Chapter 9

1.8K 47 8
                                    


Chapter 9

Agatha's POV

Mabilis lumipas ang mga araw at dahil wala kaming masyadong ginagawa sa univerity ay mas nakakapagfocus ako sa trabaho ko. Minasahe ko ang braso at balikat ko, ang sakit ng buo kong katawan. Maghapon kasi ako naglaba kahapon dahil isang buong araw na photoshoot yung sinabak ko kaya inisa ko nalang ng laba kahapon.

And today another photoshoot. Wedding gowns ang ipapamodel sa amin kasalukuyan akong nagdidinner break sa mismong area kasi wala na akong oras pa kung sa labas pa ako kakain. Buti na lamang ay nagdala ako ng baon ko.

Nagulat nalang ako ng nasa harap ko na pala si Dylan. Umupo ito sa tabi ko at kinuha ang baunan ko sa akin nagtataka akong napatingin sa kanya.

Sa paglipas ng araw ay naging malapit na siya sa akin, hindi na ako nag-isip ng ibang meaning dun at kinalimutan ko na din ang nangyari sa sasakyan niya noon dahil utang na loob may boyfriend ako at kapatid niya pa! KAMBAL PA! Take that Agatha!

"Hay nako, mas mabuti kung masahihin muna kita, kanina mo pa minamasahe ang braso mo ha?" Tinulak ko ang mainit na palad niyang humawak sa braso ko.

Kakaibang sensasyon ang naramdaman ko and the best way is to stop it immediatley para hindi maulit ang nangyari noon. NO WAY! Kailangan kong lumayo sa kanya pero paano? Nanlalambot yata bigla ang mga binti ko.

"Oh come on Agatha. Ano ilang ka pa rin?" Nakangise ito sa akin at tila nang-iinis.

"H-Hindi ah!" Tangi ko rito at saka ako nagiwas ng tingin. Balak kong bawiin ang baunan ko rito ngunit iniwas nito iyon at inilagay sa upuan malapit sa akin.

"Then i'll massage you" Pumwesto ito sa likod ko at ang mainit niyang kamay ay humawak sa balikat ko.

"I'll start on your beautiful shoulders down to your well defined arms" Bulong nito malapit sa tenga ko. Napatigil ang paghinga ko ng dumikit ang mainit niyang hininga sa tenga ko.

Eto nanaman ang pakiramdan na kakaiba, nangyayari lang ito pag malapit siya!

Ako lang ba o naging maakit ang tono ng boses niya? O sinadya niya iyon? Nandito kami sa may likod sa may madilim na parte ng studio habang busy ang iba sa pagaayos sa photoshoot kahit oras ng break time.

"Uhm Dylan huwag na okay na ako. I guess mamaya nalang pag uwi ko. I think your brother is the one who has the right to do this hehe baka magselos y-yun pag nalaman na minasahe mo a-ako" Awkward akong tumawa pinaalala ko muli sa kanya na boyfriend ko ang kapatid niya.

"Well... Hindi niya naman malalaman, unless may magsasabi diba?" Umakyat sa leeg ko ang mainit niyang palad, pababa sa balikat hanggang sa unti unti na palang yumayap sa bewang ko. Huli na ng malaman kong nakabaon na ang mukha niya sa leeg ko dahil para akong biglang nanigas at hindi makapagisip bigla. Sht here we go again.

Agad ako napatayo. No Agatha! Wake up!

"Okay na talaga ako Dylan sige suot ko na yung next gown ko ha?" Paalam ko dito. Malalim ang pagkakangise nito at bigla akong kinilabutan dahil dito.

Napatawa ito ng parang nang aakit gaya ng lagi niyang ginagawa pero umarte akong walang epekto sa akin iyon. Dahil sa totoo lang dapat wala, pero merong epekto kahit anong tanggi ko eh.

"Gusto mo tulungan kita? Yung mas babagay sa mga kuha ko ang iaayos ko sa damit mo" Ngumise itong muli at may kakaibang kislap akong nakita sa mga mata niya na ayaw kong paniwalaaan.

"Hindi yung designer nalang" Pinatigas ko ang salita ko sa pagsagot sa kanya.

"Alright see you later" Kumindat ito at marahang hinaplos ang bewang ko na nakasanayan na ata nitong gawin at hindi ko nanaman napigilan dahil mabilis ito at tuluyan ng umalis.

"Oh God, help me" Bulong ko.

Bigla akong napatalon sa gulat ng naramdaman ko na magvibrate ang phone ko sa bulsa ko at ng tignan ko iyon ay tumatawag pala ang boyfriend ko. Huminga ako ng malalim at agad ko iyong sinagot.

"Yes beb?" Tawag ko dito

"Anong oras ka uuwi? Punta ko sa inyo" Mukhang excited pa ito pagkasagot ko ng tawag.

"Hindi ko alam beb eh. Tatanungin ko pa kung anong oras" Bumuntong hininga ito sa kabilang linya at tila nalungkot.

"Alright, I love you Agatha"

"I l-love you too Caleb" Ibinaba ko ang tawag at naglakad papunta sa organizer ng shoot pero bago ko magawa sinalubong ako ng nakakalokong ngiti ni Dylan.

"How sweet of you to my brother, may pa iloveyouhan pa kayo sa tawag" Nagulat ako sa tono nito. Akala mo asawa ko siya at nahuli niya akong nangangabit. At anong ibig niyang sabihin? Ofcourse boyfriend ko ang kapatid niya.

"Anong oras tapos ng shoot?" Hindi ko na sinagot pa ang sinabi nito at sa kanya ko na mismo tinanong ito tutal siya lang naman ang photographer ngayon.

"Why? Miss him that much huh? Gustong gusto mo na bang makasama ang kakambal ko? Well depende sa mga makukuha kong shots, pag hindi ko nagustuhan hindi tayo matatapos. Baka abutin tayo ng bukas kaya galingan mo kung gusto mo siyang makasama" Ngumise ito at mabilis akong tinalikuran.

Nakakainis!!!

/Edited: May 5,2020/

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon