Trust

294 12 1
                                    

Chapter 25

Agatha's POV

Araw na muli ng pagpasok ko sa eskwela. Ramdam ko na nagaalinlangan si Mama sa mangyayari dahil blockmates kami ni Caleb.

"Huwag na po kayong mag-alala Mama." Hinalikan ko ito sa noo gayun din ang kapatid ko. Bumuntong hininga lamang ang aking ina at hindi na sumagot pa.

Lumabas ako para kausapin ang mga pinadalang magbabantay nila Tito Damon.

"Alam ko po na inutusan kayo ni Tito Damon upang bantayan ako para hindi muling makalapit si Caleb pero mag-uusap po sana kami ngayon. Kung sakali man po na ilayo niya ako doon na lamang po kayo lumabas para tulungan ako." Bahagyang nanliit ang mata ng mga ito at tila nag-usap ang kanilang mga mata bago tuluyang tumungin muli sa akin. Sabay sabay silang tumango sa akin.

Sana maging maayos lang ang lahat. Gusto kong mag-usap kami ni Caleb ng maayos na hindi namin magawa gawa noon dahil puro lamang kami away na umabot pa sa puntong nasaktan niya ako ng pisikal.

I understand Dylan, alam kong nag-aalala ito at hindi nito nagustuhan ang ginawa sa aking pananakit ni Caleb. Sa loob ng apat na taon ay ito ang kauna unahang nasaktan ako ni Caleb. Sabi nga ay once na sinaktan ka na ng pisikal ay dapat kumalas ka na kahit pa mahal mo. Tama iyon, alam ko...

Pilit ko man itago ay nasasaktan ang puso ko higit sa pasang natamo ko. Hindi ko kailanman ninais na masaktan ng pisikal pero hindi din naman nito ninais na masaktan ko siya ng emosyonal. Maaaring mababaw ang rason ko na magpatuloy pa sa relasyon namin o kahit magkaayos man lamang kami upang maging magkaibigan. Ngunit ipinapangako ko sa sarili ko na sa oras na maulit iyon ay kakalas na ako.

Siguro naman ay mapapatawad ko na din ang sarili ko dito sa gagawin ko... sana nga.

Maaaring masyado pang maaga para mag-usap kaming muli ni Caleb dahil sa lahat ng nangyari ngunit ayokong mas patagalin pa.

Isang napakatahimik na byahe ang tinahak namin papasok ng university. Ramdam ko ang tingin ng mga pinadalang tauhan ni Tito Damon. Nakapasok na ako sa aming silid at napansin ko ang mga tingin ng mga kaklase ko sa akin.

"Arnold." Tawag ko sa president sa aming block section.

"Agatha! Ilang araw kayong hindi pumapasok ni Caleb ah?" Pilit na ngumiti ako dito. Napansin ko ding wala pa si Caleb. Hindi ako sigurado kung papasok siya. Nung araw na dinala ako nito sa baryo ay itinago na din nito ang cellphone ko kaya hindi ko din siya macocontact kung sakali man na kausapin ko siya.

"May mga itatanong lang sana ako." Tumango ito, saka tila sinasabi na ipagpatuloy ko.

"May mga requirements ba tayong kailangang ipasa? Kakausapin ko sana iyong mga professors para makahabol sana ako." Napahawak ito sa baba.

"Well kay Ma'am Beatriz meron, pero alam mo naman na napaka terror non. Nung nakaraang araw ang pasahan namin. Thesis iyon, hindi kayo nakapag defense ni Caleb sayang, pero subukan mo siyang pakiusapan. Si ma'am ang bahala sa topic eh. Tanungin mo na lang siya. Pero bukod don wala naman masyadong pinagawa dahil sa finals na lamang daw."

"Salamat sa informations. Malaking tulong na iyon" Ngumiti ito at saka bumaling sa mga kaibigan niya. Naupo na ako sa aking upuan at napaisip.

Kinakabahan ako, paano kung hindi kami payagan ni Caleb na makapagdefense? Malaking parte iyon ng grades ko lalo na at major iyon at finals pa. Kailangan ko siyang mapakiusapan pagkatapos ng klase.

Natigil ang pag-iisip ko ng pumasok si Caleb sa room. Mukhang hindi maayos ang pag-gising nito at mukhang bad mood. Napakagat ako ng labi at tila umaatras ang dila ko. Mukhang hindi ko ata kayang kausapin siya. Napalunok ako at napakuyom ng kamao. Nabaling ang tingin nito sa akin. Isang napakalamig na tingin.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon