Come Back Home

361 13 2
                                    

Chapter 22

Dylan's POV

Magkakaharap kami ngayon ng mga magulang ko sa isang maliit na hapagkainan. Binisita namin ang magulang ni Agatha sa kanilang tinitirahan and we are with Ellie too. She reminded me her name and sinabing magiging sister in law ko na siya so dapat tatandaan ko daw iyon. Inirapan ko na lamang ito at sinabihang bahala sila ni Caleb.

Ngayon na agad namin naisipang bumyahe. Ayaw ko na namin patagalin pa and I'm sure na gustong gusto na din umuwi ni Agatha. Dinaanan namin ang magulang ni Agatha para malaman nila ang mga mangyayari at hindi sila matakot kung maraming magbabantay sa labas ng bahay nila mula ngayon.

"Sang ayon ako sa kagustuhan ninyo." Sang ayon ng mama ni Agatha. Ngumiti ako sa naging pag sangayon nito sa aming plano. Talaga namang natutuwa ako rito. Ramdam ko kung paano ito magmahal sa anak at masaya ako na hinayaan niya akong tawagin siyang Mama.

"Huwag kang mag-alala Mama. Iuuwi ko si Agatha dito." Magiliw ang ngiti ko.

"Salamat, maraming salamat" Matamis ang ngiti nito kaya't agad akong napangiti muli. Ramdam ko ang tiwala at kagalakan nito sa akin, bagay na siyang sinira na ni Caleb. Napangisi ako sa aking isipan at pinanatili ang matamis na ngiting sukli ko rito.

Nakarinig ako ng paghikbi. Si mommy. Nilingon ko ito at kasabay non ang pagpunas niya sa kanyang luha. Nagtataka ang tingin ko dito. Hinaplos ng aking ina ang aking kamay.

"Dylan... hindi pa kita nakitang ngumiti ng ganyan. Anak, patawad." Sa sinabing iyon ni Mommy ay pumatak na din ang mga luha ko na lubos kong hindi inaasahan. Nagiwas ako ng tingin.

"S-Son" Napalingon ako kay Dad. Tila nahihiya ito pero kinurot ni Mommy sa tagiriliran, ngumuso lamang ang aking ama at muling bumaling sa akin.

"Sorry, nag-usap kami ng Mommy mo. You can go back to our home anak." Umiling ako dito, this is the first time he called me anak, nakakapanibago. Nagbaba ako ng tingin.

"Maayos na ho ako sa tirahan ko." Pilit kong sagot kahit tila nagbabara ang lalamunan ko.

"Anak" Tawag sa akin ni Mommy pero umiling ako.

"Hayaan na po natin, ganon po siguro talaga. Alam kong mahihirapan kayong bumawi dahil ayaw ninyong maging unfair kay Caleb. Kahit nga sa mga plano natin lagi niyo pa din iniisip ang damdamin ni Caleb. Magkakagulo lang po tayo dahil palagi lamang tayong hindi magkakasundo." Napalunok ang aking ina at nagiwas ng tingin ang aking ama.

"Sana dumating ang panahon na maging maayos na kayo." Napabaling ako sa ina ni Agatha.

"Ipagpasalamat niyo na lamang na kumpleto pa kayo, sana ay maging maayos kayo at muling mabuo ang inyong pamilya." Napalunok ako.

Nah. Hindi na siguro.

---

Makulimlim na ang kalangitan, tila nagbabadya ng malakas na pag-ulan. Napabuntong hininga ako, sana ayos ka lang Agatha. Miss na miss na kita.

Alas tres na ng hapon at bumabyahe kami papunta sa bahay na pinagtataguan ni Caleb. Si Ellie ang nagmamaneho at tumabi si Mommy dito. Tila balisa at palingon lingon sa paligid ang aking ina. Katabi ko naman si Dad dito sa backseat ngunit magkabilaan kami ng upo, kapwa malapit sa pintuan ng sasakyan.

Kasunod namin ang isa pang sasakyan at nakasunod samin ang isang driver na magdadala at maghahatid kay Agatha pauwi. Kanina pang alas nuwebe kami bumabyahe. Sabi ni Ellie ay malapit na kami. Nakarating kami sa isang tagong kabaryuhan. Agad akong bumaba at pinagbuksan si Mommy. Ngumiti ito at nag-iwas ako ng tingin.

"Hindi ko alam kung saan sila dito nakatira. Hindi niya ako dinala sa mismong tirahan nila. Dito lamang kami nagtagpo. Sa ngayon tatawagan ko muna siya. Sana ay lumabas siya, basta iisip ako ng paraan. Tapos ay aayain ko siyang lumayo mula dito. Saka kayo magtanong tanong sa mga tao okay?"

Napapalatak ako, hindi pa namin sigurado kung alin ang bahay nila dito, pero malaking tulong na nandito na kami sa mismong lugar na pinagtataguan ni Caleb sa minamahal ko. Tumango na lamang ako kay Ellie.

"Tiyak kapag pinakita mo ang mukha mo ay magkakaroon na agad sila ng ideya kung sino ang hinahanap ninyo" Dagdag pa nito habang bahagyang nakangise sa akin.

"Paalisin niyo muna yung sasakyan niyo. Doon sa mas malayong parte na hindi namin madadaanan. Sa ganon ay hindi mapansin ni Caleb." Tumango ako muli dito at inaya sila Mommy para magtago sa sasakyan. Tumabi si Dad sa driver at magkatabi kami sa likod ni Mom. Humawak ito sa kamay ko at hinayaan ko ito. Lumilipad ang isip ko. May kalayuan ang pagpark ng kotse sa sasakyan ni Ellie pero kita pa din iyon mula dito.

Agad itong nag-dial sa phone nito. Mukhang balisa ito habang nakikipag-usap ito kay Caleb. Kinakabahan ako pero hinihiling ko na sana ay hindi kami mahuli at magtagumpay kami mula sa aming plano.

Caleb's POV

Araw araw na lamang kaming nag-aaway. Pinili ko na lamang na lumabas muna at magpahangin. Hindi ko din kayang makita ang naging marka ng pagsakal ko sa kanya kahapon.

Huminga ako ng malalim at nagikot na lamang sa baryo. Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. Kumunot ang noo ko ng makita kung sino ito. Kahit nagtataka ay sinagot ko ang tawag nito dahil may utang na loob naman ako dito.

"Hello Caleb?"

"What?" sagot ko rito ng marinig ko ang tila pagkabahala nito.

"Can you go out for a while? Doon sa lugar kung saan tayo nagkita." Kumunot ang noo ko.

"At bakit?" May nababatid akong kakaiba. Bakit nito gustong magkita kami at bakit bumalik pa ito?

"Kasi maningil ako." Kumunot ang noo ko.

"Wala pa akong pera." Tila tinatamad kong ani dito. Ayoko mag-isip ng kung ano ngayon dahil naiirita ako. Kailangan kong irelax ang isipan ko para hindi kami muling mag-away ng mahal ko pag balik ko sa bahay na naming naming dalawa ngayon.

"Not that! Just a date." tila nagmamadaling ani nito.

"Hindi pwede." Ibababa ko na sana ang tawag ng nagsalita itong muli.

"Sus ito naman saglit lang. Para namang hindi ko kayo tinulungan." Napapikit ako sa naging sagot nito at huminga na lamang ng malalim.

Naisipan ko na pumayag na lang muna para madistract na lang muna saglit ang isip ko. Tutal wala naman akong kahit anong nararamdaman dito, walang malisya kung magkikita kami. Tinuturing ko lamang itong parang kapatid na babae.

Pumayag ako dahil na din baka magsumbong pa ito kila Mommy at sa ina ni Agatha. Ayoko ng panibagong problema lalo na at hindi kami magkaayos ngayon ng babaeng mahal ko.

"Fine. But saglit lang at walang kasama ang asawa ko." Napangiti ako sa naging tawag ko kay Agatha. Right, asawa ko.

"Asawa?! Para kang tanga! Okay fine! Dalian mo at malamok." Umirap ako sa kawalan at nagtungo na lamang kung saan kami nagkita noon. Nakita ko ang pagkabalisa nito. Kumunot ang noo ko ng bahagya pa itong napatalon ng makita ako.

Inikot ko ang tingin sa paligid ngumit wala naman akong makitang dahilan kung bakit kakaiba ang kilos nito kaya pinagsawalang bahala ko na lamang at baka dahil hindi sanay ito sa ganitong lugar.

"Anong meron at para kang tanga diyan?" Pilit itong ngumise sa akin at hinatak lang ang kamay ko.

"Tara doon tayo sa may park sa kabilang baryo. Mas maganda doon sa nadaanan ko, ayoko dito puro puno eh." Inirapan ko ito at napilitang sumunod.

"Dalian lang natin. Ayoko na maulit ito. Ginawa ko lang ito dahil baka magsumbong ka. Pero kapag inulit mo pa ito ay hindi na ako ulit magpapakita." Umirap lamang ito at nagmaneho na lamang ng sasakyan.

Bumaling na lamang ako sa bintana at huminga ng malalim.

---
May nagaabang po ba sa susunod na chapter?

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon