Long Drive

712 23 4
                                    

Follow me on twitter: (@RedJacketWP)

https://mobile.twitter.com/redjacketwp
-

Chapter 15

Third Person's POV

Ang langit na tila nagbabadya ng malakas na ulan, ang hanging napakalakas, tila ba sumasabay sa damdamin ng binatang nakatingin lamang sa dalawang magkasintahang papalayo, mula sa bintana ng studio ay nakita ni Dylan ang sasakyan ng kanyang kapatid paalis mula sa studio. Wala siyang nagawa kung hindi mapakuyom ng kamao.

"Dylan" Tawag pansin sa kanya ng kanyang ina-inahan.

"I'm sorry. Akala ko kasi ikaw yun, kung hindi ko nasabi yun siguro walang gulo na nangyari--"

"Stop, please" pagpigil ng binata sa kung ano mang sasabihin pa nito.

Ayoko na makarinig pa ng paliwanag o kahit anong salita mula sa kahit sino. Ang sakit ng puso ko. Lalo na ng makita ko kung pano niya ko nagawang talikuran at kung paano nito hinabol ang taong umaagaw sa akin palagi ng lahat.

Siya nanaman ang nanalo. Siya nanaman ang pinili. Siya nanaman. Akala ko pagkatapos ng halik na namagitan sa amin ay kahit papano may puwang na ako sa puso niya. Pero hanggang ngayon isa lamang ako pagkakamali para sa kanya. Alam kong mali pero why did it felt so right kissing her? I love her so much and ang sakit sakit na naiwan ako dito habang pinagmamasdan silang magkasama na umalis. Puno ng hinagpis ang nasa isip ng binata at malungkot na umiwas ng tingin sa bintana ng studio.

Hinubad ng binata ang coat na suot at pabalibag na ibinagsak ito sa sahig.

"Pero Dylan, si Caleb ang nobyo niya, tama ako hindi ba? May gusto ka sa kanya? Alam kong wala ako sa posisyon, pero Dylan para na kitang anak, hindi tama na magkagusto ka sa girlfriend ng kakambal mo." Pilit pinapahinahon ng ginang ang boses sa pagkausap sa binata dahil bakas dito ang pagpipigil.

"WALA KANG ALAM!!! WALA KAYONG ALAM! KAYA HUWAG KAYONG MAKIALAM! ANONG MALI HA? ANONG MALI?! Kinuha niya din sakin ang lahat! BAKIT?! HA? BAKIT AKO LANG YUNG MASAMA?! BAKIT AKO?! HINDI NAMAN AKO EH! HINDI AKO!" Napaluhod ang binata at napahawak sa mga tuhod nito at saka walang patid na umagos ang luha.

"D-Dylan" Lalapit sana ang ginang ngunit agarang tumayo ang binata.

"Huwag kang makialam, hindi ko kayo kailangan" Mabilis na lumabas ang binata mula sa studio at isang nakakabinging katahimikan ang masasaksihan na naputol sa pagkabalibag ng pinto ng binata.

-

"San tayo pupunta b-beb?" Ilang na tawag ng dalaga sa kanyang kasintahan, alam niyang malaki parin ang pagkakamali niya kaya't hindi niya lubusan masabi ang kanilang tawagan.

"It's a secret, matulog ka muna beb" Matamis na wika nito saka matamis ding ngumite.

Agarang napaiwas lamang ng tingin ang dalaga. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maging masaya na nakangiti na kanyang kasintahan. Lalo lamang nangamba ang dalaga dahil doon.

Tila hanggang ngayon ay bumabagabag parin sa kanya ang nangyari at lalo lamang dumadagdag sa konsensya niya ang tila balik sa normal na sitwasyon nila.

"Caleb, hindi naman kailangan maging okay agad tayo, alam kong nasaktan kita, maiintindihan ko kung--"

"Para ano? Para makapa-usap at kita pa kayo ni Dylan?!" Nagbalik ang tila matalim na pananalita nito. Pulang pula ang mukha nito at halata ang pagkainis sa mukha nito.

"Ang sinasabi ko lang naman e, alam kong galit ka, alam kong maraming bumabagabag sayo! Ang gusto ko lang magpahinga ka muna, at magrelax at hindi ako makakatulong dun kasi ako ang rason kung bakit nangyari ang lahat ng gulong ito! Pangako ko sayong hindi kita iiwan, kaya umuwi muna tayo para makapagpahinga tayong dalawa okay?"

Biglang pumreno ang binata. Napahigpit ang kapit ng dalaga sa seatbelt nito at saka huminga ng malalim at napalingon sa katabing masama na ang tingin sa kanya.

"Caleb ano ba! Buti nalang nakaseatbelt tayong dalawa!"

"Shut up! JUST SHUT UP!!!" Nagpupuyos sa galit nitong sigaw, kasabay ng pagsabunot sa sarili. Nais itong kalmahin ng dalaga ngunit natigil ito ng bigla nitong hinawakan ang braso ng dalaga at saka madiing hinawakan. Nakaramdam agad ng takot ang dalaga dahil kahit kailan ay hindi pa siya nasasaktan ng kasintahan.

"Kung akala mong makakawala ka pa sakin, nagkakamali ka! AKIN KA LANG AGATHA! akin ka lang" Mabilisang pinatakbo ng binata ang sasakyan patungo sa lugar na kahit sino man ay walang nakaka-alam

Lumipas ang anim na oras na pagmamaneho ay napadpad ang magkasintahan sa liblib na lugar, puno ito ng mga puno at wala kang makikita na kahit isang bahay. Madilim at kasabay pa nito ang napakalakas na ulan.

Nagising mula sa pagkakatulog si Agatha at agarang napalunok sa nakita mula sa labas ng bintana.

"N-Nasan tayo?"

Tila walang narinig ang binata at hindi ito sumagot, agad nitong tinanggal ang kanyang seatbelt at agarang binuksan ang pinto ng sasakyan.

"Caleb" Agad ding lumabas ang dalaga sa sasakyan

"Pumasok ka nga sa sasakyan! Ang lakas lakas ng ulan!" Hinila ng dalaga ang binata at ipinasok sa back seat

"Nababaliw kana ba?! Hindi mo ba nararamdaman yung malakas na ulan ha?!" Basang basa na sila pareho pero mababakas parin sa mukha ng binata ang patak ng kanyang mga luha.

"Ang gusto ko lang naman makalayo! Kukunin ka niya sakin! Kailangan nating lumayo! Lumayo pa tayo Agatha! Kailangan ko makahanap ng gas station! Kailangan makalayo pa tayo kukunin ka niya!!!" Natatarantang wika ng binata na halos hindi na makahinga sa kanyang pag-iyak.

"Caleb" Pagpapa-alo nito sa kasintahan.

"No! No! Sinabi niya Agatha! Sinabi niya yun, kukunin ka niya lumayo tayo! Lumayo tayo!" Nagpapanic na ang binata at walang magawa ang dalaga upang pakalmahin ito.

"Caleb please tama na" Naiiyak ng wika ng dalaga sa kanyang kasintahan na walang tigil sa pagwawala kasabay ng walang tigil nitong pag-iyak at pagsabunot sa sariling buhok nito.

"Hindi! HINDI akin ka lang eh! Akin ka lang! Tapos kukunin ka nalang niya bigla? Hindi pwede hindi ako papayag!!!" hindi na napigilan ng dalaga at kasabay ng pagpatak ng ulan at mga hinagpis ng kasintahan ay pati siya ay naluha na din.

Kasalanan ko ito. Kastigo ng dalaga habang niyayakap ang binatang walang patid sa pag-iyak.

/Edited: May 5,2020/

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon