The Reason Why

229 11 0
                                    

Chapter 44

Agatha's POV

Hanggang ngayon ay hindi ako makapag-isip para makatulong, pilit akong gustong ihatid ni Caleb pero tinanggihan ko ito.
Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakatayo na sa labas ng bahay namin. Habang nakatitig kay Dylan na nasa labas din ng bahay namin. Hindi ako agad makagalaw sa kinatatayuan ko.

Unti unti itong lumingon saka malalim na tumitig sa akin.

"Kamusta ang pag-uusap niyo kahapon ni Ellie?" Maanghang na tanong nito sa akin.

Ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko sa batok ko dala ng kaba, hindi ko naman nakita ang sasakyan niya kahapon dito ha?

"H-How did you--"

"Binabantayan kita lagi Agatha, nakabantay ako sayo palagi." Binalot ng kilabot ang buong pagkatao ko sa tono ng boses nito.

"U-Umalis ka na!" Humalakhak ito.

"Hanggang kailan ka hindi makikinig sa akin Agatha? Palipas ng palipas yung mga araw at inip na inip na ako." Humalakhak itong muli. "Gumagaling na yung sugat mo ah? Nakita kong ginamot yan ng hayop kong kakambal. Bati na talaga kayo ano? Kahit na ano talagang mangyari kuhang kuha ka ng t^nginang iyon ano?"

Sinamaan ko ito ng tingin. "Tumigil ka na! Yung mga lumalabas sa bibig mo hindi ko na nagugustuhan! Sumusobra kana--"

"Sumusobra?! T^ngina Agatha! pakinggan mo kasi ako, pakinggan mo laha-"

"Pakinggan? Sige anong kwentong barbero mo?!" Pumalatak ito.

"Ako nanaman yung masama ano? Hindi mo pa ako napapakinggan Agatha." Naningkit ang mata ko.

"So paano mo maipapaliwanag yung kay Ellie?!" Napaatras ito pero hindi natinag ang kaseryosohan sa mga mata nito.

"She deserved it!" Balak ko ng sampalin ito pero napigil niya ako saka ako nito nahila pasakay sa sasakyan niya at agad na iminaneho nito ang sasakyan palayo sa bahay namin. Abot abot ang kaba ko pero pilit kong pinapatigas ang reaksyon ng mukha ko.

Ayokong isipin nitong natatakot ako. Mabilis na inakay ako nito papasok sa bahay nito at saka ako hinila papasok sa kwarto niya. Ibinagsak ako nito sa kama at pinakaibabawan. Iniharang ko ang mga braso ko sa magkabilang dibdib nito ngunit itinaas lang nito sa huli ang mga braso ko.

"Agatha, mahal kita." Pilit ako nitong hinahalikan pero nagpupumiglas ako. Naramdaman ko ang luha niyang pumatak sa pisngi ko.

"Please baby." Pakiusap nito. Unti unting lumapit ang mukha nito at saka ako hinalikan sa leeg ko.

"H-Huwag please!" pagmamakaawa ko rito.

"Let me show you how much I love you." Nagpupumiglas ako muli pero mas idiniin ako nito sa kama.

"Give in to me." Nagsisipa ako at sa bandang huli ay nakalayo din ako rito.

"Hayop ka!" Niyakap ko ang sarili ko at pilit dumidistansya sa kanya. Napuno ng luha ang mata nito habang nangingig ang labi.

"So-sorry!" Pilit ako nitong inaabot pero pilit lang akong lumalayo.

"Sasabihin ko lahat sayo! sana this time pakinggan mo na ako, lahat lahat sasabihin ko sayo, I'm sorry! Sorry baby. Hindi ko na uulitin." Lumuhod ito sa harap ko saka mapait na ngumiti.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon