Forgiveness

217 9 0
                                    

Chapter 42

Agatha's POV

Marami ang nangyari sa nakalipas na buwan. But the good thing is hindi nagpaparamdam sa akin si Dylan pagkatapos ng pagkikita namin nung lasing siya. No text, no phone calls and hindi din ito nagpupunta sa bahay or sa university, pero napapaisip pa din ako at nasasaktan. Siguro kaya hindi ito nagpapakita ay dahil wala pa siyang maisip na idahilan sa akin. O maaaring busy pa siya sa Ellie niya, mapait akong napangiti.

Well ayoko na siyang isipin pa. I have a lot of things to do. I was preparing my papers para sa pag-aapply ko for internship. Luckily I got accepted and pupuntahan ko na yung company today for orientation.

Bumuntong hininga ako bago tuluyang pumasok sa kumpanya. Sinalubong ako ng mga interns na makakasama ko, may ilang pamilyar ang mukha, at kasali na don si Caleb.

Nakatitig lamang ito sa akin, walang sinasabi at nasa malayo lamang. Nagsimula na ang orientation and magstastart na kami bukas. Naipasa ko na din ang medical certificate ko, nbi clearance, resume, application letter at iba pang mga kailangang papeles. Madali lamang kaming nakapasok dahil hindi gaanong matindi yung requirements. Hindi din mahirap ang interview kaya laking pasasalamat ko.

"Agatha." Naputol ang pagtangka kong lumabas ng kumpanya ng marinig ko ang tawag ni Caleb. Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko kayang titigan ang mga mata niya. Natatakot ako sa mga sasabihin niya, na baka pagtawanan niya ako dahil sa nangyari sa amin ni Dylan.

"Are you okay?" Malumanay na tanong nito na ikinasinghap ko dahil batid ko sa tono ng boses nito ang pag-alala sa kabila ng lahat ng nagawa ko sa kanya.

"Y-Yes." Mapait itong ngumiti.

"Agatha, we've been together for four years... hindi mo ako maloloko." Napapalatak ito. "Can we talk?" Napailing ako sa pag-aaya nito sa akin.

"Huwag na Caleb." Mapait itong ngumiti muli.

"Huwag kang mag-alala wala akong gagawin, usap lang." Dahan dahan akong tumango, inaya ako nito sa isang cafeteria sa loob ng company. Iniwan ako nito pansamantala para makabili ng pagkain.

"Kain ka muna."

"Salamat." Tanging sagot ko, maliit na ngiti lamang ang sinukli nito sa akin.

Tahimik lamang kami hanggat maubos namin ang pagkain. Walang nagsasalita at tanging tunog ng kubyertos lamang ang maririnig. Nahihiya ako sa totoo lang, nagawa kong sirain ang relasyon namin pati ang relasyon nilang magkapatid at ngayon naman ay nasira ang kung ano man sanang relasyon namin ni Dylan.

Lalo na kung babalikan ko ang nagawa nitong halikan ako sa harap ni Dylan. Inaamin ko galit pa din ako sa ginawa niyang iyon pero bakit pa? Nasaktan namin siya... tapos ngayon ano pang ipaglalaban ko kung si Dylan na nga din mismo sinaktan ako.

"So... tell me. Are you okay?" Tanong nito sa akin muli.

"No." Mapait na ngumiti ito sa diretsong sagot ko. Kita naman sa mata ko na hindi, gusto kong ilihim pero obvious naman na eh. I know Caleb, persistent ito at kahit anong lihim ko kung halata naman sa mukha ko hindi kami matatapos.

"Karma nga no?" Tanong ko rito, tila hindi nagustuhan nito ang sinabi ko.

"Alam mo ba hiniling ko na sana hindi ka maging masaya?" Pumatak ang luha nito at naging hudyat iyon para pumatak din ang luha ko.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon