Alone

210 8 0
                                    

Chapter 40

Agatha's POV

Hindi naging madali ang sumunod na mga araw, hindi maiiwasan na magkita kami ni Caleb pero pilit na lumalayo ako rito batid ko ang galit sa mga tingin nito pero kapag nakikita na nito si Dylan ay kita ko ang lungkot sa mga mata niya, hindi ko magawang tignan ng matagal ang mukha niya dahil nakokonsensya ako. Hatid sundo ako palagi ni Dylan at patuloy naming pinapagtibay ang tiwala sa isa't isa, lahat makakaya ko basta magkasama kaming dalawang lalaban.

Kakatapos lang ng huling final exam namin ngayong araw. Medyo malapit na ding magumpisa ang internship namin. Magsisimula na din akong magtrabaho ng part time kila madam bukas, napag-usapan na din namin ang schedule ko sa shoot tuwing magiinternship ako sa isang buwan. Hindi magiging madali ngunit kakayanin.

Agad na nagtipa ako ng mensahe kay Dylan ngunit ilang mensahe na ang pinadala ko ay hindi pa din ito nagrereply sa akin. Ngayon lamang ito nahuli ng pagdating sa university para sunduin ako.

Magdadalawang oras na ngunit hindi ito sumasagot kaya labis na nag-aalala na ako rito.

To: Dylan
Dylan nasaan ka na ba? Nag-aalala ako sayo, please sumagot ka.

Agad na sinubukan ko muling tawagan ito dahil ilang beses din na nagriring lamang iyon. Sana ay sumagot na ito dahil alalang alala na ako rito. Hindi naman ito nagtatagal sa pagsundo sa akin ng ganito, saka lagi naman itong nagmemessage sa akin kaya't hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano ano.

Labis na gumaan ang pakiramdam ko ng sumagot na ito.

"Dylan! Nag-aalala ako sayo, kanina ka pa hindi sumasagot." Nabubuhayang tinig ko. Matagal bago may magsalita sa kabilang linya.

"We are busy." Tinig ng isang babae ang narinig ko. Babae?

"Sino ito?" Lakas loob na tanong ko, agad na binalot ng kaba ang puso ko, isang mahinang hagikhik ang narinig ko mula sa kabilang linya.

"Oh Agatha, this is Ellie ibaba ko na ito busy pa kami ni Dylan eh." Napahigpit ang kapit ko sa cellphone at bago pa ako makapagsalita ay naputol na ang tawag.

Buong kaba akong sumakay ng taxi papunta sa bahay ni Dylan. Hindi ako mapalagay sa kakaisip na may namamagitan nga sa kanila.

Ang pagpunta ni Ellie sa bahay ni Dylan ng ganon ganon na lang noon, ang pagluluto nito ng pagkain kay Dylan, ang kaalaman nito sa schedule ng trabaho ni Dylan, ang kasiyahang nakita ko sa mukha ni Dylan ng magkasama sila sa grocery noon at kung ano ano pang bagay na pilit kong iwinawaksi kahit na mahirap.

Sino ka ba kasi talaga Ellie? Sino ba siya sa buhay ni Dylan?

Walang patid sa malakas na pagtibok ang puso ko ng makarating ako sa bahay ni Dylan, agad na bumaba ako ng taxi at nanginginig ang tuhod ko papunta sa pintuan nito.

Palaisipan sa akin kung kakatok ba ako o bubuksan ko na lamang bigla ang pinto.

Mabilis na kumatok ako sa pinto ngunit ng pangalawang katok ko ay napansin kong hindi pala nakalapat ng sara ang pinto.

Madilim sa kalooban ng bahay. Pero naagaw ng pansin ko ang sofa ni Dylan dahil may dalawang tao na naroon. Nakahiga si Dylan sa sofa habang nakaupo naman si Ellie sa tiyan ni Dylan.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon