Mama

371 11 0
                                    

Chapter 20

Dylan's POV

"Anong plano mo?" Napatitig ako sa kawalan. Kinuwento ko kay Joe ang lahat ng nangyari at pinag-usapan namin nung Elle, or Elle or Ellie yata whatever!

"Sa ngayon binigay niya lang muna sa akin ang address nung baryong pinagtataguan nila Caleb at ng babaeng mahal ko. Hindi pa kami gagalaw kailangan muna naming mag-isip ng plano."

"So kelan naman yon?" Napakuyom ako sa kamao ko.

"As soon as possible." Nagtatagis ang bagang ko. "Pero may uumpisahan muna ako. I'll start with Agatha's Family. Kikilos muna akong mag-isa" Nakarinig ako ng pangsinghap at kalayunan ay naging paghalakhak iyon.

"Dylan excited naman ako dyan! Basta mag-iingat kang g*go ka! I just hope na sana naman ay hindi ka mag-sisisi sa huli at makukuha mo ang gusto mo."

"Ofcourse Joe! Oh paano, nandito na ako. Talk to you later" Agad ko na pinatay ang tawag. Kumatok ako sa pinto at pinagbuksan ako ng kapatid ni Agatha.

"Kuya Caleb?" Nanliit ang mata ko, napapalatak ako pero pinilit ko na lamang na ngumiti pakiramdam ko ay naging ngiwi pa din iyon.

"Nasaan po ang kapatid ko? Nawawala po kasi siya at pati po kayo ay hindi namin mahanap kahit ng mga magulang ninyo. Nag-alala po kami lalo na po ng inay ko." Bakas ang luha sa mga mata nito. Pinantayan ko ito.

"I'm not Caleb. I'm Dylan his twin brother. Nandito ako para sabihin sa inyo kung nasaan ang kapatid mo." Nanlaki ang mata nito. Dahan dahan nitong binuksan ng tuluyan ang pinto at pinapasok ako sa munting bahay nila. Agad ako nitong dinala sa kanyang ina na nakaratay habang hawak ang larawan nilang pamilya.

"I-Iho... nasaan ang anak ko?" Bakas ang hirap at pag-aalala at kalungkutan sa mukha nito.

"Ako po si Dylan, kakambal ko po si Caleb" May halong pait ang bawat pag-amin kong kakambal ko ang mang-aagaw na iyon.

"G-Ganon ba iho? Alam m-mo ba... k-kung nasaan ang anak k-ko?" Tila hirap din itong magsalita dagdag na din ang stress na kinakaharap. Binalingan ko ang kapatid ni Agatha.

"Dalhan mo muna ng tubig yung Mama mo" Pilit itong ngumiti. Nagmamadali ito at ibinigay sa ina niyang nanginginig ang kamay at kaya't agad na lamang inalalayan ng anak para makainom ng tubig.

"Huminahon po muna kayo kahit mahirap dahil alam ko po na nag-alala kayo." Huminga ako ng malalim. Pilit kinakalma ang boses ko.

"Sinama po ni Caleb si Agatha papunta sa isang malayong baryo. Itinatago niya po ang anak ninyo" Suminghap ito.

"Ngunit mabait na bata si Caleb... Hindi niya iyon magagawa" Agaran ang iling ko rito.

"Huminga po kayo ng malalim. Hindi po mapapalagay ang anak niyo kung atakehin kayo. Hindi po alam ng anak niyo ang gagawin sa mga oras na ito panigurado dahil kinukulong siya ni Caleb. Pero huwag po kayong labis na mag-alala. Nalaman ko po kung nasaan sila at nagiisip lamang po ako ng plano para makalaya si Agatha palayo sa hayop kong kapatid." Napatitig ito sa akin. Malalim. Tila may nababakas ito sa mukha ko. Pinilit kong ngumiti rito. Pilit nitong inaabot ang kamay ko. Hinayaan ko iyon at tila may humaplos sa aking puso. Isang hawak ng isang ina.

"Sabihin mo sa akin. Anong rason ni Caleb para itago ang anak ko? Hindi ako kailan man naging tutol sa relasyon nila. Tinawagan ko ang magulang niyo at tila tutulong din sila sa paghanap. Ngunit batid ko na hindi din sila tutol sa kanilang dalawa kaya anong rason ng kapatid mo?" Napalunok ako.

"D-Dahil sa akin." Agad ako nakaramdam ng takot. Maaaring sa akin siya magalit.

"A-Anong dahilan iho?" Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko.

"Mahal ko po ang anak niyo. Mahal na mahal. Buong buhay ko wala akong hinangad kung hindi makaramdam ng pagmamahal. Sa magulang ko... sa mga tao sa paligid ko. Ngunit palaging may lamang, palagi na lang lamang si Caleb. Namuhay ako na palaging may kulang. Nakaramdam ako ng ligaya ng makilala ko ang anak ninyo, napakaganda at napakabait. Unang araw ko pa lamang siyang nakita ay nahulog na ako, ngunit ipinakilala siya ni Caleb sa magulang ko bilang kasintahan. Wala akong magawa hiniling ko na lamang na sana pagbalik ko ay magkaroon ang ng pagkakataon." Huminga ako ng malalim para maipagpatuloy pa ang aking kwento.

"Sa kadahilanang pinadala ako ng magulang ko sa America para mag-aral ang dahilan nila ay mas maganda doon pero alam ko na kinahihiya nila ako dahil hindi gaya ni Caleb photographer lamang ako. Alam ko na hindi ako gusto ng aking ama. Dahilan ay dahil nung bata ako ay takot ang aking ina sa akin. Palagi daw kasing masama ang tingin ko." Mapait akong ngumiti. Nakita ko ang pag-alala sa mukha ng ina ni Agatha.

"Malayo ang loob ng ama ko sa akin, para sa kanya mundo niya ang mommy ko. Walang pwedeng manakit na kahit sino dito at magpaluha. Gustong gusto niya si Caleb dahil kawangis ng ugali nito si Mommy. Pero hindi... sa bawat ngiti nito sa aking ama ay may kasunod na ngisi pag nakatalikod na si Daddy. Palaging may oras sila Mommy at Daddy kay Caleb samantalang sa akin ay wala dahilan ay busy. Pag may gusto ako na galing sa kanila ay sa iba na lamang pinabibili. Alam kong takot ang aking ina sa mga mata ko dahilan kung bakit ayaw sa akin ng ama ko." huminga ako muli ng malalim

"Laging si Caleb, Caleb. Never akong naging kapantay ni Caleb. Sa sandaling panahon na nakasama ko si Agatha dahil sa hindi inaasahang tadhana pala muli ang maglalapit sa amin. Lalo ko siyang minahal. Sa kanya ko lamang naramdaman na kahit papano maaari akong mahalin. Kahit na itago niya, kahit na alam niyang mali alam ko sa mga mata niya pinipigil lamang niya dahil iyon ang alam niyang tama. Inilihim namin na nagkikita kami sa trabaho dahil pinalayas ako ng aking ama sa bahay. Alam kong hinahanap ako ni Caleb dahil nag-aalala daw si Mommy. Pero alam ko na mas labis pa ang pag-alala niya lalo na ngayong si Caleb ang nawawala."

Tumango lamang ito. Humigpit ang kapit sa aking kamay.

"Maaaring hindi mo lubusang maramdaman ang pagmamahal ng magulang mo at nakukulangan ka pero iho. Alam ko at batid ng puso ko na mahal ka nila. Maaaring ngang naging unfair sila sa iyo. Pero alam ko na mahal ka nila. Pero iho nandito ako maaari mo akong maging pangalawang ina. Batid ko na nasasabik ka sa pagmamahal. Alam ko na mahal mo din ang anak ko at hindi ko hawak ang desisyon nito. Pero kung ako ang papipiliin ay mas gusto kita. Alam mo bang hindi pa kami nakapag-usap ng matagal ng kasintahan ng anak ko? Diretso iyon agad halos kay Agatha may panahon nga na hindi man lang iyon nagpapaalam basta nakabukas ang pinto. Pero hindi na lamang ako nagsasalita dahil iniisip ko na baka nahihiya lamang ito." Umiling iling na ani nito.

"Alam ko na nangangailangan ka ng pagmamahal. Pero hiling ko na sana ay wag kang maging katulad ng kakambal mo iho." Malungkot na ani nito. Nagtatanong ang mga mata ko.

"Huwag kang maging kagaya niya na handang ilayo si Agatha kahit pati sa aking magulang niya na nag-aalala. Labis ang pagmamahal ng kapatid mo at hindi ko iyon gusto. Hindi dapat paglayo ang solusyon. Alam ko na gusto niyang protektahan si Agatha palayo sa iyo. Pero hindi dapat ang ginawa niya. May pangarap ang anak ko. Alam ko na gusto non makapagtapos" Tumango ako dito.

"Aaminin ko po ma'a--"

"Mama.. pwede mo akong tawaging mama" Agarang tumulo ang luha ko at pinahid nito iyon kahit bahagyang nanghihina ang mga kamay at braso nito. Inalalayan ko ito at nagpasalamat.

"Aaminin ko po M-Mama... naging selfish din po ako gaya ni Caleb. Sa sobrang kagustuhan ko na mahalin at makakuha ng konting atensyon mula kay Agatha ay pinaggagawa ko na siyang pagtaksilin sa kapatid ko na alam kong kinasama ng loob niya. Alam kong mabuti siya at ayaw niyang maging ganon kay Caleb at kung ako si Caleb ay hindi ko din iyon magugustuhan." Tumango ito.

"Batid kong ganon nga talaga ang pagmamahal iho. Nakakagawa tayo ng kasalanan at mga bagay na hindi natin lubos akalain na magagawa natin."

"Huwag po kayong mag-alala. Iuuwi ko po si Agatha. I just need to think of something. Pupuntahan ko din po ang aking ina" Ngumiti ito.

"Sana iho ay maging masaya ka. Sana mahanap mo ang kaligayahan na tinatamasa mong makuha noon pa man. Mag-iingat ka at salamat." Ngumiti ito at bahagya akong tinapik sa balikat. Ngumiti din ako rito pabalik at nagpasalamat.

Lumabas ako ng bahay at inilabas ang cellphone ko. I think I got a plan.

I dialed Mom's number, and I hope masagawa ko ng maayos ang plano ko.

-
Very sabaw update. Ingat po kayo! ❤️

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon