Bad Girl

231 6 1
                                    

Chapter 34

Dylan's POV

"Here." Nagtataka ang tingin nito sa paper bag na inabot ko.

"What is this Dylan?"

"Phone. Use that baby, but make sure na ako lang at ang magulang mo ang icocontact mo, do you understand?" Inirapan ako nito na siyang kinaganda lang niya lalo.

"Hindi ko matatanggap yan, ayokong pagkagastusan mo ako." Amba nitong ibabalik ang regalo pero pinigilan ko na agad ito.

Kinagat ko ang pangibabang labi ko, ang sarap kagatin ng labi niya.

"Gusto kong gawin yan, bibilhin ko ang lahat para sayo at hindi mo ako mapipigilang gawin yun. Isipin mo na lamang na regalo ko ito sayo."

"Dylan--"

"Please baby? Please." Nanlalambing na pakiusap ko.

"Hay nako Dylan, huwag mo ng uulitin ito." Tinanggap nito iyon at bahagyang umiling pa ng makita ang model ng phone na binigay ko.

"Mahal ito." Napapalatak pa ito.

"Iphone 8 plus lang yan baby, may mas mahal pa diyan. Lumang model na iyan. I know you mas magagalit ka kung yung latest--"

"Talaga!" Pinanlakihan ako ng mata nito. "At huwag mo ng subukan pa." Ngumiti ako ng matamis dito at hinawakan ang kamay nitong nakalagay sa mesa.

"Make sure to always answer your phone okay? Gusto ko na lagi mong sasagutin agad pag tumatawag ako."

"Paano naman kung nasa klase ako?" Nakanguso ito na siyang nakapagpatawa sa akin, ang cute ng mahal ko.

"Pwera kapag nasa klase ka siyempre." Pinisil ko ang kamay nito at inilapit iyon sa aking pisngi. "Ayoko naman na mapagalitan ang mahal ko sa klase no." Napailing ito at may munting ngiti sa labi.

Ang sarap sa pakiramdam na napapahayag ko ang nararamdaman ko at hinahayaan ako nito, hindi ko hahayaang mawala ka pa sa akin Agatha, ngayon pang napaparamdam mo na sa akin ang napakatinding kasiyahan na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.

Marami akong bagay na hinihiling na sana ay makamtam ko mula noon pa man, maraming bagay na sana ay ako naman ang maging masaya at hindi puro lang si Caleb pero palaging talunan ako noon.

Pero ngayon... ako naman... ito lang ang hiling ko sa buhay ko, ang mapanatili sa aking tabi si Agatha. Ito na lamang, wala ng iba at handa akong ipaubaya ang lahat huwag lang si Agatha. Huwag lang siya.

Flashback--

"Dad, can we go watch a movie?" Nakatitig ang aking ama sa akin.

"Ano ba naman ang naisipan mo Dylan hindi mo ba nakikita na nagtatrabaho ako, wala akong oras manuod ng sine alam mo namang busy ako." Hinilot nito ang sintido at muling bumaling sa papeles na nasa mesa nito.

"Magpasama ka na lamang sa mga tauhan ko magaabot na lang ako ng pera."

Bagsak balikat akong lumabas ng opisina ni Daddy sa aming bahay. Gusto ko lang naman makasama sila hindi ang mga tauhan niya.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon