Sweet Kiss

266 10 1
                                    

Chapter 30

Agatha's POV

"Ang sarap naman nitong luto mo ate! Sana lagi tayong may spaghetti." Nginitian ko lamang ito pero hindi na ako sumagot pa. Tila nakakahalata na din si Mama sa reaksyon ko pero ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon.

Sinubuan kong muli si Mama pero nanatiling tikom ang bibig nito.

"Ma--"

"Agatha, mag-usap nga tayo" Sinenyasan nito ang kapatid ko na iwan muna kami na kinatango naman nito kahit na halata ang pagtataka sa mukha nito.

Inayos ko ang kinainan namin at lumapit na akong muli kay Mama. Bumuntong hininga ito at pilit na inaabot ang kamay ko. Agad na hinawakan ko naman ang kamay nito na tuluyang nagbigay at nagparamdam sa akin ng kapayapaan.

"Ano ba ang bumabagabag sa iyo anak? Kanina ka pa tahimik diyan."

"Hindi ko na po kasi maintindihan ang sarili ko." I decided to tell her everything. Ayoko man na pag-isipin ito pero kilala ko ang Mama ko... gusto nito na maprotekthan ako, gusto nito na gumaan ang pakiramdam ko at nais nito na palagi akong magkwento sa kanya ng mga pinagdadaanan ko. May mga bagay akong hindi masabi sa kanya pero sa tingin ko isa ito sa mga panahon na kailangan ko si Mama.

"Anak, hayaan mong sundin ang puso mo. Minsan hindi dapat puro ang isip lang ang susundin, pakinggan mo din ang sinasabi ng puso mo." Umiling ako dito. Hindi pwede, hindi maaari.

"Ayokong makasakit Mama..." malungkot na ani ko.

"Parte iyon ng pagmamahal, nakakasakit tayo at pwede din naman na ikaw ang masasaktan. Hindi iyon puro butterflies at rainbow anak, hindi palaging ganon ang pagmamahal. May mga oras na dapat pakinggan mo ang sinasabi ng utak mo at may mga oras naman na puso mo ang pairalin mo."

"Mama... Buo na po sa isip ko na hindi ako mamimili sa kanilang dalawa, masasaktan ko po kasi sila pareho sinoman ang piliin ko. Si Dylan maaaring tuluyang mapapalayo ang loob sa kakambal niya kung si Caleb ang pipiliin ko, dahil iyon ang sa tingin ko noong tama, dahil siya ang karelasyon ko at nais ko na pagbayaran ang nagawa ko, pero mali pa din dahil hindi na gaya noon ang relasyon namin. Ayokong ikulong si Caleb sa relasyong alam kong nagbago na." Huminga ako ng malalim at nagpatuloy.

"... si Caleb nagkakaroon pa ng mas matinding galit sa kakambal niya kung tuluyan kong pipiliin si Dylan. Ayokong masira sila ng tuluyan. Ayokong dumating sa puntong makasira ako ng pamilya. Nakapag-usap po kami ni Tita Shella, ayaw po nito na masira pa sila... Ayokong maging dahilan non."

"Pero?" Tanong nito sa akin. Hindi ko alam kung itutuloy ko pang sabihin ang nasa sasaloobin ko pero nais ko na ilibas ang lahat.

"Pero nasasaktan po ako sa nakita ko... Si Dylan po masayang kasama ang isang babae. Masaya po ang tawa niya na bihira ko lang makita sa kanya kapag may mga kasama siyang iba... samantalang isinaksak ko naman na po sa puso at isip ko na magiging masaya ako para sa babaeng mamahalin niya." Malungkot ang ngiti sa akin ni Mama.

"Salamat anak at naging tapat ka sa akin. Hindi naman kasi porket isinaksak mo na sa isip at puso mo na magiging masaya ka sa kanya ganon na din ang mangyayari, anak dalawa lang yan... Kung gusto mong pangatawanan ang desisyon mong sa tingin mo ay yon ang magpapatahimik sa isip mo at hindi makakasira sa kanilang dalawa kalaunan ay magmove on ka na. Kahit na magiging mahirap ay umpisahan mo ng tanggapin na makakahanap at magiging masaya siya sa iba. Pero kung pipiliin mong maging masaya ang puso mo at pipili ka sa kanila, pumili ka kung sino talaga ang itinitibok niyan. Magalit man sayo ang buong mundo, nandito ako anak, hindi palaging tama ang desisyon natin anak. Pero iyon ang nagtuturo satin."

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon