Goodbye

223 8 0
                                    

Chapter 41

Agatha's POV

"Hindi ba at sinabihan na kitang huwag papapasukin si Dylan?" pagtatanong ko sa kapatid kong bakas ang pamumutla dahil sa pagtatanong ko. Napakamot ito sa batok at hindi na makatingin sa akin ng maayos.

"P-Pero ate umiiyak siya eh." Pagpapaliwang nito, pinantayan ko ito at saka tinapik sa balikat.

"Sige na ako ng bahala." Tumango ito sa akin saka humingi ng tawad.

Hindi ako mapalagay, ang lakas ng loob niyang pumunta dito sa bahay namin pagkatapos ng lahat ng ginawa niya? Pagkatapos ko makita ang tagpong iyon sa pagitan nila? Ano bang karapatan niyang umiyak? Siya ang nanakit sa akin diba? Siya!

Agad na nagtungo ako sa labas ng kwarto at sinalubong si Dylan na nakaluhod sa tabi ng aking Mama. Umaakyat baba ang balikat nito at humahagulgol sa pag-iyak. Agad na hinatak ko ito papalabas, hinang hina ito kaya't nagawa kong hilahin ito.

"Anak--"

"Ako na pong bahala Mama." Bumuntong hininga ang aking ina at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Huwag ka sana munang magpadala sa galit mo--"

"Ako na pong bahala Mama, magpahinga na po kayo." Napatingin si Mama kay Dylan saka marahang tumango sa akin.

Hinila ko na ito palabas ng bahay pero naharangan nito ang pinto ng akmang isasara ko na iyon. Nanginginig ang kamay nito na pilit inaabot ang kamay ko pero iniwas ko iyon palayo sa kanya.

"Agatha, please let me explain." Pulang pula ang mata nito dahil sa pag-iyak at para iyong asido na bumubuhos sa puso ko. Why? huh? Bakit mo ako sinaktan ng ganito? Ang sakit makita na lumuluha siya, nagagalit ako dahil nasasaktan pa rin niya ako sa pagluha niya.

Alam ko na karma ko na ito, karma sa pananaksil ko kay Caleb, Sa pagpatol sa kakambal niya.

Sa pagmamahal kay Dylan.

"Bakit?!" Naiinis ako! I want to scream! I want to slap him again but I chose not to imbes ay umatras ako ng mas malayo pa sa kanya.

Pagod na ako kakaiyak sa loob ng isang linggo! Pagkatapos ng isang linggo bigla na lang siyang susulpot sa bahay namin na parang siya ang mas nasaktan sa aming dalawa?!

"I'm sorry!" Humihikbi ito, bago pa ito muling magsalita ay pinigil ko na ito, sa tuwing naririnig ko ang boses niya ay nasasaktan lang ako lalo.

Nasasaktan ako hanggang ngayon sa nakita ko. Ang sakit lang na handa na akong pumasok sa relasyon kasama siya, kahit na nakapanakit ako ng taong minahal at inalagaan ako ng apat na taon, handa na akong ialay ang lahat kasama siya pero ganon lang ang makikita ko?

Sorry can't heal my broken heart. It can't. "Leave. Ayokong makita ka"

"Pl--" Agad na isinara ko ang pinto at kinandado iyon, kumakatok ito pero tila wala akong naririnig.

"Agatha! Baby please!" Tuluyang lumayo ako sa pinto at pilit isinasantabi ang lahat.

"Anak sana ay hinayaan mong--" Umiling ako dito. Pumatak ang luha ko na hindi ko talaga kayang pigilan lalo na at kaharap ko si Mama.

"Anak, hindi naman tama na hindi mo papakinggan ang rason niya. Naiintindihan ko kung hindi mo pa kaya ngayon pero sana bigyan mo siya ng pagkakataon na sabihin ang paliwanag niya at sana ay hindi pa huli--" Rason? Mapait akong napangiti.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon