Gift

219 8 0
                                    

Chapter 37

Agatha's POV

"What is this baby?" Nagtatanong ang mga mata nito pagkaabot ko ng regalo ko para sa kanya. Plinano ko na pag-hatid na lamang nito sa akin sa aming bahay ko ibibigay.

"Gift."

Napatawa ito at saka binuksan ang ibinigay kong regalo.

"Really baby? You bought me a watch?" Tumango ako rito at napakasarap sa feeling na masaya siya sa simpleng regalo ko.

"Simple lang iyan pero sana nagustuhan mo."

"I love it!" He hugged me tighly at isinuot agad nito ang relong ibinigay ko. Nakakataba ng puso na napakasaya nito kahit simple lamang ang disenyo ng relo at walang engrandeng tatak.

"Ang ganda naman nito baby." Puri nito. Hinalikan ako nito sa labi na tinugon ko naman agad.

Matamis ang ngiti nito pagkakalas ng mga labi namin.

"I'm glad na nagustuhan mo."

"Siyempre naman! baby ko kaya ang nagbigay." Namumula ang pisngi nito habang masayang nakatitig sa regalo ko, hinaplos ko ang kamay nito kaya agad na nagbalik ito ng tingin sa akin.

"Nga pala, yung aso next month pa daw pero pwede na nating bisitahin, nagbrebreast milk pa raw kasi."

"Nakakaawa rin pala baby." Sumandal ito sa driver seat. Nakapark ito sa labas ng bahay namin. Nagtataka akong tumingin rito dahil bahagyang lumungkot pa ang ekspresyon nito. "Ilalayo natin siya nanay niya." Kinurot ko ang pisngi nito. Ang cute kasi.

"Malapit lang bahay nila pwede nating bisitahin yon." Tumango ito at saka humarap sa akin.

"Yeah baby, let's do that. Tayo ang tatayong pangalawang magulang niya, right mommy?" Kinindatan ako nito kaya sabay din kaming humalakhak kalaunan. Hinuli nito ang magkabila kong kamay at saka kinulong sa mga palad niya.

"Kalimutan mo na yung nangyari kanina, huwag sana yun maging sanhi para magkalayo tayo. Huwag na huwag mo akong iiwan ha?"

"Ofcourse Dylan. Pangako."

"Do it, no promises." Mabilis na tumango ako rito saka ito hinalikan sa pisngi na kinanguso nito.

"Bakit sa pisngi lang?!"

"Nakakarami ka na sa labi! ano ka masaya?! Saka diba nanliligaw ka pa muna? Baka nakakalimutan mo na? Nakakarami ka na ng halik eh." Pagbibiro ko rito.

Humalakhak ito at saka mabilis na kinintalan pa rin ako ng halik sa labi na siyang nagpainit sa pisngi ko.

"I will court you baby, PERO no kisses, kaya mo ba yon?" Nangaasar na wika nito habang nagtataas baba pa ang kilay nito. Hinampas ko muli ito sa kanyang braso. Ang kulit talaga!

"Baka ikaw kamo ang hindi kaya." Napakagat labi ito at napaiwas ng tingin kalaunan ay tumitig sa akin saka malalim na bumuntong hininga.

"Hindi ko nga kaya." Seryosong seryosong saad nito.
"Can I come inside your house baby? I'll just visit your mom too."

"Bukas na lang siguro Dylan. 1 pm naman yung class ko bukas, you can eat early lunch dito sa bahay." Gabi na rin kasi at alam ko na patulog na sila Mama.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon