Dylan's Promise

279 10 1
                                    

Chapter 27

Agatha's POV

Today is tuesday, kakauwi lang din ni Caleb dahil galing ito sa bahay namin. Malapit na ang final exam namin kaya todo review ako. Agad na lumapit sa akin ang kapatid ko.

"Ate, nandyan po si Kuya Dylan."

"Ano? Bakit siya nandito." Nagkibit balikat ito.

"Pinapasok ko na po, kausap siya ni Mama." Agad akong bumaba at natunghayan ko ang eksenang hindi ko pa nakikita mula kay Mama at kay Caleb.

Si Mama at Dylan masayang nag-uusap. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang pumunta pa ni Dylan dito. Malinaw sa alalaala ko na nag-usap kami na hindi na muling magkikita. Alam ko na nasaktan ko siya sa pag-uusap naming iyon ngunit iyon ang tama kong gawin.

"Dylan." Tawag pansin ko dito. Natigil ito sa pakikipagkwentuhan sa aking ina.

"A-Agatha." Tawag nito pabalik sa akin. Maliit na ngiti ang iginawad nito.

"Bakit ka nandito?" Ubod ng pilit akong hindi mautal at nagpapasalamat akong napagtagumpayan ko iyon.

Pilit na ngumiti ito.

"Nangangamusta lang ako." Napakagat ako sa labi ko at sinenyasan ito na sa bandang kusina kami mag-usap. Agaran naman itong sumunod at bakas ko ang lungkot sa mga mata nito.

"N-Nag-usap na tayo hindi ba Dylan?" Napalunok ako at tila napakabigat ng puso ko. Napailing ako, mali... hindi tama.

"Masaya ka ba Agatha?" Nanlaki ang mata ko sa naging tanong nito sa akin. Hindi ko magawang sumagot agad.

"B-Bakit mo naman tinatanong sa akin yan?"

"Hindi mo sinagot ang tanong ko." Bahagyang mas lumapit pa ito sa akin ngunit agad na umatras na lamang ako.

"M-Masaya ako." Napailing ito.

"Hanggang kailan mo ba itatago sa akin Agatha?"

"Ano bang sinasabi mo?! Masaya ako. Please naman--"

"Masaya? Bakit hindi ko makita sa mga mata mo yung saya? Bakit tila malungkot ang mga mata mo? Galing daw dito si Caleb pero ni hindi man lang kinamusta ang Mama mo." Napailing ito.

"Ganon mo ba talaga kamahal si Caleb na kahit marami ng kamalian sa mga kinikilos niya ay hinahayaan mo na lang? O dahil sa naniniwala ka pa din na ikaw ang may kasalanan? Na kasalanan natin ang lahat ng ito?!" Hinawakan nito ang kamay ko at saka itinapat sa dibdib niya.

"Sabihin mo nga sa akin, mali ba ito? Ako Agatha hindi kita kahit kailan sasaktan. Nagreport sa akin ang mga tauhan ni Dad dahil kinakamusta ko sila... madalas daw kayong mag-away ni Caleb. Agatha, hindi maitatama ng mali ang isa pang mali... alam mo sa sarili mo na may puwang ako diyan sa puso mo pero dahil naniniwala kang mali ako ay itinatakwil mo ako. Wala akong tigil sa kakaisip araw araw. Yung mga panahon na hinalikan kita at tumugon ka. Doon pa lang alam ko na, Agatha... kung mahal mo siya hindi ka tutugon sa akin ng ganon! Oo siguro nadala o naipit ka lang sa sitwasyon... pero yung pagsagot mo sa halik ko hinding hindi mo maitatanggi iyon!"

Kasabay ng pagpatak ng luha nito ay gayundin ang akin.

"Hindi na kami muling nag-aaway--" Umiling ito sa akin.

"Huwag mo na akong lokohin pa at may nakarating sa akin nito lang na away ninyo."

"Naiintindihan ko na gusto mong bumawi sa kanya, pero huwag mo naman sanang lokohin pa ang sarili mo. Pakinggan mo din ang puso mo. Nasasaktan ako Agatha, mahal na mahal kita. Hinding hindi kita sasaktan gaya niya pangako ko iyan sayo."

Napapikit ako sa pangako nito. Hindi maaari. I promised Caleb and I just can't break it again. Ayokong masaktan ko muli siya. He needs me, he loves me. I don't want to break his heart.

But I know deep down ayoko din na masaktan si Dylan, pero ito ang sa tingin kong tama. Magkakambal sila at kung pipiliin ko si Dylan ay magkakagulo pang lalo. Malaking bagay na makita ko na magkasama ang mga magulang nila at si Dylan ng araw na sinundo nila ako. Hindi ko na dapat pang sirain iyon.

Hindi ako dapat mamili sa kanila dahil dapat una pa lang dapat si Caleb lang, isang malaking kamalian ang lahat.

"U-Umalis ka na--" Pakiusap ko dito pero umiling itong muli. Mariin ang tingin nito sa akin.

"Bakit ba lagi mo na lamang ako pinapaalis sa buhay mo? Gusto ko lang naman na maipakita sayo kung gaano kita kamahal at kung gaano kita gusto na alagaan, na hinding hindi kita sasaktan gaya niya." Humigpit ang hawak nito sa kamay ko.

"But I won't stop until napaintindi ko na sa iyo ang tama mong sundin." Itinuro nito ang puso ko.

"Na mas mapapasaya ka ng puso mo." Kumalas ako sa pagkakahawak nito sa kamay ko at bakas ko na lalo ko lamang nasaktan ito sa ginawa ko.

"Huwag mo akong diktahan sa nararamdaman ko dahil hindi mo alam kung ano talaga ang laman nito. Si Caleb lang." Buong diin kong inihayag iyon sa kanya.

"Hindi ko makita sa mata mo! Alam ko Agatha! Nakikita ko na." Napapalatak ito.

"Hindi ako titigil hanggat hindi mo naiintindihan na mali ka ng desisyon. I won't stop loving you, I won't stop Chasing You that I promise you." Bakas ang determinasyon sa mga mata nito.

"Huwag mo na sanang guluhin pa Dylan, inaayos namin ang relasyon namin."

"Inaayos? Bakit magagawa niyo pa bang maayos kung hindi mo na siya mahal?" Napakuyom ako ng kamao.

"I love you Agatha, I love you. Papatunayan ko sayo na I am better than Caleb, hindi ko man iyon mapatunayan sa mga magulang ko, papatunayan ko iyon sa iyo and this time ako naman ang pipiliin. Ako ang pipiliin mo."

"Talaga nga bang mahal mo ako Dylan o gusto
mo lang makahiganti sa kapatid mo? Na may mapatunayan ka sa kanya? Na hindi lahat ng gusto niya ay makukuha niya?" Bumakas muli ang luha sa mga mata nito. Agad iyon nagdulot ng pagkabasag ng puso ko.

"Mahal kita! Oo kulang ako sa pagmamahal pero hindi kita kailanman gagamitin para makapaghiganti sa kanya. Kahit kailan." Napapikit ito.

"Pero kahit saktan mo ako ng mga salita mo, mahal pa din kita." Mapait na ngumiti ito sa akin. "Mahal na mahal." Dagdag pa nito.

"Lumayo ka man ay hahabulin kita. Nasa likod mo lang ako na susunod pa lagi sayo. Hindi ko hahayaan na masaktan ka niyang muli." Lumapit ito sa akin at hindi ako agad nakagalaw. Idinikit nito ang noo sa aking noo saka ito pumikit.

"Sana lang ay maliwanagan ka Agatha... hindi lahat ng akala mo ay tama. Makinig ka sa puso mo Agatha." Kumalas ito at pilit na ngumiti sa akin.

"I'll see you again." Tinalikuran na ako nito at naglakad saka bumaling sa aking ina. Hindi kalakihan ang aming tahanan kaya marahil ay narinig nito ang lahat.

"Mauuna na po ako Mama" Ngumiti ang aking ina at saka tumango. Binalingan ni Dylan ang kapatid ko saka nito ginulo ang buhok na siyang kinatawa ng kapatid ko.

"Agatha, tandaan mo sana lahat ng sinabi ko." Bilin nito saka tuluyan na lumabas ng aming tahanan. Napatingin ako kay Mama na nakatitig lamang sa akin.

"Ma--" Napapikit ito saka nakita ko na bumuhos ang luha nito.

"Anak, sana ay maliwanagan ka na nga talaga."

Mali ba ako? Mali ba ang desisyon ko?

-
Yey dalawa po ang update natin today, hope you all like it ❤️ Comment po kayo :))

Salamat sa pagbasa!

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon