Paano na?

698 14 4
                                    

Chapter 13

Agatha's POV

"The wedding gowns really suits you Agatha" May malanding ngiti na mababakas sa ngiti ni Dylan sa akin kasalukuyang nasa pangatlong gown na ako at puro papuri ang sinasabi niya

"Thanks" Pormal kong sagot rito

Ngunit naging dahilan lamang iyon para lalo siyang ngumise sa akin kasabay ng pagngise ng kanyang assistant.

"Stop frowning, you will look hotter kapag ginawa mo yun, for now i want you to look shy and sweet" Gustong gusto ko ng sapakin ang ngise niya na hindi matanggal tanggal hanggang ngayon.

Sa tuwing matatapos ako ng isang pose at makukunan niya tititignan niya muli ang picture saka iiling na nakangiti.

Kung titignan ay mukhang tuwang tuwa ito. The way he smiles while looking at my picture makes my heart skips a beat. Agad akong napailing. Stop Agatha. Pagkatapos ng shoot na ito tapos na din ang lahat lahat ng namagitan sa inyo. Matutulungan mo na ang pamilya mo, may ipon ka na para sa pag-aaral. Sapat na iyon.

Hindi ko nalamang siya pinansin konting tiis pa Agatha kakayanin mo rin, ito na ang huli.

Lumipas ang sandali at nandito na kami sa last wedding gown. Strapless ito at punong puno ng diamonds, may touch of black din ito at bagay na bagay sa hubog ng aking katawan.

Nakangise si Dylan mula ng humarap ako rito.

"Wow" Natawa ito ng may malanding tono sabay bigkas niya sakin ng tatlong letrang iyon.

Bakit tila may pakiramdam ako na ang sarap niyang yupiin at pagpirapirasuhin pero gusto ko ako lang ang bubuo muli sa kanya sa huli. Gaga anong pinagsasabi mo Agatha?!

Oo alam ko walang kwenta iyon, mali at puro kalokohan lang pero hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung pati utak at puso ko nagtatalo? Makinig sa utak Agatha, hindi ito tama.

"Let's start, shall we?" Pagaagaw pansin nito sa akin ng ako'y saglit na natulala sa pag-iisip.

Tumango na lamang ako rito.

Pakiramdam ko hindi matapos tapos samantalang nandito na kami sa huli. Lumapit si Dylan sakin at hinawakan ang aking kamay.

"Relax Agatha, let's take one last picture, pero maari bang ako yung kasama mo?" Nagtiliian ang ilang staff na tapos na sa amin, si Izzy na siguro'y kakatapos lang din ay masamang nakatingin sakin at saka biglang ngumise.

Napabuntong hininga ako at iniwasan na lamang ito ng tingin. She is right, okay? Pero mas maiinis pa siya kapag nalaman niya na kakambal ni Dylan ang boyfriend ko.

"Saktong sakto ang suot mo Dylan! Buti nalang at nakaformal kang suot, pahiramin nga ng coat si Dylan! Dali!" Pagutos ng make up artist/ stylist namin sa studio.

Napalunok ako, anong gusto nilang mangyari?

Agad na isinuot ang coat kay Dylan at ginulo ng stylist ang buhok nito.

"Grabe ka talaga Dylan, mapa sa likod at harap ng camera ay pupwede! Nakapaswerte mo naman Agatha!"

"Nako hindi naman--" Pinutol ni Dylan ang ano mang pangtanggi ko. Hinaplos nito ang bewang ko at saka ako hinapit palapit sa kanya.

"Let's take some pictures, shall we?" May agarang lumapit na Photographer sa amin isa sa mga pinatawag ni Dylan na photographer na tutulong para sa event na ito.

"I'll take it bro!" Nakangise ito kay Dylan saka kumindat sa akin bigla ko nalamang naramdamang humigpit ang hawak ni Dylan sa aking bewang at mas hinila pa ako nito para mas mapalapit pa sa kanya.

"Alright, easy bro!" Mapanginis pa itong humalakhak.

"Danilo ikaw na nga lang kumuha sa kanila!" Utos ng stylist sa isang photograpaher na kanina pa kumakain sa may pintuan na tila kanina pa tapos.

"Alright, basta may dagdag bayad" Wala man lang emosyong sabi nito at saka ipuniwesto na ang camera at handa na kaming kunang dalawa ni Dylan.

"Sure" Pagsangayon ni Dylan dito at bahagyang humaplos ang kamay nito mula sa bewang ko pababa malapit sa bandang likuran ko. Agad akong lumingon dito at sinamaan ng tingin pero kinindatan lamang ako nito. Hudyo!

Ang unti unti naming pag-didikit ang naging udyat para magkaroon ng nakakabinging hiyawan at tuksuhan sa loob ng studio.

Nakahawak sa bewang ko si Dylan habang nakadikit ang kanyang ilong sa aking pisnge ng may biglang pumasok sa pinto, isang tao na hinding hindi ko inaasahan na pupunta at makikita ako.

Walang iba...

Kung hindi...

Si

Caleb.

Sa likod nito ay si Madam at mula sa mga mata ng aking nobyo alam ko na nagpupuyos ito sa galit.

Papaano niyang nalaman na nandito ako?

Bakit kasama niya si Madam?

Ano nalang ang dapat kong gawin?

Itinulak ko si Dylan, hindi ko alam kung paano magpapaliwanag at saan maguumpisa. Ito na dapat ang huli pero bakit tila sinadya pa ng tadhanang mangyari ito? At bakit sa ganong posisyon pa niya kami nakita?! Ito na ba ang karma ko? O God. Paano na...

O Diyos ko... Paano na?

/Edited: May 5,2020/

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon