Family Is Love

212 7 0
                                    

Chapter 48


Dylans POV

"Are you ready Kuya?" Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Isang linggo na din mula ng magkaayos kami ni Caleb at tingin ko ay oras naman para kami ng mga magulang ko ang magkaayos.

I wanted to do it the day after me and Caleb fixed our relationship as twin brothers pero hindi ko kaya. I want it to be genuine and real. Ayokong humarap sa kanila at kay Agatha ng alam ko sa sarili ko na hindi naman kami tuloy na maayos ng buo.

Agatha made me realized a lot of things and she made me realized more that I need to forgive in order to forgive myself.

Gusto ko na buo na ako para sa sarili ko and para din kay Agatha, she is a very beautiful woman inside and out and every people especially people like her deserve someone whole and not broken like me.

We both need to fix and make ourselves whole again so when we enter a relationship buo na kami pareho para sa isat isa wala ng sino man ang makakasira pa sa amin.

"I am ready." Ngumiti ito sa akin ng matamis, he looks excited. Sinalubong ako ng mga alala alala ng buksan ni Caleb ang main door. Today is saturday and for sure nasa garden sila Mom and Dad. This is really weird, parang ang daming nangyari sa panahong nawala ako dito. Gaano na nga ba katagal iyon? Isang taon na ba? o higit pa? Hindi ko alam marahil dahil ayokong isipin at bilangin miski noon pa.

Dumiretso kami sa garden ni Caleb at natagpuan namin ang magulang naming seryosong nag-uusap. Napatingin sa gawin namin ang aming ina at bakas ang pagkagulat sa mukha nito hudyat para mapatingin din si Dad sa amin. Gulat na gulat silang dalawa pero napalitan din iyon agad ng kagalakan ng matitigan nila akong mabuti.

"Dylan! I'm so glad you're finally here anak! tara doon tayo sa sala." Pag-aayaya ni Mom habang yakap ang braso ko. Nakangiti lamang sakin si Dad habang hindi diretsong makatingin sa akin. Inakbayan ako ni Caleb at sabay sabay kaming nagtungo sa living room.

"Ikukuha ko lang kayo ng meryenda." Magiliw na nagtungo ito sa kusina. Caleb tapped my shoulder and excused himself.

"It will be better kung maunang mag-usap kayo ni Dad. Kahit papano nakapag-usap kayo ni Mom and I know na mas matindi ang tampo mo kay Dad." Bulong nito sa akin saka nagpaalam na pupunta muna ng kanyang silid.

"Dad pasilip muna ako sa kwarto ko, may ilang gamit akong kailangan." Tumango lamang si Dad at bumaling muli at tumitig sa akin, binigyan ako ni Caleb ng isang ngiti saka mabilis na umakyat.

"Kamusta ka?" Ito ang naunang mag-salita dahil nanatili akong nakayuko. Nagkita naman kami noong sinundo namin si Agatha pero hindi naman kami tuluyang nagkaayos dahil sa puso ko tanggap ko ng wala na, na kaya ko ng wala sila. Na hindi na namin kailangang magkaayos dahil wala na akong pakialam pa.

But now, here I am infront of Dad. Inside the house they called home. I know deep inside me, I wanted to call it home so bad before, I wanted to be with them again, I wanted to love and receive love from them, na matagal ko ng kinalimutan pa simula nung umalis ako pero ngayon nandito akong muli at tila sabay sabay na bumabalik sa akin ang lahat I want to call this house my  home, I want to be with them again, gusto ko silang alagaan at mahalin at gusto kong maranasangbmahalin nila. 

Maybe I only wanted to forget about them to forget about the pain they caused me but now I want to fix our family.

"Coping." Mapait akong ngumiti, pinagsalikop ko ang mga kamay ko. "Ang tagal na din Dad. We never actually fix our family. I'm sorry for everything. Patawad dahil hindi ako perpekto, patawad kasi--" Mabilis na umiling ito sa akin.

"No Dylan, I should be the one apologizing. I was never a perfect father, I was never fair. Marami akong pagkukulang at kamalian sayo, napabayaan kita anak." Ipinatong nito ang kamay sa kamay ko.

"Sorry son, sorry. If I can just turn back time siguro hindi tayo naging ganito. You know, I am really grateful ng dumating kayo sa buhay namin ng mommy niyo. We are happy, when I first held you masamang masama ang tingin mo sa amin. Your Mom got really afraid of you, but then later on we found out that your Mom suffered from postpartum depression." Labis na nagulat ako sa inanunsyo nila I had no idea na nakaranas noon si Mom ng depression.

"We have no idea how it happened and why it happened. Habang sobra naman ang pagmamahal at pagaaruga niya kay Caleb but hindi ibig sabihin non she loves you less. She tried to show you how she cares for you pero hanggang sa lumaki ka hindi na namin iyon nagawa. You know how protective I am to your mother and you know sakitin si Caleb we become more focused on him to the point na nagiging unfair na kami hanggang sa hindi namin namalayan lumayo na yung loob mo sa amin. We are very sorry Dylan alam ko hindi magiging sapat ang ano mang rason namin kaya babawi kami. Hindi man namin nagawa agad noon at maaaring huli na sa ngayon pero babawi kami anak sa abot ng makakaya namin, babawi ako... babawi kami ng Mommy mo." Pumatak ang luha nito, this is the very first time that I saw him cry. Tila binuksan pa lalo ang nasaktan kong puso noon I can feel his sincerity and I am really happy.

Napaangat din ang tingin ko kay Mommy na nasa likod na pala nito at nagpupunas ng luha. Mabilis na tumabi ito sa akin at saka ako mahigpit na niyakap.

"I am very sorry anak, I am really sorry. I always wanted to be a great mother to the both of you but I become really unfair, gusto kong ipakita sayo na mahalaga ka sa akin pero hindi sapat anak, hindi ko nagawa. Hindi naging maganda yung paglaki ko mula sa mga magulang na nagpalaki sa akin at hindi ko namamalayan mas naging malala na pala ako sa sarili kong anak." Pahigpit ng pahigpit ang yakap nito sa akin na agad ko namang sinuklian ng mahigpit din na yakap. Nakangiti si Dad habang tinatapik ang balikat ko. Punong puno ng pagmamahal ang nararamdaman ko and I am really happy because ito ang unang beses na naranasan ko ito kasama sila.

"Babawi kami anak." Masuyong bulong ni Mom sa akin.

"Babawi din po ako Mmy. I know na naging bastos at napagsalitaan ko rin po kayo ng hindi magaganda, kaya patawad din po." Kumalas si Mom at hinaplos ang pisngi ko. Nagtinginan sila ni Dad at saka ngumiti sa akin.

"Ang laki na ng pinagbago mo." Nakangiti si Mom, tumango si Dad at ngumiti muli.

"I am very proud of you Dylan. Hindi man kami naging mabuting magulang nanatili pa din sayo ang kabutihan diyan sa puso mo. Salamat anak. Pinapatawad ka din namin, dahil una sa lahat kami naman ang puno't dulong dahilan."

Natigil kami dahil sa dahan dahang bumababa ng hagdan.

"Finally, nagkaayos na tayong lahat! How about let's celebrate?" Magiliw na pag-aaya ni Caleb.

Mabilis na tumango ako, I am excited and happy. Before akala ko kaya ko ng wala sila but iba pa din kapag kumpleto kami, ng wala ng galit sa puso namin.

Agatha, mahal ko, hintayin mo lang ako. Unti unti kong aayusin ang buhay ko para sa sarili ko, para sa pamilya ko at higit sa lahat... para sayo.

_
UPDATE every SATURDAY & SUNDAY 8 PM.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon