Protect

312 9 2
                                    

Chapter 23

Agatha's POV

Nakarinig ako ng pagkalampag sa pintuan. Agad akong kinabahan dahil ako lamang mag-isa dito sa apartment, marami pang tambay sa labas na iba kung tumingin sakin.

Sumilip ako sa bintana para makita kung sino ang kumakalampag sa pintuan dahil kung si Caleb iyon ay bubuksan lang nito ang lock ng pinto at hindi na kakatok pa. Binalot ako ng kaba pero lakas loob pa din akong sumilip sa bintana.

Nanlaki ang mga mata ko ng matagpuan sa labas ng apartment ang mga magulang ni Caleb, and si Dylan?! Napalunok ako, anong ginagawa nila dito? Sila ba ang tutulong sa akin? Oh God salamat po!

"Agatha!" Tawag nito sa akin pagkakita sa pagsilip ko sa bintana.

"D-Dylan?!" Tila naninigurado kong tanong.

"Yes, ako nga pretty lady" Ngumiti ito pero bakas dito ang pag-alala. Siya nga... nandito siya.

"May martilyo kaba diyan or anything na makakasira dito sa lock?" Tanong nito sa akin agad lumibot ang tingin ko sa bahay at bumalik sa kanila.

"Sandali h-hahanap ako." Tumango ito at ngumiti sa akin.

"Ilalabas kita dito, huwag kang mag-alala ha?" pagpapanatag pa nito sa loob ko.

"S-Salamat! Sige hahanap lang ako, sandali lang." Malungkot na ngumiti sa akin si Tita Shella, habang seryoso lamang si Tito Damon na bahagyang tumango.

Nilibot ko ang paningin ko sa apartment, pinilit kong dalian ngunit sinikap kong huwag magpanic para hindi ako matagalan sa paghanap dahil maaaring bumalik agad si Caleb. Ayoko na mag-away away pa sila, nararapat lang na hindi niya na kami abutan dito para hindi niya malaman kung sino ang tumulong sa akin para makalabas.

Napapikit ako ng mariin. Walang ganong gamit dito sa bahay walang kagamitan na makakasira sa padlock sa pinto! lumapit ako muli sa bintana.

"Dylan, doon sa katabing bahay! Sila yung may-ari sa kanila ka magtanong! Magpanggap ka na lamang na si Caleb." Tumango ito sa akin at agad na pumunta sa katabing bahay. Lumapit sa bintana si Tita Shella.

"Agatha, iha i'm sorry... hindi ko alam na magagawa ito ni Caleb. I know him, he is sweet and cheerful." Napayuko ako.

"Kasalanan ko po.." Mababa kong tono. Hindi agad nakasagot si Tita Shella. Tumabi dito si Tito Damon at pinalibot sa bewang ni Tita Shella ang kanyang braso. Hinalikan nito ang pisngi ni Tita Shella na agad pinamulahanan ng pisngi.

"Agatha! Nandito na yung martilyo. Hintayin mo lang ako ha?" Tumango ako dito. Agad na pinukpok ng martilyo ni Dylan ang padlock ilang sandali lang ay nabuksan na ito. Agad akong napatakbo at napayakap kay Dylan. Hindi ko na nagawang mag-isip basta kusang lumakad ang mga paa ko at napalibot ang kamay ko sa balikat niya. Nagpapasalamat lang ako. Yun lang. Napailing ako at mas humigpit naman ang yakap nito sa akin.

"Agatha... Masaya akong makita ka ulit. Halika na iniintay kana ng pamilya mo." Napakalas ako dito at napakakagat ng labi.

"Salamat Dylan... Akala ko hindi na ako makakaalis dito." Napatulo ang luha ko at agad nitong pinunasan iyon.

"Please, don't cry. Hindi ko kayang makita ang luha mo." Dinikit nito ang noo sa aking noo at saka ako kinintalan ng halik sa ilong. Napababa ako ng tingin dahil hindi ko alam ang irereaksyon ko. Isa pa ay bakas ko na hindi nagugustuhan nina Tita Shella at Tito Damon ang nakikita nila pero pilit na hindi sila nagsasalita.

Labis akong nagpapasalamat sa kanila dahil makakaalis na ako dito at makakauwi na ako sa pamilya ko.

"Halika na, bago pa siya dumating." Ani ni Dylan sa akin. Nauna si Tito Damon sa paglakad habang bahagyang hinila nito si Tita Shella na nag-iwas ng tingin sa amin ni Dylan. Mabilis kaming pumunta kung saan nakapark ang sasakyan nila. Ngunit bago pa kami makapasok ay agad ng nakalapit ang taong tinatakasan ko.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon