Help me!

234 10 0
                                    

Chapter 43

Agatha's POV

Tatlong araw na ang lumipas, araw araw pakiramdam ko ay taon ang nagdadaan. Wala pa ding patid sa paghingi ng tawad si Dylan sa akin, pero simula ng nakita ni Mama nung gabing iyon ang labi ko pati ang namamaga kong mata hindi na din nila pinapasok si Dylan sa bahay.

Caleb was fuming mad nung nakita niya yung labi ko pero pilit kong iniiba ang usapan. Palagi nitong inihahayag sa akin na. "Kambal talaga kami, parehas kaming g^go, hindi na natuto sa akin, kung balak ka niyang agawin sana man lang iningatan ka niya."

Kasalukuyang tinatahak ko ang daan pauwi ng makita ko sa labas ng bahay namin ang isang babaeng hindi ko ninanais na makita. Hindi ko pa din makalimutan ang tagpong nakita ko sa bahay ni Dylan.

Puro sugat ang katawan nito. Lalo na ang mukha nito. Halatang binugbog. Pero sino ang may gawa nito sa kanya?

"E-Ellie?" Tumunghay ito, namamaga din ang pisngi nito at bakas ang pasa roon.

"T-Tulungan mo ako." Nanghihinang tumayo ito. Inalalayan ko ito sa pagtayo. Pulang pula na din ang mata nito mula sa pag-iyak.

"Kanina ka pa dito?" Umiling ito.

"K-kakadating ko lang, d-dito na lang tayo mag-usap." Pagpigil nito dahil inaaya ko itong dalhin sa ospital dahil hindi biro ang mga sugat sa katawan nito.

"Pero kailangan mong madala sa ospital!" Mabilis na umiling lamang ito at bakas ang takot sa mukha nito.

"H-Huwag! baka makita niya ako." Nagtatakang tumingin ako rito, tila may tinataguan ito na mukhang dahilan sa mga sugat at pasa nito.

"Sino?" Pumatak muli ang luha nito, tila tumitingin sa paligid at balisang balisa.

"Si D-Dylan." Bulong nito sa kawalan at ramdam ko ang takot pati sa pagbigkas pa lamang nito sa pangalan ni Dylan. Nanlaki ang mata ko at agad na itong ipinasok sa loob ng bahay kahit na ayaw pa nito.

"Aalis na lang s-siguro a-ako--" Pero hindi ko siya pinakinggan, ipinasok ko ito sa kwarto ko dahil kita ko na hindi ito kumportable kila Mama at kay bunso. Bakas ang pagtataka sa mukha ng kapatid at nanay ko pero ayoko pa muna magsalita. Nagmano lamang ako kay Mama at inutusan ang kapatid kong kumuha ng palanggana na may maligamgam na tubig at saka bimpo. Humingi din ako ng betadine, bulak at bandaid para sa mga sugat nito.

Naghagilap din ako ng damit kong kakasya dito para makapagpalit na din ito.

"Tell me, anong ginawa niya sayo?" Tanong ko ng simulan kong punasan ang braso nito. Nanginginig ito sa takot, napapapikit ito at saka umiling.

"No- mali, hindi ako dapat nagpunta dito." Tumayo ito at kahit hirap ay mabilis na umalis sa kwarto.

"S-Sandali-" Humarap ito sa akin at matalim na tumingin.

"Dapat magalit ka sakin! Huwag mo akong tulungan nagkamali ako sa pagpunta dito." Aalis na sana ito ngunit pinigil ko ang braso nito. Mabilis na nagpumiglas ito.

"Kalimutan momg nakita mo ako ngayon! Isipin mo na lang na hindi mo ako nakita!" Mabilis na lumabas ito sa bahay at naiwan kaming lahat na tulala.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon