kulang nalamang ay malupi niya na ito sa sobrang tindi ng kanilang nararamdaman ng sandaling iyon.

Pagkakalas ng kanilang labi ay maririnig ang kanilang paghahabol ng hininga. Nananatiling magkalapit ang kanilang mukha at kanilang mga noo hinaplos muli ng binata ang pisngi ng dalaga at hinawakan ang baba nito.

"Ang sarap... gusto ko pa" Ngumise ito at muling inangkin ang labi ng dalaga.

Ipinatong ng dalaga ang kanyang mga kamay sa balikat ng binata saka lalong inilapit sa kanya.

Hinila ng binata ang dalaga at niyakap ang bewang nito saka muling idiniin sa kotse at saka patuloy na naghalikan.

Kagat kagat ng binata ang ilalim na labi ng dalaga habang sinisip sip ito ng biglang nabalik sa wisyo ang dalaga at naitulak ito. Ngumise ang binata at napakagat sa sariling labi at bahagyang ngumuso dahil sa pagpipigil ng ngiti.

"Thank you Agatha. Napasaya mo ako" Ngumise ito muli saka dinilaan ang sariling labi. Napatulala ang dalaga habang nakita niya ang pagtalikod ng binata at may kinausap sa telepono nito.

"Hello Mr. Sy? I need some photographers--"

At nakita niya na ngang tuluyan itong nakapasok muli sa studio habang naiwan siya sa parking lot at nanating nakasandal sa sasakyang nito. Tulala at hindi makagalaw.

Naaalala niya pa kung paano ito makiusap sa Madam nila upang makahiram ng sasakyan. Naalala niya palagi ang mukha nitong sobrang maamo pero misteryoso.

Ang halik nitong nakakawala sa wisyo

Ang mga ngiti, ngise at tawa nitong nakakabaliw

Pero Mali. Dahil hindi parin niya makakalimutan na ito ay mananatiling kakambal ng kanyang nobyo, siya ay may nobyo na at ang kanyang nararamdaman ay mali.

Maling mali

Pero bakit, bakit tila napapangiti siya ng makita sa salamin ng kotse nito ang namamagang labi na may bakas ng lagpas ng lipstick dahil sa kanilang matinding saluhan ng halik.

Bakit tila masaya pa siya?

/Edited: May 5,2020/

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon