Rivalry

275 9 0
                                    

Chapter 31

Dylan's POV

"What are you doing here?" He smirks at me

"So this is where you live now kuya." mapanginis ako nitong tinawag na kuya, nakakasuka.

This piece of sht. What the fck does he need?! Tuluyan na itong pumasok sa tinitirahan ko kahit hindi ko naman pinatuloy, ang kapal lang! Why is he here anyway?!

"Ang pathetic mo talaga ano?" Walanghiyang anito.

Umupo ito sa sofa at walang pasabing itinaas ang paa sa coffee table. G^gong to, feel at home pa ang hayop.

"Leave." Pag-papaalis ko dito. I don't have any time for him.

"Oh? You want me to leave?" He stood up and came infront of me. Stating the obvious huh?

"Para sabihin ko sayo kuya, matuto kang lumugar. Me and Agatha are in a relationship. Bumisita ako sa bahay nila kagabi and I saw you leaving their house. Pasalamat ka at hindi ako tumuloy at nagpakita pa sa inyong dalawa, dahil kung hindi ibabaon kita sa lupa! Pasalamat ka at hindi ko kayang sirain ang gabi niya. Dapat isaksak mo na diyan sa isip mo kung saan ka LANG dapat lumugar. Hindi ka magtatagumpay sa akin kasi pinapalayo ka na nga niya hindi ba?! Matuto ka umintindi kuya!" Huminga ito ng malalim saka masamang tumingin sa akin at sinipa ang coffee table. Bastos talaga ang g^gong ito.

Hindi pa ako nakikibalita sa mga tauhan nila Dad, but I know hindi sila okay ni Agatha, sapat na ang pagpunta niya dito bilang patunay na takot siyang makukuha ko si Agatha sa kanya.

He then pointed a finger at me "Know your place, huwag mo na balakin pang sirain ang relasyon namin. Mabuhay ka na lang sa inggit habang buhay tutal sanay ka naman na ganon. Kasi iyon naman ang totoo hindi ba? Inggit ka sa akin noon pa kasi Dad loves me more than you, inggit ka kasi Mom gave much more attention on me, at higit sa lahat, inggit ka kasi ako ang mahal ng pinapantasya mo." Humalakhak ito.

Agad na itinulak ko ito at sinuntok sa panga. Napakayabang mong g^go ka. Agad na napahiga ito at hindi agad nakatayo. Weak.

Sinipa ko ang tiyan nito at inapakan iyon. Hindi ito makalaban dahil pigil ng paa ko ang pagtayo niya. Sino kaya sa ating dalawa ang pathetic?

"F-cker, listen very carefully kasi isang beses ko lang ito sasabihin sayo, inuubos mo ang pasensya ko. Una sa lahat, you can fcking get any attention and love you want from your parents I don't fcking care. But I will get Agatha from you. Idikdik mo yan sa utak mo. Makikita mo, magugulat ka na lang at hindi mo na siya hawak. Magugulat ka na lang at ako na ang nagmamay-ari sa kanya. Tutal naman ay takot na takot ka na maagaw ko siya sayo, kasi alam mo na kaya ko hindi ba?" He weakly smirks at me. Tila nagyayabang pa.

"Hindi mo kayang--" Diniinan ko pa ang pagdagan ng paa ko sa tiyan nito na kinapilit ng mukha nito lalo.

"Then why are you here then?! Kung alam mo na hindi ko siya makukuha sayo you wouldn't come here. Hindi ka dapat takot. But you are afraid Caleb kasi alam mo sa sarili mo..." Bahagyang binaba ko ang ulo ko para bahagyang lumapit sa kanya habang apak ko pa din ang tiyan nito. "na kayang kaya ko siyang agawin sayo... alam mo na din siguro na unti unti ko na iyong nagagawa. So imbes na matakot ka dapat yata ay higpitan mo pa ang kapit mo, yun ay kung kaya mo. Dahil kapag natuloy ko na ang plano ko... maaaring ang susunod mo na balik dito ay nagmamakaawa kana na ibalik ko siya sayo. Pero sorry ka na lang, dahil hinding hindi mo na siya makukuha pa sa akin."

"Me? Magmamakaawa sayo?! You piece of sht! As if--"

"Let's see Caleb, let's see kung hanggang kailan ka magiging matapang. Leave." Agad ko itong itinayo at hinila palabas at pinagsarhan ng pinto.

Weak piece of sht.

Agatha's POV

"Hi." She greeted me as I opened our door. Siya yung babaeng kasama ni Dylan sa grocery, siya din yung babaeng kasama nila Dylan sa pagsundo sa akin sa baryo. Labis ko na kinakataka kung bakit siya nandito sa bahay namin.

"A-Anong kailangan mo?" Tanong ko dito, agad na ngumisi ito at sumilip sa loob ng bahay namin saka muling tumingin sa akin.

"Pwede kang makausap?" Tanong nito pero hindi nawawala ang ngisi sa mukha nito.

Alinlangan man ako na pumayag ay tumango pa rin ako dito, tuluyan itong lumabas at saka ako nito dinala sa tabi ng sasakyan niya. 

"I just came here para makausap ka ng maayos." Tumango ako dito at hinintay ang iba pang mga sasabihin niya.

"Don't come near Dylan again, do you understand?" Tila napipikang pagbabanta pa nito. Napapikit ako sa hiling nito sa akin.

That was my plan, but I don't know kung kaya ko pa din.

"G-Girlfriend ka ba niya?" Imbes na sumagot ay itinanong ko na lamang kung sila bang dalawa. Tumawa ito but there is no humor on her laugh. Tila lalo pa itong nainis.

"Bakit mo pa itinatanong yon? Agatha, to tell you honestly, girlfriend man niya ako o hindi you should STILL stay away from him. Masaya ka bang manira ng pamilya? If you choose to be with him, Caleb will be mad at him more at lalong masisira ang relasyon nilang magkakambal... Tita Shella will be very dissapointed at you and lastly Tito Damon might raise hell... You know, you will broke Caleb's heart, hindi papayag si Tito Damon na ganon ganon na lang iyon. Kaya mo bang gawin yon? Sa nakikita ko kasi taliwas sa pagpapalayo mo kay Dylan ang mga kinikilos mo. Why don't you just stick with Caleb and just let Dylan move on?"

How did she know?

"S-Sinabi ko naman na sa kanya--" Napairap ito.

"WORDS ARE not enough Agatha! mag-isip ka nga! Ikaw nga hindi mo naman naisagawa yung mga pinagsasabi mo eh. Imbes na tinatanong mo ako kung girlfriend niya ako, sana man lang pinangatawanan mo na yung sinabi mo noon sa kanya, huwag mo siyang itulak tapos hihilahin mo din pabalik. Words are not enough hun, when your actions states otherwise." Pumunta na ito sa driver seat at isinara yon, agad na itong umalis at wala ng sinabi pang iba.

Tila naestatwa ako sa kinakatayuan ko at hindi ako makagalaw. Lahat ng sinabi niya ay parang bombang ibinabato sa akin ng sunod sunod.

Bumuntong hininga ako, maybe she is right.

But my heart...

bakit ayaw makinig nito?

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon