Such a Tease

2.5K 63 3
                                    

Chapter 5

Agatha's Pov

"Beb!" Napabangon ako sa higaan dahil sa sigaw mula sa labas ng bahay.

Teka anong oras naba?! Sht, 7:15 am na pala! 8am ang klase ko ngayon nalate ako ng gising at mukhang nakatulugan ko pa ang alarm clock ko!

Agad kong tinungo ang pintuan at pinagbuksan ang boyfriend ko. Nakakunot ang noo nito saka biglang ngumise sa akin ng malaki.

"Haven't shower yet?" Pinapasok ko na ito sa loob, hinaplos nito ang aking baba saka ito marahang tumawa habang kumikislap ang mga mata.

"Nangiinis kapa? tsk maliligo na nga ako!" Hindi ko na inintay ang sagot niya at agad na akong kumuha ng uniform at tumakbo papasok ng banyo para maligo.

Mabilis lang akong naligo at ng matapos ako saka ko lang narealize na uniform lang talaga ang nadala ko at walang tuwalya at underwear man lang! Sht! Late na nga ako eh! Hindi ko naman pwedeng isuot yung uniform para takpan ang sarili ko duh! mababasa yun dahil wala naman akong nadalang tuwalya!

Tulog pa si bunso saka si Mama hindi ko naman sila dapat istorohin dahil may sakit si Mama at nakaratay lang ito sa kama habang si bunso ay kababa lang ng lagnat kagabi. Teka nga, hindi na ko dapat pang mahiya kay Caleb. He's my boyfriend for pete sake! Pero diba dapat mas mahiya pa nga ako? Waaah! Ano bang dapat kong gawin?--

"Beb 7:28 na! dalian mona po hahahaha" At talagang natatatawa pa siya dahil late na kami?! Halatang pinagtritripan na niya ako.

BAHALA NA NGA!!!

"A-Ano, Beb pwede pakuha naman ng tuwalya saka underwear nasa maliit na cabinet ko nakalagay please?!" Mabilis kong sabi na halos hindi na ako huminga sht nagiinit ang pisinge ko eh.

"Oh sure, yun lang naman pala beb eh hahaha" Sht para siyang tanga ngayon nakakahiya! Tawa pa ng tawa wala naman nakakatawa! nakakainis hilig talagang mang-inis!

Ilang sandali lang ay kumatok na ito sa banyo.

"Here it is beb! ang cute ng design, flower! hahahaha"

Sht, Such a tease!

"Heh! Akin na nga!" Inilabas ko ang kamay ko sa pinto saka niya ibinigay sa akin

Nagmamadali nakong magpalit at hindi ko na nagawa pang magayos. Pinatuyo ko na lamang ang buhok at hindi na muna nagsuklay. Hindi na din ako nagalmusal pa, nagtoothbrush na ako agad at hinarap yung boyfriend kong anlaki ng pagkakangise sa akin.

Bitbit na nito ang Bag ko. Ang gwapo talaga tsk. Oh come on Agatha late kana pinagnanasaan mo pa yung boyfriend mo?! Nakahalata pa ata ito kaya kinagat pa nito ang ibabang labi niya. Such a tease, tsk.

"7:38 napo beb" Ngumisi ito muli kaya hinila ko na ang kamay nito. Sumakay na kami agad sa sasakyan niya at pinaharurot naman nito agad iyon. Mabilis kong sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri ko at huminga ng malalim.

"Let's go?" Aya nito saka kami mabilis na bumaba ng kanyang sasakyan. Magkahawak kamay kaming tumakbo papasok sa room.

Parehas kami ng schedule ng lahat ng subjects kaya palagi kaming magkasama. Pagkapasok namin sa room ay sabay kaming natawa. Time check 7:58 hahaha

Magkatabi kami at tumitig ito sakin.

"Napagod ka ba kagabi? Napuyat ka ba Beb?" Hinaplos nito ang buhok ko saka ko hinalikan sa noo.

"Medyo, but I'm okay" Ngumuso ito sa naging sagot ko.

"Hindi ka pa nakapag-almusal. Good thing I have a chocolate here, oh kainin mo na agad" Inabot niya ang hersey chocolate sakin na talaga namang paburito ko kaya agad ko namang kinain iyon lalo na at gutom na ako.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon