Chapter 16
Third Person's POV
Malakas ang ulan, walang humpay na patak. Tila hindi parin napapagod ang langit habang nakatigil ang sasakyan ng binata sa tabi ng isang malaking puno.
Napakadilim ng paligid at tila nasa kawalan na ang dalawa. Walang kahit anong poste ng ilaw ang matatanaw.
Kasalukuyang pinupunasan ng dalaga ang katawan ng kasintahang sumabak sa malakas na ulan, habang pilit na inaalo ito.
"Caleb, makininig ka naman kasi sakin, ikaw ang mahal ko, ikaw lang ang pipiliin ko. Ang gusto ko lang naman ay magpahinga ka. Mag-isip isip, alam kong marami kang problema, tapos dadagdag pa ito. Beb, hindi mo ito kailanganing problemahin kasi walang dapat ikabahala, walang mangyayari, hindi ako mawawala sayo. Pagtila ng ulan, at pagsapit ng umaga, tumawag tayo sa kahit kaninong makakatulong sayo. Tapos kapag okay ka na, pwede na tayong mag-usap, hihintayin kita! Pangako hindi na ako babalik sa trabaho ko. Pangako beb. Mahal kita." Tahimik lamang ang nobyo ng dalaga at tila nakatulala lamang sa kawalan, pero nakikinig ito sa bawat salitang binibigkas ng kasintahan.
Malalim ang iniisip nito, tila mababaliw siya kung ano ba ang dapat niyang maging desisyon.
"Caleb... please---" pagmamakaawa ng dalaga at hinaplos ang pisngi nito.
"Stop" Hinawakan ng binata ang kamay ng dalaga na nasa pisngi nito at dahan dahan iyong binaba.
"Please parang awa mo na, please. Anong gagawin natin? Gusto ko ng umuwi, baka nag-aalala na sila inay sa bahay pati ang mga magulang mo---" Patuloy pa din na nagmamakaawa ang dalaga sa kasintahan nito.
"I SAID STOP!!!" Pulang pula na ang mukha ng binata. Huminga ito ng malalim. Nakakuyom ang kamao. Napapikit ito at marahas na napasabunot sa sariling buhok.
Katahimikan, tanging patak ng ulan ang maririnig sa paligid.
Bukod don ay isang nakakabinging katahimikan sa loob ng sasakyan.
"Pagtila ng ulan ay aalis tayo rito, hahanap tayo ng bahay." Anunsyo ng binata ng bahagyang nakahinga na ito ng malalim.
"Anong hahanap ng bahay ang ibig mong sabihin Caleb?" Bakas sa mukha ng dalaga ang pagtataka. Napalunok ito at napakamot sa sariling baba.
"Malalaman mo bukas"
Tuluyang pumukit ang binata at hindi na muling nagsalita pa. Nakatitig lamang ang dalaga sa kanyang kasintahang mahimbing na natutulog.
Nakatingin ang dalaga sa cellphone ng kanyang nobyo na nasa bulsa nito. Kung humingi kaya ako ng tulong? Tanong ng dalaga sa kanyang isipan.
Ngunit sa huli ay ipinikit na lamang ng dalaga ang mga mata, humihiling na sana bukas ay maging maayos lamang ang lahat.
Kasabay ng pagpatak ng luha niya sa sobrang pag-aalala sa hindi malaman kung ano ang gagawin, ang pagpatak ng ulang tila hindi maubusan ng tubig na ilalabas.
Naputol ang pagtulo ng luha niya ng biglang bumulong ang kanyang nobyo. Humilig ito sa nobya at dinikit ang labi sa bandang tenga ng dalaga.
"Akin ka lang, Agatha. Akin lang." Nagsitaasan ang balahibo ng dalaga at pinikit na lamang ang mga mata.
---
Tila hindi na makatayo ang binata sa sobrang kalasingan
Hindi malaman ang kung ano ang kanyang gagawin
Napakalalim ng kanyang iniisip, nais niya ang isang babae na pag-aari ng iba, ng kapatid niya, ng kakambal niya! at ang masabing wala siyang karapatan? ay napakasakit.
Masama ang magnais ng hindi sayo, masamang mang angkin ng hindi sayo, pero bakit? Bakit kapag siya ay hindi masama? Bakit kapag siya naayon lang lahat sa kanya? Bakit sa kanya pwede? Bakit ako mag-isa? Patuloy na mag-isa?
Sa sobrang frustrations ay naibato nito ang bote ng alak sa salamin ng kanyang bahay.
"P*tng*na!!!!!" Nangigil nitong sigaw sa kawalan. Kasabay ng pagtulo ng luha nito ay ang pagsuntok nito sa sariling mga tuhod.
"Paano na ako, Agatha? Paano nanaman ako?" Naputol ang kanyang pag-iisip ng biglang magring ang telepono nito.
"Why did you call?" Matapang na tanong nito sa kanyang ina.
Kailangan magmukha siyang malakas. Yung walang inuurungan. Yung hindi siya mapag-iisipan ng kawawa. Na talo. Pilit nitong pinapatibay ang boses.
"A-Alam mo ba kung nasaan ang kapatid mo?" Nanigas ang binata sa narinig mula sa ina.
Tama nga ang hinala niya na hindi inuwi ng kapatid ang kanya ding minamahal na nobya nito.
"Hindi" Yun nalamang ang nabigkas niya, tila nanuyo ang kanyang lalamunan. Napakagat ang binata sa sariling labi at napalunok.
"A-Anak, please kapag nalaman mo kung nasan siya, tawagan mo ako, mag aalas dos na kasi ng madaling araw... Hindi man lang kasi siya sumasagot sa mga tawag ko--"
Biniba nalamang ng binata ang tawag. Hindi niya kayang marinig ang mga sinasabi ng kanyang sariling ina habang nag-aaalala sa kakambal niyang kasintahan ng minamahal niya. Parang pinapaliguan ng asido ang puso niya.
Bastos siya sa pagbaba agad ng tawag ng ina kahit na nag-sasalita pa ito, pero lalo lamang lumalala ang galit niya sa kapatid. Labis na nagaalala ang kanyang ina, at panigurado ang kanya ding ama.
Sa isip ng binata ay "Malamang, siya yung paborito eh, palagi namang inaalala siya, kasi siya lang naman ang itinuturing nilang anak. Siya lang naman ang palaging magaling, ang palaging first choice, lahat kayo, laging siya yung pinipili. Lagi nalang siya."
Isang mensahe ang tumigil sa malalim na pagiisip niya.
Mahal kita anak, sana ay huwag mong isipan ng kung ano. Labis din akong nag-aalala sayo, palagi yon. Hindi lamang ako madalas na tumawag para mangamusta dahil alam kong ayaw mo, pero anak miss na miss na kita, mahal na mahal kita, pareho kayo, pantay ang pagmamahal na meron ako sa inyo, hindi ko man iyon maipakita o maipadama, sana ay mapatawad mo ako, hindi ko ninais na ganon ang mangyari. Anak kita ayoko na mawalay ka, alam mo naman ang ama mo, mag saltik yon, pero anak kung iniisip mo na nag-iisa ka, huwag... kasi nandito lang ako, mahal kita.
Mula sa mensahe ng ina ay walang humpay na nagbagsakan ang mga luha niya. Napahagulgol ang binata at napahigpit ang kapit sa cellphone niya.
"M-Mom" tanging bulong nito sa kawalan.
/Edited: May 12, 2020/
BINABASA MO ANG
Chasing You
Romansa"Even if you run away from me i would'nt get tired chasing you..." (SEQUEL OF YOU'RE A DEVIL) --- This Time anak naman nila Damon and Shella ang protagonist, mamahalin niyo rin kaya siya kagaya ng pagmamahal niyo kay Damon Martini? Let's see.. If y...