Tears

343 10 3
                                    

Chapter 21

Agatha's POV

Pinaluto ni Caleb ang ulam namin sa may-ari ng bahay. Ng dalhin nito iyon sa bahay ay agad na inayos nito ang lamesa.

"Pwede naman akong magluto nakakahiya kung sa kanila pa tayo mag-papalaluto. Kaya ko naman gawin yon." Umiling ito sa akin at bahagyang ngumiti.

"Hindi na muna, madalas kang napagod noon dahil sa trabaho at pag-aaral kaya mas magandang magpahinga ka na lamang muna ngayon." Ramdam ko ang pait ng boses nito sa pag-alala sa trabaho ko.

Labis na akong nag-aalala kay Mama at kay Bunso. Hindi ko na alam kung ano ang dapat na gawin ko. Lumipas na ang mga araw at pinilit ko na huwag na lamang iungkat muna dahil ayaw ko na muling makipag-talo at makipag-away kay Caleb. Alam ko na gusto niya akong ilayo kay Dylan, pero sana ay huwag pati kila Mama. Kasalanan ko ito. Ito pa lamang ang naiisip kong paraan. Ang hayaan muna ito pansamantala at huwag muna itong pilitin.

"Nagustuhan mo ba? Simple lamang ang pinaluto kong ulam. Kailangan nating magtipid. Nangangailangan daw dyan sa construction sa kabilang baryo. Sinabi ko na graduating na ako at hahanapan nila ako ng maaaring trabaho. Kapag natanggap ako doon ay makakabili tayo ng maayos na higaan para naman hindi ka sa banig nahihiga." Bumaba ang tingin ko sa kinakain ko.

"Caleb... paano ang pag-aaral ko?" Iniwas nito ang tingin sa akin. Kahit anong pilit ko na hindi muna iyon itanong ay nababahala ako. Hindi ko iyon maialis sa isip ko kahit anong pilit ko. Malapit na kaming magtapos sa pag-aaral. Konti na lang ay sana ay natutugunan ko na lahat ng pangangailangan ng pamilya ko. Ayoko naman pabayaan iyong pag-aaral ko lalo na ang aking pamilya. Bata pa ang kapatid ko, may sakit pa ang nanay ko.

"Naiintindihan kita Caleb. Kung anong pinaghuhugutan mo. Kasalanan ko. Pero Caleb hindi mo mapipigilan na mag-alala ako kay Mama at kay Bunso. Kailangan nila ako." Pumatak ang luha ko. Umiwas ito ng tingin at tumayo.

"Agatha, pwede ba? Ito nanaman ba tayo?!" Galit na ani nito. Huminga ako ng malalim.

"Nasan na ang Caleb ko?" Walang humpay ang pagluha ko.

"At nasan na din ang Agatha ko?" May halo ng pait ang boses nito. Napatayo na din ako sa kinauupuan ko.

"Alam ko na kasalanan ko, pero sana ay huwag madamay ang aking pamilya at pag-aaral ko. Umisip na lang tayo ng ibang paraan para maiwasan siya pagkatapos ng pag-aaral ko ay saka tayo lumayo pero sana ay maisama natin sila Mama" Ngumiwi ito.

"Ikaw lang ang at ako at magiging anak natin. Gusto mo ay ipadala na lamang natin sa ospital ang iyong ina at ipadala sa paaralan na may sariling boarding house ang kapatid mo para hindi ka mag-alala. Hayaan mo pag may pera na ako iyon ang gagawin ko." Napatawa ako dito ng mapait.

"Talagang ipagpalalayo mo kami pati ng pamilya ko?!"

"Ako na ang pamilya mo ngayon Agatha! Bubuo tayo ng sarili nating pamilya!"

"Baliw! Baliw ka na!" Sumama ang tingin nito at nalaman ko na lamang na nakasandal na ako sa pader habang mahigpit ang kapit ng kamay nito sa aking leeg. Hirap akong huminga at tuloy tuloy ang patak ng luha ko.

"Caleb, n-nag-iba ka na" Pinakawalan ako nito at unti unti na lamang akong napasalampak sa sahig.

"You made me into this Agatha" Mabangis na ani nito saka lumabas muli ng bahay.

Kasalanan ko pa din ba lahat ng ito? siguro nga... Kasalanan ko lahat lahat ng ito.

Dylan's POV

"A-Anak?" Tila hindi makapaniwalang ani nito mula sa kabilang linya.

"Kamusta?" Mapait ang tono ko. Hindi ko alam kung paano nga ito kakausapin dahil hindi naging maayos ang paguusap namin noong huli.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon