Ang Dahilan ng lahat

896 20 3
                                    

Chapter 17

Dylan's POV

Dali dali kong tinawagan ang numero ni Mom. Hindi ko alam kung anong naisipan ko. Siguro nadala ako sa mensaheng pinadala nito. It's freaking 2 am, I am drunk, and wasted.

Agaran nitong sinagot yung tawag ko.

"S-Son--" Napalunok ako ng muling narinig ko ang boses nito at pagtawag nito sa akin.

"I miss you Mom" Tuluyang bumagsak ang mga luha ko, I know I am not alone, I have you Mmy.

"Oh my God Dylan! I miss you too so much anak! Umuwi ka na parang awa mo na anak..." Narinig ko ang paghikbi ng aking ina. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko. She needs to know.

"I- I want Agatha Mom. I'm sorry, s-sorry" Narinig ko ang pagsinghap ni Mom sa kabilang linya.

Napaiyak na din ito at alam na alam ko kung pano siya naguguluhan mula sa aking inamin. Batid ko ang pagkabahala nito.

"Pero anak, sila ni Caleb, anak. Paanong nagustuhan mo siya?" Napatikhim ako. Napahigpit ang kapit ko sa aking cellphone.

"Mom, please... I am begging you... I will be back but please help me, please..." Pagmamakaawa ko dito. Ako naman Mmy, Ako naman po please.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya, kung hindi muling pagsinghap at katahimikan. Maya maya ay sinubukan na nito muling magtanong.

"D-Dylan, b-bakit? Ipaliwanag mo sakin, paanong--"

"Mula nung ipakilala siya sa atin ni Caleb, Mom. Nagustuhan ko na siya unang beses ko pa lamang siyang nakita. Hindi siya mawala wala sa isipan ko, lalo na sa puso ko..." Huminga ako ng malalim habang patuloy na sinasabi sa aking ina ang mga dinaramdam ko.

"Aaminin kong lalong lumala ang galit ko kay Caleb nung nalamang kong may relasyon sila. Nung nakuha nanaman niya ang gusto ko. Ayaw ko din naman ng ganitong pakiramdam. Sino ba naman ang may gustong masaktan Mmy? Pero mas nasasaktan ako kapag alam kong wala akong karapatan, yung ako nanamang mag-isa" dagdag ko pa.

"N-Nandito ako anak, hindi ka kailanman naging mag-isa, alam kong marami akong pagkukulang pero anak, pagsusumikapan kong bumawi, ang tandaan mo ay pantay kayo sakin anak. Kahit kailan walang lumamang ng pagmamahal, sana ngayon ay maintindihan mo na--" Pinutol ko ang mga sinasabi nito.

"I want her to be Mine Mom. I want Agatha to be Mine." Seryoso kong ulit sa kanya.

"Please anak, hindi pwede ang gusto mo" Pakiramdam ko humapdi ang bawat pagtibok ng puso ko.

"Because you are choosing him again" May halo ng pait ang pag-sasalita ko.

"No, I'm not! Anak, ginagawa ko lang kung ano ang tama"

"TAMA? TALAGA BA MOM? TAMA? MMY! Alam mong gusto ko din siya! Anong mali sa pagmamahal na meron ako sa kanya?!!" Napatayo ako, napasipa sa dingding at napasabunot sa aking buhok.

"Anak, pakiusap wag kang sumigaw, naiintindihan kita, pero anak, pagmamahal? Lubusan na ba kayong magkakilala?--"

"Nakasama ko siya sa trabaho, see? Mom tadhana na ang gumagawa ng way para magkasama kami!"

"Dylan please anak, mali parin, kasi sila ng kapatid mo... May mga bagay na kaya kong ibigay sayo basta nasa tamang lugar..." Pinipilit nitong huminahon pero mababakas pa din sa tono nito na hindi nagugustuhan ang lahat ng sinasabi ko. I shouldn't have told her. Sana hindi na lang ako nag-open up at nagpakavulnerable sa kanya. Ano pa nga ba? Ito lang naman ang laging nangyayari. Dapat tinuloy ko na lang ang pagmamatigas at pagmukhaing malakas ako.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon