Chapter 18
THIRD PERSON'S POV
Naalimpungatan ang dalaga at nakita na lamang niya ang binata at dalawang lalaki na kasama nito. Tila inaayos ang sasakyan ng kanyang kasintahan. At ng hindi na nila ito magawa pa ay lumapit ang binata sa kanya ng mapansin nitong gising na siya.
"Let's go, ihahatid nila tayo." Aya nito sa kanya at inakay siya palabas ng sasakyan. Sinuotan siya nito ng jacket na nagmula sa likod ng sasakyan at hinila na siya palayo roon. Sa isip ng dalaga ay "Ihahatid saan?" Ngunit pinili na lamang nito na sumunod sa kasintahan.
Nagpauna ang dalawang lalaking kasama nila. Inilock ng binata ang sasakyan saka sila sumunod sa dalawang lalaki. Mukhang mag-ama ito sa isip ng dalaga at mukha namang mapagkakatiwalaan dagdag pa ng isipan niya.
Sa hindi kalayuan sa gitna ng kawalan. Wala pa sa isang oras na paglalakad nila ay napatigil na ang kanilang sinusundan. Isang maliit na baryo, may iilang pamilya lamang ang naroon. May ilang bata ang nag-lalaro at naghahabulan habang ang ilan ay wala pang suot na pangsapin sa paa ngunit bakas pa din sa mga mukha nito ang kasiyahan. Ang ilan pang tambay sa baryo na ay napatitig sa kanila.
Ilang kababaihang maiigsi ang suot ay halos maglaway na sa binata at ang mga lalaki namang walang patid sa inuman kahit sa gitna ng arawan at umaga ay nagsisimula na ay nakatitig sa dalaga.
Agad na kinabahan ang dalaga at natakot sa paraan ng pagtingin ng mga tambay na hindi niya kilala na iba ang paraan ng paninitig sa kanya.
Agad naman siyang dinaluhan ng binata at hinawakan siya sa bewang. Hindi na din kumportable ang binata sa binibigay na tingin ng mga tambay sa nobya niya. Sumunod muli sila sa mag-ama at hinatid na sila sa isang maliit na tirahan ngunit desente naman kung titignan.
Agad na itinuro iyon sa kanila ng mag-ama at may ipinatawag ito sa katabing bahay ng bahay na itinuturo ng mag-ama.
"U-Umuwi na tayo please" Pakiusap ng dalaga sa binatang marahang hinila siya palapit sa bahay na uupahan na pala nila.
Lumabas ang iniisip ng dalagang may-ari ng maliit na apartment, sa katabi ng paupahan ito nakatira at agad na kinausap ang binata. Hindi mapakali ang dalaga at umiikot ang tingin nito sa paligid ng baryo. Pagkalingon nito sa nobyo ay nakita na lamang nito na agad ng binayaran ng nobyo ang isang taong upa sa apartment. Tila ba tuwang tuwa pa ang may-ari at binigyan sila ng almusal.
Isa itong payat na babaeng tiyak niyang kaedad ng kanyang ina. Lalo lamang ikinalungkot iyon ng dalaga. Labis na siyang nagaalala sa kanyang magulang. Patuloy niyang iniisip ang kanyang ina na nakaratay sa higaan at ang bunso niyang kapatid na paniguradong iyak na ng iyak.
"Caleb please." Masama ang tingin ng binata sa dalaga ng lingunan siya nito.
"Let's go inside our house, now." Aya nito sa dalaga habang ang binata ay tuluyan ng pumasok sa apartment.
Maliit na ngiti lamang ang binigay sa kanya ng may-ari ng bahay at agad na ding nagpaalam ito kasabay ang mag-amang masaya ang pagkakangiti at agad ding sumunod sa babae na tiyak ng dalagang asawa ng may-ari ng bahay.
Huminga ng malalim ang dalaga at sumunod na lamang sa kasintahan, pumasok ang dalaga sa apartment at nakita niya ang binata na nakaupo sa isa sa upuang plastik na nasa maliit na plastik ding lamesa. Yun lamang ang natatanging laman ng apartment. Tatlong plastic na upuan at isang plastic na lamesang maliit na nakapwesto sa gitna ng maliit na apartment.
Umupo siya sa tapat nito at nabakas niya ang hindi mawalang galit sa mga mata ng kasintahan.
"Parang awa mo na, ang nanay ko at ang kapatid ko. Kailangan nila ako Caleb please!" Puno ng pag-aalala at pangamba ang mga mata ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Chasing You
Romance"Even if you run away from me i would'nt get tired chasing you..." (SEQUEL OF YOU'RE A DEVIL) --- This Time anak naman nila Damon and Shella ang protagonist, mamahalin niyo rin kaya siya kagaya ng pagmamahal niyo kay Damon Martini? Let's see.. If y...