Ako Lang

255 7 1
                                    

Chapter 32

Dylan's POV

Napagdesisyonan ko na magpunta sa university ni Agatha, wala akong pake magkita man kami ni Caleb, I don't care.

Gusto kong makita si Agatha ngayon. No scratch that, I want to see her everyday at gagawin ko ang lahat para matupad yon.

Mag-iisang oras akong nag-aantay sa labas ng university nila. Yun ay dahil hindi ko naman alam kung anong schedule niya. Maraming estudyante na ang lumalabas, alas singko na at mag-aalas quatro ako ng dumating dito.

Hinihiling na sana ay nandito pa siya, nagmorning shift ako sa photoshoot para mapuntahan siya at hinapon na ako matapos kaya mag-aalas quatro na ng dumating ako.

Hindi bale pupuntahan ko siya sa kanila ng alas syete. Magiintay ako dito kahit na abutin ako ng alas syete atleast sigurado ako na wala na siya dito sa university non.

Pero swerte pa din kung nandito siya para maranasan ko rin na maihatid siya pauwi. Kahit na patago lang, kahit sa malayo lang.

Ilang minuto lang ay nakita ko na siyang papalabas ng front gate. Napakaganda talaga ng mukha niya. Ang sarap titigan, wala akong ginawa kagabi kung hindi yakapin ang unan ko kagabi at iimagine na siya iyon.

Napangisi ako pero agad na naglaho iyon ng may nakita akong tumatakbo at hinahabol siya.

Halata sa mukha nito ang inis habang nakasunod dito ang g^gong Caleb na iyon na namumutla. Mukhang nag-away pa sila. Letcheng Caleb na ito, sinisira ang araw ng taong mahal ko. Attension seeker kasi ang hayop nakukuha na nga ang lahat ng gusto niya demanding pa din ata.

Unti unting bumalik ang ngisi sa mukha ko sa isipang posibleng nag-aaway sila.

Bahagya akong nagtago habang sumusunod sa kanilang dalawa ng palihim. Nais ko na marinig ang pag-uusapan nilang dalawa. Panigurado na matutuwa ako sa maririnig ko. Mukhang ilang away na lamang ay maghihiwalay na sila.

"Tell me Agatha, sinabi mo na ba sa kanyang gusto mo siya?! Siguro sinabi mo na noh? Ang lakas lakas ng loob ng g^gong iyon eh! Anong pinagusapan niyong dalawa ha? Akala ko ba ay lalayuan mo na siya?! Ang g^gong yon napakalakas ng loob! Tignan mo ang mukha ko oh." Puno ng pagmamakaawang tinig nito at tila nanghihingi ng simpatya.

Sino kaya ang mas pathetic sa ating dalawa ngayon Caleb?

Agad na nanlaki ang mata ko ng marealize ko ang panghihimutok nito...

What did he say?

She likes me?

Agatha likes me?

Biglang parang tumigil ang buong paligid ko. Nabingi na ba ako o talagang narinig ko na sinabi niya iyon?

"Sinabi mo sa akin na lalayuan mo na din siya hindi ba? Bakit pinapasok mo siya sa bahay niyo?!"

"Bakit ka nandoon sa bahay namin ng ganong oras Caleb? Tinapos ko na ang relasyon nating dalawa, tama na Caleb huwag mong gawin sa sarili mo to, you deserve someone bette--"

"Enough! Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na ikaw lang--"

"Nag-usap na tayo, ayoko na Caleb... paulit ulit na lang."

He knew that Agatha likes me? AT ANO?! hiwalay na silang dalawa? Bakit sinabi niya na sila pa? Talaga ngang g^go talaga, kaya naman pala takot na takot siya at sinugod niya ako sa bahay.

Agad akong napangisi...

You like me Agatha, buy why the fck are you distancing yourself away from me? Sa tingin mo ay hahayaan kita? Hindi. Hinding hindi ako papayag, kahit ilang beses ka pang lumayo, hahabulin kita kahit mag-mukha akong aso na hinahabol ang amo kahit na pilit itong inililigaw babalik at babalik ako sa tabi mo.

Lalo na ngayong nalaman ko na ako ang nararamdaman mo sa akin. Kahit simpleng pagkagusto lang yan, sapat na yon.

Matagal ko na pinangarap ang sandaling ito, hinding hindi ko hahayaang makawala ka pa sa akin. Hindi mawawala ang pagkagusto mo sa akin Agatha. I will make sure na mas lalalim pa doon ang mamamagitan sa ating dalawa.

Lihim ko silang sinundan at kahit anong pilit ni Caleb na ihatid si Agatha ay hindi ito pumayag. Nagmartsa sa inis si Caleb at nagtungo sa parking lot. Agad akong tumakbo palapit kay Agatha at hinuli ang kanang kamay nito.

Agad na napalingon si Agatha at nanlaki ang mata.

So cute.

"Hi pretty lady! Kamusta ka?" Nakangiting ani ko. Nakita ko ang bahagyang pagpula ng pisngi nito na siyang lihim kong kinangisi.

Pinisil ko ang kamay nito at hinuli ng isa kong kamay ang kaliwang kamay nito at saka ko dahan dahang inakyat at hinaplos paakyat at pababa ang kamay ko sa kaliwang braso nito. Walang ginawa si Agatha kung hindi ang lumunok.

Good, surrender your self to me Agatha.

"Do you wanna drink some coffee with me?" Kinindatan ko ito. Agad na nanlaki ang mata nito at nagpumiglas sa akin pero hindi ko hinayaan.

"You will come with me, whether you like it or not."

"I won't Dylan! Buo na ang desisyon ko, lalayuan na kita. Kaya sana ganon ka din." Kahit anong tago at iwas nito ng tingin ay hinuhuli ko yon at mas hinigpitan ko pa ang hawak dito.

"Bakit ko gagawin yon?" Mapanuksong tumawa pa ako at mas inilapit ko pa ang sarili ko dito.

"Miss ko na labi mo, paano na yan?" Nakangiting ani ko. Agad na namula lalo ang pisngi nito.

Agad kong idinampi ang labi ko, hindi siya nakagalaw agad kaya mas pinalalim ko pa iyon. Pinasadahan ng dila ko ang pang-ibabang labi nito. Asking for entrance, sinipsip ko ang pangibabang labi nito at bahagyang kinagat nagpupumiglas ito pero kalaunan ay hindi na din lumaban pa.

Sumagot na din ito sa halik ko at punong puno ng kagalakan ang puso ko. Kahalikan ko muli ang taong hinihiling ko.

Ibibigay ko ang lahat, kahit sino. Huwag lang siya. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko na siyang kinakalas naming dalawa. Agad itong napaatras. Tinitigan nito ang mukha ko.

"D-Dylan."

"Mahal kita Agatha, mahal na mahal."

Agad ko itong hinila muli at muling hinalikan, agad nitong sinagot ang halik ko. Mababaw pero ramdam ko ang pagmamahal.

I feel so loved, i feel so complete. Finally.

"I know you like me, please let's end the chase. Pick me up instead love me Agatha, don't run away from me." Agad na itinulak ako nito.

Bakit ba pilit mo akong itinutulak palayo Agatha? I know you like me already, but why are you still pushing me away? Dahil ba ayaw mo masaktan siya? So ano ito? Ako na ang gusto mo pero handa kang masaktan ako basta huwag lang siya? Nakipaghiwalay ka sa kanya pero hawak ka pa din niya?

"We can't." Iling nito

"We can." Pagdidiin ko.

Hindi, ako naman Agatha, ako lang.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon