Chapter 24
Agatha's POV
Isang napakahabang byahe pauwi ang tinahak namin. Nakatulog si Dylan sa balikat ko. Naiilang ako ngunit hindi ko magawang alisin iyon. Una sa lahat ay mahaba ang byahe nito papunta sa baryo, at tinulungan niya ako para makabalik sa pamilya ko.
Hindi ako galit kay Caleb pero hindi ko gusto kung anong ginawa niya. Oo mali ako, una pa lang dahil hindi ko inamin sa kanya na kasama ko sa trabaho ang kapatid niya na hindi nila alam kung nasaan. Pangalawa ay dahil nagtanong siya sa akin noon na hindi ako makukuha ng kapatid niya ngunit may namagitan sa aming halik noon ni Dylan na alam ko sa sarili ko na hindi lang ako basta napilitan, ang pagiging apektado ko roon ay isa ng malaking kamalian ko.
Kasalanan ko, and I am willing na ayusin ang relasyon namin ni Caleb. Hanggang sa makakakaya ko ay gagawin ko ang lahat para humingi ng tawad sa kanya. Ngunit umabot kami sa ganito, pero hindi ko magawang magalit sa kanya ng tuluyan. Alam ko na nasaktan at nasasaktan ko siya, labis niya akong pinagkatiwalaan pero sinira ko iyon. Napapikit ako at napahinga ng malalim. I just want everything na magbalik sa normal. Kailangang umpisahan ko na iyon ngayon.
"Salamat sa paghatid sa akin dito sa bahay." Pasasalamat ko kay Dylan, inihatid ako nito hanggang sa pintuan ng bahay. May tatlomg lalaking nagbabantay sa labas ng aming pintuan. Napabuntong hininga ako, tunay ngang may magbabantay na sa akin.
"You're welcome Agatha, always remember that I am here and I won't let him come near you." Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko matagalan titigan ang mga mata nitong tila kumikislap.
"Dylan, salamat pero... b-boyfriend ko pa din siya. Kailangan lang namin mag-usap, hindi ako galit sa kanya kaya gusto kong umalis sa baryo na iyon. Gusto ko lang na maintindihan niya na may priorities ako. I also need to gain his trust again. Kasalanan ko naman lahat ng ito, hindi naman niya gagawing ilayo ako kung noong una pa lang ay nagsabi at naging tapat na ako sa kanya. Isa lang ang hiling ko. Salamat sa lahat pero sana ito na yung huli nating pagkikita. Ayoko na mas lumala pa ang galit at sakit na nararamdaman niya sa akin, pati na din sayo bilang kakambal niya."
Nanlaki ang mata nito at nababakas ko ang pagkabahala sa mukha nito.
"P-Pero bakit Agatha? Bakas ko na sinaktan ka niya." Nakatitig ito sa leeg ko na kanina pa niya pilit iniiwasan ng tingin dahil bakas ko ang galit na ayaw niyang ipakita sa akin.
"You don't deseverve that Agatha." Matalim ang tingin nito sa leeg ko.
"I hurted him emotionally, Dylan."
"Bakit ganon? Bakit kahit sinaktan ka na niya ay siya pa din? Niligtas at inilayo kita sa kanya kasi alam ko na pinipigil ka niya sa mga priorities mo. Tinulungan kita kasi mahal kita. Pero bakit ako pa din yung kailangang lumayo?" Umiling ako rito.
"Dylan, tama na please. Alam naman natin na mali lahat ng nangyari. Alam mo na girlfriend ako ng kapatid mo pero hinalikan mo ako. Nagtago tayo na magkakilala tayo kahit hinahanap ka nila."
"No! they didn't look for me. It was better without me. They see Caleb better than me kahit nangyari na ang lahat ng ito. Pati ikaw! You still see him better than me, kahit na ganito na ang nangyari diba?"
Napakagat ako sa labi ko at nagiwas ng tingin.
"It's because mali tayo, mali ang kung ano mang nangyayari sa ating dalawa."
"Ofcourse, I am always a mistake." matigas na bigkas nito sa mga salitang iyon. Bakas ang pagtulo ng luha sa mata nito. Nais ko iyong punasan ngunit pinigil ko dahil mali.
"Palagi ba talagang ipapangalandakan ninyo sa akin na Caleb is always better than me?! He can get whatever he fckin wants but I can't. I just need someone to love me too! Oo siguro mali nga na ikaw ang mahal ko dahil girlfriend ka niya, but do I also deserve this kind of pain?! I feel so unwanted."
"No, but we can still make it right Dylan, we need to stop seeing each other and forget--"
"That's the least thing I can do. Sa lahat ng saglit na sandaling kasama kita masaya ako! I always wanted to be happy Agatha. I always wanted to smile but I can't. Palagi nalang kulang, kulang sa atensyon ni Mom, kulang sa pagmamahal mula kay Dad. Kulang sa suporta mula sa kanila sa career na gusto ko. I am always the bad person but I just want someone to love me. The very first time I saw you I fell inlove. Nauna lang siya at kahit magkamali siya, panalo pa rin siya. Ako mananatiling mali at talo na lang lagi."
Kumuyom ang palad nito at agad na tinalikuran ako. Parang yinurakan ang puso ko. Ang sakit makita siyang nasasaktan. Sana maging maayos na ang lahat.
What should I do? Hindi ko na din alam. I know deep inside my heart may nararamdaman akong hindi tama para kay Dylan. Pero Caleb is my boyfriend and they are twins at hindi ko dapat tuluyang sirain yon. I should stick with my boyfriend and fix our relationship. Because that's the right thing. I really hope that it's the right thing to do.
Tuluyan na akong pumasok sa bahay. Sinalubong ako ng kapatid ko na umiiyak.
"Buti na lang umuwi kana ate. Hindi po ako marunong magluto, namimiss ko na yung luto mo." Yinakap ko ito at saka hinalikan sa noo.
"Huwag kang mag-alala ipagluluto ko kayo agad okay?" Mabilis itong tumango. Lumapit ako kay mama at nagmano dito saka ko ito hinalikan sa noo. Maliit na ngiti ang sukli nito sa akin.
"Mabuti naman at nakauwi kana sa wakas, nag-alala ako sayo. Malapit kana din makapagtapos kaya iniisip ko din lahat ng sakripisyo mo para dito. S-Sandali-- ano iyan?" Tanong nito sa bahagyang pasa sa leeg ko. Napayuko ako.
"M-Mama wala lang po ito."
"Si Caleb ba ang may gawa niyan?" Hindi ko kayang magsinungaling sa aking ina.
"Mama... kasalanan ko din naman--"
"Nakausap ko si Dylan iha... wala kang kasalanan. Inamin niya na sinubukan niyang agawin ka at hindi mo iyon nagustuhan pero ang pagkikita ninyo na hindi alam ni Caleb ang naging sanhi sa pag-aaway ninyo kaya ka niya inilayo. Pero anak, mali man si Dylan naiintindihan ko siya. Mahal ka niya anak, naghahanap siya ng pagmamahal. Malungkot siya anak, nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot at pangugulila. Alam mo ba na kahit minsan ay hindi kami nakapag-usap ng ganon katagal ng nobyo mo?" Tumango ako, alam ko naman na madalang silang mag-usap ngunit sa tingin ko ay nahihiya lamang si Caleb kay Mama.
"Wala akong papanigan sa kanilang dalawa, malaki ka na at may sarili ka ng desisyon. Pero sana lamang ay piliin mo ang nararamdaman ng puso mo. Mali man sa tingin ng iba magiging tama iyon kapag puso mo na ang nagdikta. Puso mo ang nakakaalam. Huwag mong pahirapan ang sarili mo anak alam ko na mahirap, pero pasasaan pa at magiging maligaya ka din at magiging maayos din ang lahat."
"Sana nga mama, pero nais ko pong ayusin ang lahat. Kahit pa siguro may nararamdaman ako para sa kanya ay mananatili pa din ang pagmamahal ko kay Caleb. Hanggat maaga pa ay aayusin ko na." Tumango ito.
"Nasayo ang desisyon anak, pero kung ako ang papipiliin.." Bumuntong hininga ito.
"Hay kalimutan mo na anak, basta ikaw naman ang makikisama pero sana lamang ay huwag ng ulitin pa ito ni Caleb. Sobra ang pag-aalala ko, oo siguro nga na nagkamali kayo pero hindi ko nais ang ginawa niya. Mas maganda kung paguusapan ninyo ng maayos kesa ilalayo ka niya ng basta basta. Paano kung napahamak kayo hindi ba?" Tumango ako at hinalikan ito sa pisnge.
"Mag-uusap po kami, ipagluluto ko po kayo kahit late dinner na"
"Sige anak, puro sardinas lang ang kinakain namin at yung tindang kanin dyan sa labas eh." Bahagya akong ngumiti.
"Nandito na po ako at ipagluluto ko na po kayo palagi."
Pumunta na ako sa maliit naming kusina at napabuntong hininga. Mabuti na lamang at may galunggong dito ipriprito ko na lang.
I am finally home but I know hindi pa dito matatapos ang lahat.
--
Comment po kayo. Pasensya na at madaming maling grammar. Hehe salamat sa pag-basa! ❤️
BINABASA MO ANG
Chasing You
Romance"Even if you run away from me i would'nt get tired chasing you..." (SEQUEL OF YOU'RE A DEVIL) --- This Time anak naman nila Damon and Shella ang protagonist, mamahalin niyo rin kaya siya kagaya ng pagmamahal niyo kay Damon Martini? Let's see.. If y...