Abot kamay

3.9K 97 7
                                    

Chapter 3

Dylan's POV

Bigla akong napabangon sa aking higaan ng napaginipan ko nanaman siya.

Agatha Samonte... My Agatha

Agad kong inilapat ang kamay ko sa dibdib ko. Hindi ako makahinga, napakalakas ng pintig ng puso ko.

But I like what I am feeling. Ang sarap ng pakiramdam ko na malakas ang tibok ng puso ko para sa kanya. Para lamang sa kanya.

Muli akong nahiga at nangarap na sana ay mapaginipan ko muli siya. Palagi kong hinihiling na sana ay siya ang laging laman ng panaginip ko para naman kahit sa panaginip ay kapiling ko siya. Ang maganda at inosente niyang mukha. Ang Agatha ko.

Kinabukasan... Bumungad sakin ang liwanag na nagmumula sa bintana, napangise ako.

Sa wakas malaya na ako sa mga taong hindi ako pinahahalagahan.

*Kring Kring*

Joe's Calling? Tumatawag lang ito kapag may good news o kaya bad news ano kayang problema neto?

Agad ko itong sinagot

"Hello pre?"

"Yow!" Natatawang sabi nito sa kabilang linya

"Ano nasa Germany kana ba?" Alam kong nakangise ito ngayon

"Wala pa pre. Nasa layover pa lang kami. Hapon na dyan ha? Ngayon ka lang nagising no?"

"Nagpapahinga lang ako may trabaho pa kasi ako mamaya, so how was--"

"Tsk tsk tsk may hangover ka pa no? May good news ako" Good news?

"At ano naman yun?"

"Its about, Agatha" Tumawa muli ito. Agad na nanlaki ang mata ko at napatayo ako sa kinahihigaan ko

"Ha? What about her?!" Nagpaikoot ikot na ako sa kwarto. I can't stay still.

"She's your new model!" Napabangon ako muli at napatawa sa unang pagkakataon. A genuine laugh.

"Hahaha Wow... Really?! Really?! Oh God, Paano mo--"

"Easy! easy pre! Actually, kahapon ko pa nalaman. Nakita ko kasi siya kahapon na naghahanap ng work. Remember scholar siya? Kaya siguro sa personal na kailangan niya, Kaya---"

"Stop! Can you just please say it direct to the point?!"

"Hahaha okay! nakita ko silang nag-uusap ni boss. Tapos nagtatalon si madam so I got curious kaya lumapit ako. Kailangan niyo daw sa group niyo ng isa pang model kaya yun. Tapos nagmamadali din umuwi si Agatha kasi mukhang andami niya pang gagawin--"

"Bakit hindi mo sinabi agad sa akin kahapon?!"

"You were drunk baka anong gawin mo sa sobrang kasiyahan" Napangiti ako

"Abot kamay kona siya pre" Tinapik tapik ko ang dibdib ko "I can't breath!" Angil ko pero napatawa din ako

"Your laughing, pre kamiss naman yan hahaha"

"G*go! hahaha o pano? magpakasaya kana dyan"

"Of course! Magpapakasaya talaga kami dito. Paalala lang pre, dahan dahan baka mabigla ha? hahaha" Napangise ako

"G*go ka talaga hahaha bye." I ended the call at inayos ko na ang gamit ko para mamayang 8pm.

Fck! Im so excited!!!

Caleb's Pov

"You what?" sabi ko dito habang inaantay na ulitin nito ang sinabi nito sa akin. Napanguso ito

"Beb naman please?" Pangungumbinsi niya pa sa akin. Kumunot ang noo ko at napakamot na lamang ako sa kilay ko. Napabuntong hininga ako at napalunok.

"Ano? Nude photos ba yan?! DAMNIT! HINDING HINDI AKO PAPAYAG!" Natatawa itong umiling

"BALIW HINDI KO GAGAWIN YUN NOH! actually, about siya sa mga dress, gowns, make ups basta girl stuffs na para sa magazines! Anlaki kasi ng offer ni Madam sayang naman"

"Beb naman eh! Paano kung may magkagusto sayo dun? Problema ko nanaman yun ganon? Si kuya nga pinoproblema ko pa eh" Napanguso ito

"Ikaw lang ang mahal ko yun lang ang mahalaga beb" She hug me tight and kiss me on my lips. I will never get over with her lips. Never.

"I love you too" i kiss her once again

Hindi ko namalayan, na yun na pala ang simula ng lahat ng kinakatakutan ko...

Agatha Samonte's Pov

Inikot ko ang paningin ko sa kumpanya na pagtratrabahuhan ko bilang modelo

Matagal ko nang gustong maging model at makita sa mga magazines. Pumasok ako sa dressing room at agad akong sinalubong ng yakap ni Madam. Napangiti ako dahil napakabait talaga nito.

"God! buti nalang nandito kana! Ayusan na siya dalii" utos nito sa mga staffs ng studio.

"Try this dress miss" Agad kong isinuot ang dress na ibinigay sa akin

Backless ito at hanggang tuhod ko naman ang haba. Kulay red ito at medyo kita ang dibdib ko. Huminga ako ng malalim at lumabas ng banyo.

"You look Gorgeous! Oh my! Make up-an na siya please" Nagniningning ang mga mata ni Madam na nakatingin sa akin

Ilang sandali lang ay napanganga silang lahat

"Wala kabang lahi beh?" Sabi ng make up artist sa akin umiling ako at muling ngumiti sa kanya

"Just wait here okay? Maya maya susunod ka na" Tumango ako pagkalabas nila ay nagsilapitan din ang ibang modelo sa akin

"Ang ganda mo girl grabe" Salubong sakin ng blonde ang buhok

"Grabe, eh mas magaganda nga kayo" Napanguso ako at napahighikhik ang tatlo

"You're so cute!" Namumula sila habang nakatitig sa akin

"Miss Samonte? You're next" Katok ng tauhan sa labas

"Go girl!" Tumango ako at nagpasalamat sa co-model ko.

"Beb?" Nagulat ako ng si Caleb pala ang photographer ko

Lumpit ito sakin at inabot sakin ang kamay habang matindi ang pagkakatitig nito sa akin.

"Im Dylan, Caleb's Twin Brother" Namutawi ang kanyang ngisi

"Can you do me a favor?" Tanong nito at hindi pa binibitawan ang kamay ko

"Don't tell this to Caleb" Sabi nito saka marahang ngumiti

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at tumango na lamang ako. Pero ng magbalik ako sa huwisyo ay agad akong napabitaw sa kanya.

"Can we start?" tanong niya at hindi pa din binabago ang paraan ng pagtitig niya

Pagtitig na parang ginagayuma ako...

/Edited: April 30, 2020/

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon