Someday

200 7 0
                                    

Chapter 50

Agatha's POV

"Nakapag-usap na ba kayo ni Kuya?" Caleb asked while we were in the site.

"Ha?" Takang tanong ko rito, he called Dylan... Kuya?

"Oh, hindi ko pa ba dapat sabihin? Isusurprise ka ba niya?" bulong nito sa sarili pero rinig na rinig ko naman, ngumisi ito saka nagkamot ng ulo. Napahalakhak ako sa tinuran nito, mukhang nabigla din siya. Gaano na ba katagal? Almost... or more than three months?

Hindi ako naiinip, I am keeping myself busy. But in the end of the day... namimiss ko pa din siya. But this is the best for us. Nagagawa ko din ang mga responsibilidad ko, ng buong atensyon. I will be lying kung sasabihin ko na gusto ko yon. I want to do my responsibilities, and to fix myself but at the same time I want to be with Dylan. But today, after knowing Caleb treats his brother as his brother again, makes my heart happy. Hindi kami nagkamali ng desisyon na magpokus sa sarili at mga responsibilidad namin. Hindi kami nagkamali na ayusin muna ang mga problema namin sa buhay bago maging kami muli sa hinaharap.

"Bati na kayo?" Batid ko na kumikislap pa yung mata ko sa kasabikan.

Napanguso ito. "Oo, tuwang tuwa ka pa ha." Umirap ito pero kalaunan ay tumawa din naman.

"Sila Tito Damon?"

"Pati si Ellie pa kamo." Nanlaki ang mata ko sa rebelasyon nito, bati na sila pati ni Ellie?

"Oo, Agatha." Sagot nito kahit nanatili naman akong tahimik. Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako at hindi nagsasalita.

"Maybe you are asking yourself kung bakit hindi ka pa kinakausap ni Kuya no?" Napaiwas ako ng tingin.

"Huwag kang mag-isip ng kung ano Agatha, alam ko na miss na miss ka na din ni Kuya but he is consedering your career. Your life goals, I overheard him and Joe couple of weeks ago. It's about you focusing on your internship, possible part time job saka sa pagiging future licensed engineer. Maybe may gusto pa siyang patunayan para sayo."

"Tanggap ko naman siya." Napangiti si Caleb at tumango.

"I can see that, pero I know Kuya. May mga bigla bigla yung desisyon. Pero isa lang ang goal non sa huli. Gagawin niya lahat para mapagtagumpayan yun at alam kung ikaw ang goal niya. All you have to do is wait."

"I will, I will wait for Dylan."

ANOTHER MONTH HAD PASSED. I was busy reviewing when I heard a knock outside our door. Madaling araw na kaya labis akong nagtataka dahil bakit may kakatok sa bahay namin ng ganitong oras?

Maingat akong lumabas dahil ayokong masira ang tulog ni Mama at ni bunso. Labis na gulat ang naramdaman ko ng buksan ko ang pinto. He looks so different simula nung huling beses kaming nagkita.

"Hi." Nakangiting turan nito, hindi ako makasagot.

"I'm sorry Agatha, ang tagal kong nawala." Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Nanatiling hindi ako nagsasalita dahil sa pagkabigla at dahil na din sa hindi ko naman alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya.

Should I say hello? should I say how are you? or should I say I missed him?

"Galit ka ba sakin?" Malungkot ang mukha nito, kita ko rin ang takot sa mga mata nito.

"N-No." Napangiti ito ng maluwag at tila nasabik dahil narinig muli ang boses ko.

"B-bakit ka nandito? I mean bakit sa ganitong oras?" Napalunok ito.

"Agatha, aalis ako, maaga ang flight ko kaya dumaan muna ako sayo." Malungkot na pahayag nito, batid ko din ang panginginig ng boses nito. Bahagya akong napaatras.

"Babalik ako Agatha." Pagpapalakas nito sa loob ko. Lumakas ang pagtibok ng puso ko, may takot, pangamba, pagkabahala pero nandon pa din ang pagmamahal at tiwala.

"Bakit ka aalis? Saka bakit ka pa nagpunta dito kung aalis ka naman pala." Hindi ko alam kung saan nanggaling iyong tanong ko.

Maaaring dala ng frustrations, puyat, pagod at pagkamiss sa kanya. But who am I to complain? Ako naman ang may gustong ayusin muna ang mga sarili namin?

"Agatha, I know na nag-usap tayo noon na huwag makipagkita o makipag-usap kung alam natin na hindi pa tayo buo pero hindi ko kayang hindi magpakita sayo ngayon. Natatakot ako na baka habang wala ako may dumating. Pero may tiwala ako sayo, mahal kita Agatha, and I am hoping you will wait for me." Napapikit ako at lumandas ang mga luha ko. Agad iyong pinahid ni Dylan.

"Nakakuha ako ng offer sa paris, two years lang iyon!" Pilit nitong pinapasaya ang boses nito. Hindi ko magawang magsalita pero masaya ako para sa kanya, he has plans for his future. I am really proud of him.

"Pagbalik ko engineer ka na tapos professional photographer na ako! Tapos magpapatayo ako ng sarili kong studio! I want to do this Agatha, but I can't lose you--" Pinutol ko ang sasabihin nito sa pagitan ng isang halik. Mabilis ngunit madiin, kita ko ang pagkislap ng mga mata niya at pagpatak ng sunod sunod na luha.

"You won't lose me Dylan." aniko.

Napapapikit siya sa at ng magmulat ng mata ay batid ko na masaya siya mula sa sinabi ko at kita ko ang kapanatagan mula sa ekspresyon ng mukha niya.

"I love you Agatha, someday... wala ng makakapaghiwalay sa atin."

"And I love you too. Dylan, you are doing this for yourself. Ganon din ako, diba nga ganon ang napagdesisyonan natin? Ayusin muna natin ang sarili natin pati ang mga plano natin sa buhay. We are doing this for ourselves. Walang mali don Dylan. We are just letting ourselves grow."

Pagpapalakas ko rin sa loob niya ayokong isipin niya na hadlang ang pangarap niya para sa aming dalawa. Dahil batid ko na ibang Dylan na ang nasa harap ko, Dylan na mas responsable, Dylan na mas maingat at Dylan na mas mahal ko.

"Wait for me." Hinaplos nito ang pisngi ko, hinuli ko ang kamay niya at masuyo iyong hinawakan ng mahigpit.

Napangiti siya at hinalikan ako nito ng madiin sa labi.

"I will Dylan... I will." Tumango ito mula sa naging sagot ko at lumuwag na ang ngiti nito.

"Let's try our best to keep our communication okay? Ayoko na nung hindi kita nakakausap, lalo na ngayong mapapalayo na ako."

"Ofcourse Dylan... ofcourse."

_
UPDATE every SATURDAY & SUNDAY 8 PM.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon