Final Chapter

354 7 0
                                    


I am deeply sorry for making you all wait this long. To tell you guys honestly, i lost connection with writing. My burning passion when I started writing was gone. Sorry it took me years to finish this story. Mula ng nawala yung drive and passion ko sa pagsulat nasabay pa ang pagkabusy nawalan na ako ng motivation ituloy. Wala ng ideas na pumasok sa isip ko.

Marami sa inyo ang tumigil na sa paghihintay alam ko at naiintindihan ko gayunpaman ay salamat. Sobrang salamat at patawad sa pagkukulang ko. Sa mga naghintay lubos puso akong nagpapasalamat dahil nagawa niyong maghintay kahit walang kasiguraduhan, salamat sa inyong lahat at patawad kung sakali man na hindi ko natapos ito ng higit sa expectation niyo. Dahil ako rin naman ay nakulangan ngunit ang storya nila Agatha at Dylan ay kailangan ng wakasan. Ngunit hindi ito dito matatapos dahil sana'y manatili ito sa inyo at sa inyong mga imahinasyon. Mahal ko kayo, and I'm sorry for dissapointing you guys. ❤️

_

AGATHA's POV

As the water enveloped my body, naramdaman ko din ang mahigpit na yakap ni Dylan. Hinalikan nito ng magaang ang aking balikat.

"Baby, ano bang bumabagabag sayo?" May lambing na tanong sa akin ni Dylan.

"Nothing, masaya lang ako sobrang saya ko." Hinalikan nito ang batok ko at marahang inikot ako paharap sa kanya.

"Come with me baby." Nanlaki ang mata ko sa nakikita kong kinang ng mga mata nito.

"Saan tayo pupunta?"

"You need to change." Nagtataka ang aking mga mata kaya ito napatawa sa reaksyon ko.

"Just trust me." Kumindat ito saka ako mabilis na hinila, agad na binalot ako nito ng tuwalya at mabilis na pumalibot ang braso nito sa aking bewang. Mabilis ang lakad nito habang tila nagmamadaling dinala ako sa aming tinutuluyang kwarto.

Agad na bumungad sa akin ang isang white dress na nakapatong sa kama. Mabilis ako na napalingon kay Dylan na may matamis na ngiti sa akin.

"A-Ano to?"

Mabilis ngunit may haplos ng pagmamahal ang paghalik na ipinaramdam nito sa akin.

"I love you Agatha, kahit ano pa ang mangyari. Mamahalin at mamahalin pa rin kita. Hinding hindi ako mag-sasawang mahalin ka. Get dressed, may susundo sayo after an hour. I love you." Agad na bumaba ang halik nito sa aking engagement ring. Mabilis na pumatak ang luha ko na agad rin nitong pinahid.

"I will see you later." Hinalikan nito ang aking noo at may masayang mga ngiti na lumabas.

Tama ba yung naiisip ko? I don't wanna assume na ngayon iyon pero iba ang kabog ng dibdib ko. Agad akong napahilamos dahil namumula na ang mga mata ko sa pagluha, agad akong nagtungo sa shower para makapagbanlaw. Mabilis na blinowdry ko lamang ang buhok ko at simpleng bun lamang ang ginawa ko at nag light make up lang din ako. Huminga ako ng malalim at pinakatitigan ang mukha sa salamin.

Kung tama nga ang hinala ko, alam ko sa sarili ko na handa na ako. Hindi man ako naging handa noon ngayon... handang handa na ako. Marami ng naayos... ito na lang ang kulang.

Mabilis akong nagpalit ng damit.

Mabilis akong nagpalit ng damit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon