Ruined

221 6 0
                                    

WARNING: (MGA KABATAAN O SA MGA TAONG HINDI BUKAS ANG ISIPAN) Gusto ko lang pong iparating na hindi kailan man magiging tama ang manakit ng kapwa, hindi po naitatama ang isang mali ng isa pang pagkakamali.

I just want you guys to know na hindi tama ang pananakit ng pisikal/emosyonal. Ito ay PARTE LAMANG NG ISTORYA! Isa lamang itong piksyon (fiction) at hindi dapat isinasabuhay. Maraming salamat!

Chapter 45

(Flashback)
Dylan's POV

"Ellie."tawag pansin ko rito. Nagtataka ito at bakas ang takot sa mukha nito.

"Can we talk?" Mapait na humalakhak ito sa naging tanong ko sa kanya, maaaring batid nito na bakas sa mukha ko ang pagkadisgusto sa kanya.

"Bakit? Sasaktan mo nanaman ako?" Hinila ko ito papasok ng sasakyan ko.

"S-saan mo ako dadalhin?!" Nginisihan ko ito habang nagmamadali ako sa pagmamaneho.

"You will see." tanging nasambit ko rito.

Agad na ipinarada ko ang sasakyan sa gitna ng kawalan. Walang pakialam ko itong hinila sa sasakyan kahit na magkanda patid pa ito. Nagpupumiglas ito pero dahil sa higpit ng kapit ko sa braso nitong paniguradong magpapasa ay wala itong magawa.

"Did you know that Agatha won't let me explain?! I will torture you hanggat hindi ka humingi ng tawad kay Agatha!" Itinapon ko ito sa kalsadang natagpuan ko isang gabi. Walang tao rito at ubod ng tahimik.

"D-Dylan." Sinampal ko ito, punong puno ako ng galit, sama ng loob. Bakit ba palagi na lang itong nangyayari sa akin?

Pilit itong tumatayo kaya't mabilis na sinampal ko muli ito dahilan para pumaling ang mukha niya at magdugo ang labi niya.

Malakas na itinulak ko ito dahil pakiramdam ko hindi sapat. Aaminin ko nakainom ako at nagdidilim ang paningin ko. Napansin ko ang pagdugo ng siko nito na pinantukod sa pagtulak ko sa kanya.

I don't feel any pity or remorse. Tanging pagkamuhi lang! kung hindi niya kami sinira ni Agatha, dapat kami na... dapat ako ang kasama niya at hindi si Caleb!

Dapat hindi ito galit sa akin, at higit sa lahat dapat masaya na ako! masaya na kami dapat ni Agatha but she ruined it! She ruined my happiness! She ruined my dreams! She ruined my love! so she deserve this.

Palagi na lang may pumipigil para maging masaya ako. Bakit ba lagi na lang may kontrabida sa kagustuhan kong maging masaya? Sa atensyon ng magulang ko si palagi na lang naaagaw ni Caleb, ngayon naman sa atensyon at pagmamahal ni Agatha naaagaw pa din ni Caleb, kahit na akala ko ako na, nasira pa dahil kay Ellie!

Lahat na lang, palagi na lang!

"Talagang sinasagad niyo na talaga ako!" Pumatak ang luha ko. "Agatha won't talk to me! Because of what you did! Now she is with Caleb again! wala nanaman siya sa akin dahil iyon sayo!" Inalog ko ang balikat nito at idiniin ang kamay ko na siguradong magpapasa. Wala akong pakialam!

"I will fcking ruin you! I will fcking kill you!" Humalakhak ito saka pilit na tumayo ng tuwid. Nakahanap ito ng matigas na bagay saka pinagpupukpok iyon sa katawan niya.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon