The Photoshoot

3K 86 3
                                    

Chapter 4

THIRD PERSON'S POV

Hindi mapakali si Agatha sa pagpopose, hindi niya alam kung nagmumukha na siyang tanga dahil hanggang ngayon naglalaro sa isipan niya ang mga katagang kanina niya pa nasa isip.

Nakakaintimidate ang tingin niya! Parang mas gusto ko na lamang lamunin ako ng lupa.

Napalunok siyang muli nagulat pa siya ng napalakpak ang binata sa harapan niya.

Kahawig na kahawig siya ni Caleb. Pero si Dylan, siya yung tipong misteryoso.

"Focus please" Malamig ang boses nito pero iba ang hatid na init sa sistema ng dalaga. Napailing na lamang siya sa kanyang isipan.

Para siyang nahihibang. Nakakahipnotismo ang boses nito.

"S-Sorry" Ngumiti ang binata kaya lalong nawala ang dalaga sa huwisyo

God Agatha! You have a boyfriend! Pangaral nito sa sarili, saglit na napayuko siya. You have Caleb Agatha ano ba?' and You love Caleb! stop fantasizing on his brother! Huwag kang magpaapekto! sigaw ng utak ng dalaga Trabaho lang ito!

Nilagay ng dalaga sa bewang niya ang kanang kamay niya at bahagyang tumagilid at nagsimula ng magpose ng magpose

Sunod sunod na nakakasilaw na liwanag mula sa flash ng camera ng binata. Bawat anggulo ng dalaga'y maganda. Bawat pose nito ay nakakaakit.

"Its a wrap!" Nang matapos na ang photoshoot ay nagiinit ang binata. God pinagpapawisan siya! pero napakalamig ng pawis niya napayuko siya at kinuha ang tubig niya at tuloy tuloy itong nilagok.

"After 15 minutes, next model" sabi sa kanya ni Madam

Matandang dalaga na ito pero maganda pa din tumango ang binata sa itinuturing niya na ding pangalawang ina na nakilala niya bago pa lamang siya mag-aral sa ibang bansa.

"Thank you Agatha next week ha?" Sabi ni Madam ng humarap na ito sa dalaga, nakita niya ang ngiti ng dalaga kay Madam kaya napangiti na lang din siya.

Agad niya itong nilapitan at ng makalapit na siya'y naamoy niya ang malastrawberry na amoy nito.

Fck she has a sweet scent! Sigaw ng puso ng binata

"You will be on my team, and sana huwag kang mahihiya sa akin" Tumango ang dalaga at ngumiti sa kanya.

Inabot niya dito ang calling card at kinintalan ng halik sa pisnge ang dalaga bago pa makareact ang dalaga ay nagawa na niyang lumayo dito.

"Aasahan kong hindi mo sasabihin ito kay Caleb"

SA ISIP NI AGATHA ay para na siyang nagsisinungaling sa kasintahan kung sakali pero nangibabaw sa isipan niyang ayaw niyang makisali. Maaring may dahilan kaya lumayas at nagtatago si Dylan sa pamilya nito at kung ano man yun ay ayaw na niyang makialam.

Tumango ang dalaga saka nagpaalam sa lahat, agad siyang sumakay ng taxi.

Sa saglit na photoshoot na yun ay may 5K na ako. Malaking tulong na ito sa pamilya ko.

Noong ipinanganak ang bunso niyang kapatid ay namatay ang kanyang ama ang ina naman niya ay may sakit, siya na lamang ang inaasahan ng pamilya nila.

Mabuti at naging ischolar siya, kaya kabawasan na iyon sa pinansiyal na pangangailangan niya.

Huminga siyang malalim at bumaba na ng taxi, simple lamang ang buhay nila hindi kagaya ng nobyo niya na may pera, nahihiya siya. Pero ang pagmamahalan nila ang nagiging sagot sa lahat ng takot niya.

Pagkapasok niya pa lamang sa apartment na tinutuluyan nila ay umiiyak nanaman ang bunso niyang kapatid at tiyak ay may sakit na naman ito

"Shh tahan na bunso ko andito na si Ate tahan na"

SAMANTALA SI DYLAN pakanta kanta pa ito sa loob ng banyo at sabay tatawa. Nababaliw na nga ata siya.

"I always knew you were the best the coolest girl i know~ hahaha so preetier than all the rest the star of my show!~"
Nagtatatalon pa ito sa banyo habanag kumakanta at sumasayaw.

"My price possession, one and only. I adore you girl I want you~" Humarap siya sa salamin ng banyo

"My favorite girl~" Saka ngumise

"You will be mine honey... You will be mine."

Tinapos niya ang pagshower at nagpalit ng damit saka muling nahiga sa kama

"Gagawin ko ang lahat para mapasakin ka. You're My Angel at para makaganti nako sa Caleb na yan! Does he think na lahat ay para sa kanya lang? Pwes nagkakamali siya"

Namutawi muli ang ngise sa mukha ng binata hanggang sa nakatulog na muli siya.

HINDI MAPAKALI SI CALEB dahil bigla na lamang nahulog ang picture frame nilang magnobya. Kinunan ito noong unang araw na naging sila, ang araw na naging sila na ng prinsesa niya.

Napabuntong hininga siya at iniwaksi ang kung ano man ang nasa isip niya.

"Oh come on! Papalitan ko lang ng picture frame ayos na, as if naman mawawala si Agatha sakin" Pagkukumbinsi ni Caleb sa sarili.

Ngunit bigla nalamang siyang nabubog nito kahit na maingat na maingat niya itong nilinis.

Tuloy tuloy ang agos ng dugo niya at pumatak ito sa larawan nila ng kasintahan. Sa mukha niya, particularly,

Napuno ng dugo ang mukha niya marahil ay sa bahagi nun niya na natapat ang dugo ng daliri niya. Naibato niya ito at napakuyom ng parehong kamao kahit masakit dahil napadiin ang pagkuyom niya sa kamay niya.

"Bakit ba pakiramdam ko may maling mangyayari?!"

/Edited: April 30, 2020/

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon