Agatha's Decision

295 10 1
                                    

Chapter 28

Agatha's POV

Hanggang ngayon ay hindi ako makatulog. Wala akong ginawa kung hindi titigan na lamang ang kisame sa kwarto. May pasok pa ako bukas pero ni iglip man lang ay hindi ko magawa. Mag aalas dose na ng madaling araw at kailangan kong gumising ng maaga.

Paulit ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga pinag-usapan namin ni Dylan.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung gawin pero magpapapakatotoo na ako sa sarili ko.

Oo, nagugustuhan ko na nga siguro si Dylan. Maaaring mas malalim pa don. Hindi ko maitatanggi na nagustuhan ko ang halik na namagitan sa amin. Sadyang itinatatak ko na lamang sa isip ko na mali iyon. Dahil isa naman talaga iyong pagkakamali. Cheating is cheating, at lalo pang masakit sa part ni Caleb iyon dahil kakambal niya ito.

Kaya pilit ko isinasaksak sa sarili ko na mali ang magustuhan si Dylan. Mali dahil nobyo ko ang kapatid niya. Apat na taon kami ni Caleb at hindi lamang iyon, hindi na maganda una pa lang ang samahan nilang magkapatid at sinisira ko lamang lalo iyon sa nangyari sa pagitan namin ni Dylan.

Pero paano nga ba ako magdedesisyon? Tama pa ba na mag-stay ako kay Caleb kung alam ko na may nararamdaman na ako sa kakambal nito? Dahil pa din pa ba sa guilt o awa at pagmamahal na hindi ko mawari kung katulad paba ng dati ang dahilan kaya ako nagstastay? Isa lang ang dapat kung gawin at tingin ko ay ito na talaga ang tamang desisyon.

I need to break up with Caleb, I need to tell him all the things I have done na itinanggi at itinaggo ko sa kanya. He deserves to know the everything. Hindi ako pipili ng kung sino man sa kanilang dalawa. Hindi na dapat pa... dapat palayain ko na silang dalawa. I don't deserve their love.

Nasaktan at nasasaktan ko sila pareho, ayoko ng mamili. Ayoko na masaktan pa lalo ang isa sa kanila.

_

KINABUKASAN maaga akong sinundo ni Caleb, nasa malayo ang mga tauhan ni Tito Damon bilang bantay.

"Hi beb" Bati nito sa akin at akmang hahalikan ako. Pasimple akong umiwas kaya sa pisngi ako nito nahalikan. Bakas ang inis sa mukha nito pero pilit ko iyong hindi pinansin.

"C-Caleb tara na at baka malate pa tayo." Aya ko dito kahit na may oras pa naman kami. Nagpa-una na ako dito dahil ayokong dito pa kami magtalo sa labas ng bahay namin.

Hindi na sumagot pa si Caleb at naramdaman ko na lamang ang napakahigpit na kapit nito sa kamay ko.

Pagkarating namin sa university ay agad na dinala ko si Caleb sa may hagdanan kung saan wala masyadong estudyante.

"Caleb, may sasabihin ako." Nanliit ang mata nito

"Ano yon?"

"G-Gusto ko sanang makipaghiwalay, hindi dahil may pinipili ako kung hindi dahil iyon ang tama." Dumilim ang mukha nito at saka ako hinablot paitaas sa rooftop ng university, binalot ako ng kaba dahil baka ilock nito ang pinto at hindi kami masundan ng mga tauhan ni Tito Damon.

"Ca--"

"Shut up!"

Nanginig ang buong katawan ko at pakiramdam ko ay nanlalambot ako.

"Please!!!" Pakiusap ko dito, hindi ako tuluyang naipasok nito dahil biglang sumulpot ang mga tauhan ni Tito Damon.

"What the fck sino kayo?! Huwag kayong makialam!" Pagpigil ni Caleb sa mga tauhan na pilit akong inilalayo sa kanila.

Pumagitna ang tatlong tauhan sa amin ni Caleb.

"Please makinig ka sa akin Caleb." Pakikiusap ko dito, nanatili ako sa likod ng mga tauhan ni Tito Damon.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon