Movie Date

246 9 0
                                    

Chapter 35

Agatha's POV

Today is sunday at ngayon ang movie date namin ni Dylan.

Movie d-date? tumikhim ako at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

Napagpasyahan ko na hayaan na lamang ang nararamdaman ko. Oo nag-umpisa kami sa mali, alam ko naman iyon at habang buhay ko na pagsisisihan na sinira ko ang relasyon at tiwala ni Caleb.

Ngunit hindi ko kayang hahayaan nalang na habang buhay kong pagsisisihan na hindi subukan ipaglaban ang nararamdaman ko para kay Dylan.

Mali man kaming dalawa pero ayoko naman na habang buhay akong magtatanong ng what if's. What if sinubukan ko? What if ipaglaban ko?

Nakarinig ako ng pagkatok mula sa pinto. Napangiti ako at kinuha ang regalo ko para kay Dylan. Simple lamang iyon na relos nagkakahalaga lamang ng tatlongdaang piso pero lihim ko na hinihiling na magugustuhan nito iyon. Ipinasok ko ito sa aking bag at saka buong ngiting binuksan ang pintuan.

"Dyla--"

"Oh, so magkikita kayo ngayon?"

"C-Caleb."

"Ako nga Agatha." Matigas na anito. Lumapit ito at akmang papasok ng pinigil ko ito. Ayokong makita pa ito ni Mama. Sumilip ako sa loob ng bahay at kita ko ang pag-aalala ni Mama.

Agad na inaya ko ito palabas at isinara ko ang pinto ng bahay namin.

"U-Umalis ka na please." Napahalakhak ito pero may bakas iyon ng inis.

"Akala ko ba lalayuan mo siya? Mukhang excited na excited kapa na buksan ang pinto, ang ganda pa ng ayos mo. Kaso nadissapoint ka kasi ako makikita mo?" Mapanuya itong tumawang muli.

"Ano ito Agatha? Masaya kayo habang miserable ako?!" Sunod sunod na pumatak ang luha nito. Agad nitong hinawakan ang magkabilang balikat ko madiin iyon. Bahagyang iniyugyog nito ang balikat ko.

"Hindi ko hahayaan--" Naputol ang ano mang sasabihin nito at napahiga ito sa lupa.

"D-Dylan." Galit na galit ang ekspresyon ng mukha nito.

"Tayo! Tumayo ka dyan! Ako ang kalabanin mo! Hindi ko hahayaang masaktan mo nanaman si Agatha!" Hinatak ni Dylan si Caleb at saka isinandal sa pader.

"Ano lumaban ka!" Gumanti ng suntok si Caleb na agad namang nasalo ni Dylan at saka nito sinipa ang tuhod ni Caleb na kinabagsak nitong muli.

Agad akong tumakbo at pinigil at yinakap si Dylan mula sa likod.

"T-Tama na." pigil ko rito bahagyang nabawasan ang pagkatense ng katawan nito.

"Mang-aagaw ka!" Tumayo si Caleb at akmang susugod ngunit pumagitna ako. Agad akong lumuhod sa harapan nito na siyang dahilan kung bakit nanlaki ang mata nito at bahagya pa itong napaatras.

"P-Patawad Caleb, hindi ko kayang layuan si Dylan. Patawad."

"Agatha, tumayo ka na diyan baby." Pilit akong itinatayo ni Dylan pero pinigil ko ito.

"Hayaan mo ako Dylan, hayaan mo ako." Bumaling ako kay Caleb.

"Alam kong nagkasala ako, patawad. Pero kasi Caleb, m-mahal ko ang kapatid mo. Hindi ko kaya, hindi ko kaya na layuan siya. Alam kong hindi mo ako mapapatawad, alam kong hindi magiging madali iyon. Palayain mo na ako, palayain mo na ang pagmamahal mo sa akin Caleb, marami na akong kasalanang nagawa sayo. Hiyang hiya na ako humarap sayo. Sa akin ka na lamang magalit huwag na kay Dylan. Please."

"Baby--" Pinisil ko ang kamay ni Dylan at bahagyang nginitian ito.

"Ang daya mo." Sunod sunod na pumatak ang luha ni Caleb.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon