Partners In Crime

417 10 2
                                    

Chapter 19

THIRD PERSON'S POV

"Bakit mo ba ako pinapunta dito? Like ang creepy nung paligid! At ang haba haba ng oras ng binyahe ko!" Mataray na aniya ng dalaga sa binatang kaharap niya. Bumuntong hininga ang binata at saka inalalayaan ang dalagang hirap maglakad sa damuhan.

"I need help." Napairap ang dalaga at tumigil sa paglakad.

"Help? Really Caleb." Napatirik ang mata ng dalaga at napansin ng dalaga ang munting ngiti ng binatang kaharap niya.

"I know you can help me Ellie"

"What help do you need?!" Tila napipika na aniya nito.

"Money." Nanlaki ang mata ng dalaga.

"Oh honey, mukha ba akong sugar mommy?" Ngumisi lamang ang binata at naglahad ng kamay. Bumaba ang tingin ng dalaga sa palad ng kaharap at sinamaan ito ng tingin.

"G*go ka bang talaga? At papupuntahin mo pa ako sa ganitong katagong lugar para lang sa pera?! Anong pinaggagawa mo Cal?!"

"I'm with my girl, hindi dapat malaman ng kahit sino na nandito kami. Hindi din ako makakahingi sa magulang ko dahil hindi nila pwedeng malaman. Ayokong galawin ang pera ko sa bangko at baka makita nila mommy" Napairap ang dalaga.

"I hate you Cal! Pinahirapan mo akong bumyahe para sa babaeng iyon? Ibalik mo na lang iyon sa kanila." Napabuntong hininga ang binata at umiling.

"I can't, aagawin siya ni Kuya"

"What? Edi maganda para sa akin ka nalang" Humalakhak ang binata bilang sagot.

"No. Gusto mo kayo na lang ni kuya" Inirapan na lamang muli ng dalaga ang binatang kaharap niya at bumunot ng pera sa wallet niya.

"Oh ayan! 13K lang cash ko! Pagkasyahin niyo iyan dahil hindi ako muling tutulong para sa babae mong iyan!" Ngumiti ang binata.

"Don't worry titriplehin ko ito kapag kumita na ako. Maghahanap ako ng trabaho pero sa ngayon dito muna kami hanggat hindi ako sigurado sa pupwedeng mangyari."

"Wala man lang kiss?" hirit ng dalaga.

"El-" Naputol ang pagsasalita ng binata ng makatanggap ng halik mula sa dalaga. Napabuntong hininga ng lamang ang binata.

"I won't say sorry" Napailing na lamang ang binata sa sinabi ng dalagang kaharap she always do what she wants.

"Fine. Huli na iyon bilang pasasalamat. Mag-ingat ka"

"Hay Caleb... babawi ka sakin talaga!" Hinatid ng binata ang dalaga sa pintuan ng sasakyan nito.

"You owe me alot!" Dagdag pa ng dalaga. Ngumisi lamang ang binata rito.

"Ingat! salamat." Wika na lamang ng binata at saka isinara ang pintuan ng sasakyan ng dalaga. Sinundan ng binata ng tingin ang sasakyang papalayo. Laking tulong ang binigay ng dalaga at nakakataba ng puso ang nararamdaman ng binata sa ginawa nitong pagbyahe para lamang tulungan siya.

Naglakad na muli ang binata pabalik sa bahay nila ng dalaga. "I love you Agatha... I will do everything para hindi tayo magkalayo."

-
Shella's POV (Mother of Dylan and Caleb)

"He is still not answering my calls Damon!"

"Wife... Hindi naman siguro gagawa ng iba si Caleb. He's like you... He wouldnt do anything na ikapapahamak nilang dalawa."

"No Damon! Nag-aalala ako! Especially Agatha's mother! Hindi naman pupwede na hindi na lang magpakita ang dalawa. Nag-aalala ang magulang ni Agatha! May sakit pa naman iyon." Napailing si Damon at niyakap ako.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon