Heal The Wounds

212 6 0
                                    

Chapter 46

Agatha's POV

After hearing everything he said hindi ko na alam kung ano ang mas higit na nararamdaman ko. Tila nagsabay sabay iyon at hindi ko na maintindihan kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya.

I am somehow glad na hindi niya ako niloko, that it was all Ellie's plan. But still, I am not okay on how he treated Ellie kahit na siya pa ang may kasalanan. Hurting her physically and ruining her life isn't the best choice. It is still not right.

Hindi ba niya naalala ang ginawa sa akin noon ni Caleb? Why did he hurt her just to get even? Hindi ko rin naman gusto ang ginawa ni Ellie sa amin, hindi niya dapat ginawa iyon para masira kami ni Dylan. Isa pa ay delikado din ang ginawa nito, paano kung may side effects pala ang inilagay nito sa pagkaing iyon? pumapasok din sa isip ko kung ano pa kaya ang ginawa niya kay Dylan nung mga oras na wala itong malay at nagiintay ako sa university.

Pero hindi ko magagawang saktan ito para gumanti. She may have reasons, but still the reasons she have is not right to ruin Dylan and I. But still I can't let myself hurt her because I am not part of the law and I am not the Lord. I will not put justice in my own hands.

Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko, it was like the universe are telling us to take some time off, na dahil nagumpisa kami sa mali, hindi na din namin deserve na maging masaya. Ito na nga ang karma namin.

Nakayuko si Dylan at hindi makapagsalita, nagtataas baba ang balikat nito at batid ko ang umaagos na luha sa mga mata nito.

"What should I do for you to forgive me?" Mahina lamang ang boses nito at nanginginig ang labi nito.

"What I did to you was unforgivable sorry for forcing and hurting you. K-Kay Ellie naman, I... I don't feel any pity. I know it's not right but I am too mad... I despise her. She ruined us Agatha we are not in this situation kung hindi siya nanggulo. I treated her as a friend, atleast. Pero sinira niya lang iyon." Kitang kita ko ang galit sa mga mata nito.

"I-I understand what you feel Dylan, and I forgive you. But please can you give me some space? H-Hindi ko kasi alam ang nararamdaman ko, naguguluhan ako sa lahat ng nangyari." Tumitig ito sa akin ng mariin.

"Is it because of Caleb? Kaya ka naguguluhan?" Puno ng pait na sabi nito.

"Hindi, he asked for forgiveness Dylan, we hurted his feelings and yung nagawa niya akong saktan noon, aaminin ko hindi ko yon makakalimutan gaya ng ginawa mo kay Ellie." It will remain in my memories, forever. But I will not let that control my life. It's in the past now and we have our own mistakes. Emosyonal na sakit ang idinulot namin sa kanya at siya naman ay pisikal. Parehas mali, parehas hindi tama.

"But Caleb is a different story, I hurted him by falling inlove with his twin hindi lang pride ang sinira ko, tiwala, pagmamahal at ang relasyon niyo." Nag-iwas ito ng tingin.

"Agatha, how can you forgive him easily? Pero pag dating sa akin lagi na lang kailangan kong lumayo? Mahal mo ba talaga ako? Minahal mo man lang ba ako? O sasagutin mo lang ako dahil natukso at nasira na kayo?" Mababa ang boses nito, takot ang nakikita ko sa mga mata nito... at sakit.

"Dylan, hindi iyon ganon gaya ng iniisip mo. Iba ang atin, nakagawa tayo pareho ng kamalian. Nag-umpisa tayo sa mali maraming bagay tayong dapat ayusin at hingan ng kapatawaran at siguro pagdating ng tamang panahon magiging tama na din tayo para sa isa't isa." Pumatak ang luha nito at marahang pinasadahan ang kanyang labi.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon