Pangako

755 12 2
                                    

Chapter 12

Third Person's POV

Nabalik sa wisyo ang dalaga ng naramdaman ang pagvibrate ng kanyang cellphone

Isang mensahe mula sa nobyo niya ang kanyang natanggap

From: Beb 💘
Nasan ka? Wala ka pa rin ba sa bahay ninyo? Hindi pa din ba tapos ang shoot niyo? Tawag ako ng tawag hindi ka sumasagot nagaalala nako beb please reply.

Napabuntong hininga ang dalaga at ipinilig ang ulo

Tatawag na dapat siya sa kanyang nobyo ng biglang magring ang kanyang telepono.

"Caleb.." Bungad niya rito

"Why are you not answering my calls beb? Nagaalala nako sayo"

"Sorry kasi hindi pa tapos yung shoot namin, magkita nalang tayo pagkatapos"

Narinig ng dalaga ang malalim na buntong hininga ng kanyang nobyo sa kabilang linya

"Send me the address pupunta ako sa studio niyo para di kana mag commute at wala ka pang tulog"

Biglang tila naging balisa ang dalaga lalo na ng biglang sumulpot muli si Dylan sa harapan niya

Malalim ang tingin nito at naglalakad palapit sa kanya

"Beb?" Agaw pansin ng kanyang nobyo sa kanya

Agatha's POV

Hindi ko alam ang gagawin ko, feeling ko kapag nagsalita ako para sagutin si Caleb ay mabubulol ako o mangiginig ang boses ko

Lalo na at nasa harap ko ang kapatid niya

Ang kapatid niya na kakatapos ko lang halikan!

Gustong gusto kong sampalin at sabunutan ang sarili ko na sa isip ko ay walang tigil ko ng ginagawa

"Beb?" Tawag muli ni Caleb sa akin

"I'll call you later" Sabi ko rito saka ibinababa ang tawag

Ng tuluyan ng makalapit sakin si Dylan ay napalitan ang seryosong tingin nito ang isang masayang ngite

"Sino yun?" Nakangite nitong tanong

"S-Si Caleb" Ngumise ito

"May 2 hours break tayo, para hintayin yung staffs na pinatawag ko, kumain muna tayo?" Masayang bigkas nito mag-aalas tres na ng madaling araw at dahil hindi naman ako halos nakakain ng hapunan ay nakaramdam na din ako agad ng gutom sa sinabi nito.

Tumango ako dito at tila lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng ilagay nito ang mainit na palad sa likod ko

"Palit ka muna?" Alalay nito sakin para makabalik sa studio. Nang tuluyan na kaming makabalik sa studio ay nakita ko na inaayos na nila ang studio

"Hihintayin kita dito" Nakangiti nitong paalala mula sa may upuan malapit sa pinto ng studio.

"Okay" Tuluyan na akong pumasok ng dressing room at napansin ko ang kakaibang tingin ng mga models sakin

Lumapit sa akin si Maxella na kakatapos lang magpalit ng damit.

"Tell me, are you and Dylan--"

"No" inunahan ko na ito

"Alright, let's go eat girls! We need to hurry, don't ruin your make-ups!" Paalala nito

Naiwan na lamang ako at si Izzy sa dressing room nanatili parin itong nakagown at malalim ang tingin nito sakin

"Agatha right? Can you please stop lying?" Seryosong sabi nito. Napatulala ako rito at hindi agad nakasagot.

"Wipe your lips, your lipstick is smudged" Nakangiseng nakatingin ito mula sa salamin.

Agad akong napahanap ng tissue at pinunasan ang lagpas ng liptsick sa akin.

"You know what, Dylan is a great guy. He works professionally. But for the first time today, he became really unprofessional. But i think that's because of you. So please, set aside your personal problems because we already have ours to deal with" Umirap ito at tuluyan ng nagpalit ng kanyang damit.

Napabuntong hininga ako, hindi kona talaga alam ang dapat kung gawin

Maging kung ano ba ang gusto kong gawin

Nakakabaliw!!! Bakit kailangan pang mangyari to? Nananahimik lang naman ang buhay ko noon! Maayos at masaya naman ako kay Caleb, ang hindi ko maintindihan sa puso ko kung ano pa bang problema kay Caleb at ang mismong pagkakainterasan pa eh ang Kakambal na mismo din ni Caleb!

I need to stop, isa itong malaking gulo! Sobrang laki! At hinding hindi ko kakayanin mawala si Caleb sakin hinding hindi.

Siya ang lalaking nakasama ko sa panahong inaayos ko ang buhay namin ng pamilya ko na mag-isa.

Siya lang ang meron ako lalo na sa oras na nangangailangan ako ng taong nandyan para pagsabihan ko ng problema ko.

Ilang taon na ang pinagsamahan namin, hindi ako pwede magpaapekto sa halos isang buwan na tinagal ng kabaliwan namin ni Dylan.

Pagkatapos na pagkatapos nito, mula sa perang malilikom ko ay tiyak na pwede na akong tumigil.

At ito na rin ang magiging huling pagkikita namin.

Pangako.

/Edited: May 5,2020/

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon