Dylan Martini

5.1K 126 6
                                    

Chapter 2

Dylan Martini's Pov

"Hi Handsome! Can I join you?" Napairap ako sa kawalan

T*ngina! Pang 15 na siya ah?! Hindi ba sila titigil?! Nagpunta ako sa bar para uminom hindi para makipaglandian!

"Sure" I smirk at the back of my mind

"Really?! Sabi na eh! Ako ang magugustuhan mo sa lahat ng nag--"

"Sure... Kung gusto mo ng mamatay, umupo ka, pero kung ayaw mo? Run!" Namutla ito at mabilis na tumakbo

"Madapa ka sana tsk istorbo!" Binatukan ako ng kung sino kaya nilingon ko ito ng may masamang tingin pero kinagulat kong si Joe lang pala iyon.

My bestfriend and para na kaming magkapatid. Siya lamang ang itinuturing at ituturing kong kapatid.

"Para saan yun?! ikaw na nga yung late oh!" Napatawa ito sa akin.

"May tinakot ka nanaman kasing babae eh, You deserve it" Sinuntok ko ito pero hindi malakas para mapatumba siya, sapat lang naman para umaray siya.

"G*go ang sakit non ah!" Ngumise lamang ako dito.

"She deserves it. Malandi siya eh" Umupo siya sa tabi ko at may inabot saking susi.

"Ano naman to?"

"Obvious ba? edi susi!" Tsk

"I mean aanhin ko naman to?" Naiinis kong tanong

"Pangbukas ng lock-- Joke lang pare eto naman!" Gustuhin ko mang matawa sa reaksyon niya ng aambaan ko ng suntok pero di ko magawa. Hindi ako nasanay tumawa o ngumite. Ngumise lang ang alam ko. I can't laugh and smile genuinely.

"Alam kong umalis ka ng bahay mo. Tinawagan ako ni Caleb kung nasan ka daw dahil naglayas ka daw at bilang kakampi mo at kabisado na kita sabi ko hindi ko alam at kung alam ko, hindi ko din sasabihin, ang angas ko diba?" Napairap ako saka ngumise lokong to. Kakampi ko talaga.

"Oh, alam mo naman na papunta sa bahay ko" Oo sa kanya yun, yung bunga ng dugo't pawis niya sa trabaho, pero ibinigay na niya sakin. Inabot nito sakin ang susi, kinuha ko ito at itinago sa bulsa ko saka ko kinuha ang maleta ko

"Ge, alis na ako" Tumalikod na ako dito pero agad din akong humarap pabalik ng maalala kong naubos ko pala yung pero ko sa kakainom, hindi ko pa nadala ang kotse ko. Pero wala na kong balak bumalik ng bahay. I need a cab, saka pang kain tsk.

Nilingon ko si Joe na kasalukuyang nakanguso

"Problema mo?" tanong ko dito pero lalo lamang itong ngumuso sa naging pag tanong ko.

"Wala man lang thank you?" Inirapan ko ito at inilingan.

"Wala! Penge ngang 1 thousand, wala na akong pera" dumukot ito agad sa wallet niya sabay kuha ng 10 thousand. Aba ang galante niya ngayon ah? Isinoli ko ang sobra pero ayaw niya namang tanggpin pabalik.

"Babayaran kita sa sweldo ko--" Umiling ito at saka ngumiti.

"Kulang pa nga yan eh, Saka okay lang kahit wag na ang mahalaga kumain ka sa oras ha! Ingatan mo ang sarili mo... Aalis nako ng bansa bukas g*go ka!" Ngumise ako dito at tinapik ang balikat nito

Oo nga pala. I almost forgot he's getting married at bukas na ang flight nito papuntang Germany, dahil German yung mapapangasawa niya, gusto nito na sa Germany na din manirahan si Joe kasama nito.

"Iingatan ko yung bahay mo wag ka mag-alala!" Napatawa ito

"Yun lang talaga ang sasabihin mo--"

"T-Thank you... bro" Ngumiti ito saka ako niyakap, pinipilit kong kumalas dito pero ayaw niya. Napabuntong hininga na lamang ako. Kulit talaga.

"I will miss you bro" He's like my brother. A kuya that i can always lean on.

"I will miss you too, wala nakong masusuntok--- Joke, bye! hindi na kita ihahatid pa sa airport kasi alam kong ayaw mo" Ngumiti ito at saka tumango.

Baka daw kasi hindi niya ako maiwan. Ako lang kasi ang tinuturing niyang pamilya. Lolo na lamang nito ang kasama nito but sadly namatay na ito last year. Ang mga magulang naman nito ay may sariling ng mga pamilya.

Kaya sa sampung taon naming mag-kaibigan itinuring na naming magkapatid ang isa't isa. Were brothers at hindi ko iyon maipagpapalit sa kahit ano o kanino, maging sa totoong ko pang kapatid na mangaagaw naman ng lahat.

"Bye" Paalam ko kay Joe at tumango na lamang ito

__
Dalian nakong lumabas ng bar, F*ck! Alos dos na pala ng ng madaling araw

"Sa ******* " Sabi ko sa driver ng taxi

Andami kong nainom. Nahihilo nako.

Ilang sandali lang ay narating na namin ang bahay i handed the driver 500 pesos he said thank you at tumango lamang ako rito.

"HAY! MAKAKAHINGA NA DIN" napabagsak ako sa higaan at nakaramdam ng pagbigat ng mata ilang sandali lang ay nilamon nako ng antok at

Napaginipan ko muli, ang sitwasyon ng una naming pagkikita...

"Maganda sa america anak, magugustuhan mo dun" I was 16 that time and she wants me to be in America para doon ituloy ang career na gusto ko. Nalalapit na ang kaarawan ko at mukhang mag-isa nanaman ako.

Alam ko naman na ayaw niyo lang akong makasama pa may kung ano ano pa kayong sinasabi! i want to scream, Gusto kong isigaw yun sa kanila pero hindi ko ginawa

I still need them. Saka na ako manunumbat kapag kaya ko nang magbanat ng buto. Magtrabaho.

Flight ko na mamaya at ang kailangan ko lang gawin ay magtiis na kasama sila.

"MAAA!" Caleb is half running to meet Mom na nakatabi sakin

Tsk

"I want you to meet her..." Pumasok ang isang maganda at simpleng babae ngunit mukhang palaban. She captivates my heart kaya napatayo ako at hindi ko alam kung bakit pero ang lakas ng tibok ng puso ko at nagustuhan ko yun.

Nginitan ko ito kaya nagulat Si Mom

"Hi, May i know your name?" Ngumiti ito ng malapad

"Beb! Kamukhang kamukha mo siya" sabi nito kay Caleb, Beb huh? Napairap ako

"Beb naman syempre kambal kami hahaha Mom, Kuya, Dad meet Agatha Samonte. She's my girl now." Napangiti si Mom

"Wow anak, Bagay na bagay--" Pumasok ako ng kwarto at pabalibag na isinara ang pinto. Hindi ako handang marinig kung ano pang ibang sasabihin nila.

TNGINA ANO BA TONG NARARADAMAN KO?! Bakit pakiramdam ko naagawan nanaman niya ako?! Is it wrong?

No its not! Talaga namang mangaagaw siya. Babalik ako, at humanda ka sakin...

give me 4 years at kapag kaya ko ng wala sila babalikan kita...

Maybe he can take Mom and Dad away from me pero sisiguraduhin ko na ikaw? Hinding hindi ka niya makukuha ng tuluyan. Magiging akin ka. I will keep on Chasing You hanggang sa hindi mo na ako kaya akong takasan.

You will be Mine..

Napamulat ako at bigla akong napabangon napaginipan ko nanaman siya...

Agatha, Agatha Samonte

/Edited: April 29, 2020/

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon