Broken Heart

272 8 0
                                    

Chapter 29

Dylan's POV

"He hurted me Dylan..." Malungkot ang mukha nito at bakas pa din ang luha nito.

"Minahal ko naman siya, buong buo. Nandito ako kapag kailangan niya ng tulong. Pero bakit ganon? Bakit hindi pa din ako nakikita ng kakambal mo?" Mapait na tumawa ako dito.

"Kakambal? Hindi ko gustong matawag na kakambal ng g^gong iyon." Ellie smiled and she held my arms tight. Agad na iniwas ko ang braso ko dito pero hinigpitan pa nito ang hawak sa akin.

"Pareho tayo, hindi mo ba iyon alam Dylan?" Napatitig ako sa mga mata nito. What is she talking about?

"Parehas tayong hindi pinipili ng mga minamahal natin." Napalunok ako sa sinabi nito at napaiwas na lamang ng tingin.

Kahit na magalit pa ako at sigawan ko pa ito ay hindi naman makakatulong. Iyon ay dahil tama naman talaga siya.

"Kahit na anong gawin natin pagpapapansin, hindi naman nila tayo nakikita. Bakit hindi na lang kaya maging tayo Dylan?" Nalukot ang mukha ko at agad na napakunot ako ng noo sa mga sinasabi nito. Is she out of her mind?!

"You know Dylan... Magkamukha naman kayo ni Caleb eh, I think you're hotter pa nga eh." Napairap ako dito at napatawa sa mga pinagsasabi niya. Kung maka-asta akala mo hindi umiiyak kanina lang.

"Ako na lang kaya ang mahalin mo Dylan. Masarap ako magmahal, ikaw at ikaw ang pipiliin ko hindi kagaya ni Agatha..." Seryosong saad nito. Hindi ako agad makasagot pero hindi yun dahil sa sang-ayon ako rito.

"So ano sa tingin mo Dylan?" Tanong nito sa akin. I chose not to answer her, but I know she can see in my eyes kung ano talaga ang sagot ko. It can't be her or any other women.

Because I know, deep down my heart...

Si Agatha lang talaga ang kaya kong mahalin.

Siya lang.

Agatha's POV

Lumipas ang mga araw at nalalapit na ang final exam namin. Hindi na kami muling nagkita ni Dylan. Hindi ko planong sabihin pa sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi na siguro dapat pa dahil alam ko naman sa sarili ko na lalayuan ko na siya. Ayokong saktan ko pa siya lalo kung sasabihin ko ang nararamdaman ko pero iiwasan ko naman siya sa huli.

I just hope he is doing good, and sana maging maayos na sila ng kapatid niya at ng mga magulang niya. Kung makakahanap na ito ng babae na mamahalin muli ay sana ay mapasaya siya nito. Hindi na sana siya muling masaktan pa, gayun din sana si Caleb sana ang susunod na mamahalin nito ay magiging tapat sa kanya.

I hope hindi na maulit pa ang lahat ng ito sa mga mamahalin nilang muli, dahil hindi nila parehong deserve na masaktan. No one deserves that, ako nalang na nagkamali. Hindi ko gustong sisihin pa muli si Dylan, gusto lamang nito maranasan mahalin.

While me and Caleb, tuluyan ko na talagang tinapos ang relasyon namin. Maybe my feelings for him wasn't enough anymore, it wasn't enough to continue our relationship lalo na kung alam ko na hindi na kami magiging tulad ng dati, may lamat na.

But he still talks to me kagaya noong maayos pa kami at hindi pa nangyari ang lahat, madalas pa din kaming magkasama, kahit na pilit kong iniiwasan siya ay hindi ko magawa yun ay dahil nagpupumilit ito. Pero paulit ulit ko na nililinaw ang estado namin dahil ayokong paasahin at saktan pa ito. Pero hindi ito sumasagot at patuloy pa din ito sa gusto niya.

Naisipan ko na mag-grocery dahil madalas ay sa palengke lamang naman kami namimili. Naisipan ko na paglutuan sila Mama ng masarap na spaghetti. Nais ko lang na mapangiti ito kahit papano. May ilan pa akong perang natatago mula sa mga photoshoots ko.

Habang ako ay namimili ay hindi ko maiwasan mapatingin sa dalawang pigura sa may meat section na masayang nagaasaran. Si Dylan at ang babaeng una kong nakita ng sinundo nila ako sa baryo.

Who is she?

Bakit tila napakasaya ni Dylan na kasama niya ito? Madalang ko lamang makita ang totoong tawa at mga ngiti nito kapag nakaharap sa mga tao. Mukhang close na close sila ha?

Akala ko ba ay magiging masaya ako kapag nakita ko na may nagpapasaya na sa kanyang ibang babae? Bakit tila napakasakit? Totoo nga bang hindi na lamang atraksyon at pagkagusto ang nararamdaman ko sa kanya?

Mahal ko na nga ba talaga si Dylan?

Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig habang masaya sila nag-aasaran na tila mag-asawang namimili.

"Huwag ka na ngang umarte! Minsan lang akong mag-luto kaya huwag kang mangialam!" Napangisi si Dylan sa naging reaksyon ng babaeng kasama habang naiiling iling.

"Ellie, hindi ako mahilig diyan! Ayon na lang! gusto ko yung manok." Umirap ang babae saka hinampas sa braso si Dylan na tila close na close ang dalawa.

"Manok nanaman! Come on, masarap yang atay ng manok! Pwede nating iadobo." Bahagyang namutla ang mukha ni Dylan pero natawa din naman kalayunan.

"May tinatago ka din palang ganyan ha, akala ko puro ka kaartehan sa buhay eh!" Ngumuso lang ang babae na kinatawa na lang muli ni Dylan.

Wala akong ibang ginawa kung hindi sundan ng tingin ang mga kilos nila.

Tila ba napako na ako sa kinatatayuan ko at hindi ako makaalis. Luminga si Dylan at tila may hinahanap na station dahil nagtatanong ang kasama nito. Gusto kong tumakbo at magtago na lang ngunit nahuli na niya ako.

Napako din ang tingin nito sa akin, parehas kaming hindi makagalaw. Lumipat din ang tingin sa akin ng babaeng kasama nito dahil matagal nakatingin sa direksyon ko si Dylan.

Napailing ito at may binulong kay Dylan, naging dahilan iyon upang manliit ang mata ni Dylan at kalayunan ay napatango din. Malungkot ang mata ni Dylan at may pagkabahala ngunit umiwas lamang ito ng tingin sa akin hanggang sa inakay na ang kasama para umalis.

Hindi na ako muling tinapunan ng tingin nito, hindi ito muling lumingon habang kasama nito ang babaeng hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan pa din ako kahit na pilit ko sinasaksak sa isip ko na hayaan na lamang itong maging masaya. Hindi ba at iyon naman ang gusto ko?

Sabi mo you will keep chasing me, but why are you walking away instead? dapat bang maging masaya na ako dahil tinupad mo ang sinabi kong layuan mo na ako?

Agatha! This is what you want! Kastigo ko sa aking isip.
Huwag kang mag-isip kung ano ano, stick with your decisions.

Pero bakit napakasakit? Bakit ang bilis? Bakit kahit pilit kong iwinawaksi at pilit kong inililihis sa isipan ko kahit noon pa ay minahal ko pa din siya?

At bakit tila h-higit pa ito sa naramdaman ko kay Caleb? What did you do to me Dylan? Why am I hurting like this?

It breaks my heart seeing you walking away with a woman who seems to make you happy.

But I should stop right? Dahil ako naman ang nagdesisyon na hindi na tama na mahalin pa kita ng tuluyan. Ito na ang tama...

I won't ruin your happiness, I won't ruin your relationship with your twin.

It's better to just ruin my heart instead.

Dylan's POV

"You can do it Dylan, we can." She encourage me but I just smiled weakly at her. She pats my shoulder.

"Hindi ko alam kung kaya ko, but seeing her... ang sakit Ellie, nahal na mahal ko si Agatha." Pumait ang tingin nito sa akin pero kalayunan ay tumango rin.

"Bakit kasi ganon Dylan? Bakit ba kasi kailangang masaktan pa tayo in the process of falling inlove?"

"Because it is falling, whenever we fall masakit." Ngumiti ito sa akin sa naging sagot ko.

"Seriously Dylan." Tila natatawa pa ito ngunit pinipigilan lang.

"Love makes us weak, nasasaktan tayo, sumusugal tayo. We always try to teach our heart to listen to our brain na huwag na nating gawin pa, pero kahit yata isigaw ng isip ko na huwag siyang mahalin, mapapaos lang ito kakasigaw pero mananalo pa din ang puso ko." Umirap ito saka umiling.

"Cheesy Dylan, too cheesy." Ngumisi na lamang ako dito at nagpatiuna na.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon