Caleb-Dylan

830 18 3
                                        

Chapter 14

Agatha's POV

Malinaw na maririnig mo ang bulungan ng mga tao dito sa studio, at halos pare pareho lamang ang maririnig at masasagap mo mula sa mga lumalabas sa bibig nila

"Hala may kakambal pala si Dylan!"

"Wow! Dylan has a twin? Is he single?"

"Hala dalawa na ang gwapo dito!"

"He looks so good too!"

"Grabe ang gwapo pang-model!" kasabay ng kanilang tilian

"Kung kay Agatha na si Dylan, akin na yan. Mas type ko naman yan kasi mukhang mabait kaya lang parang galit?" Napayuko ako dahil sa narinig ko.

"Agatha" Matigas na bigkas nito sa akin na ngayon ay nasa harap ko na pala

Hindi niya ako tinawag na Beb... Galit siya at karapatan niya iyon. Sht ang tanga tanga ko!

"Anong ibig sabihin nito Agatha? Bakit kasama mo siya?" Matigas na tanong nito sakin seryosong seryoso ang matatalim nitong mata.

"S-Sa labas nalang tayo mag-usap B-Beb" Agad maririnig ang singhap ng mga staff na nakapaligid sa amin.

"Bakit pa?" Ngumise ito ng hindi umaabot sa mata at umatras ng magtangka akong lumapit.

H-Hindi. Hindi dapat ganito ang nangyayari. Hindi ko siya kayang saktan! Ang tanga tanga ko! Ang sama sama kong babae! Ang sama kong girlfriend nangako kami noon pa na walang sikretong dapat itago sa isa't isa pero pumayag ako sa kondisyon ng kapatid niyang huwag sabihin sa kanya.

Pumayag ako kahit na alam kong may problemang kinakaharap sila ng pamilya niya. Akala ko hindi yun makakagulo. Akala ko kapag hindi ko sinabi hindi niya malalaman. Mananatiling lihim kasi trabaho lang naman. Pero nagpakatanga ako at mali man ay nagkaroon ako ng pagkagusto sa kakambal niya!

Wala akong ginawang tama kung hindi puro lang mali, Sinira ko lang lalo ang relasyon nilang magkapatid. Ang relasyon namin sa apat taon. Lahat lahat! Ito na dapat ang huli pero bakit kailangan mangyari pa ito? Sinisingil na ba ako dahil kahit mali at pigilan ko may namagitan at may nararamdaman ako na hindi ko nais maramdaman sa kakambal niya?!

Nanatili akong nakayuko, hindi ako makahinga, hindi ako makapagsalita, kasi baka hindi ko makayanan at maiyak ako. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Kung pupwede lang maibalik ang oras, ang panahon. Kung pwede lang itama ang mga nagawa ko.

"Can't talk Agatha?" Mabangis na tanong nito sa akin. Ang sakit marinig na wala na ang matamis at malambing na pananalita nito.

"Buti nalang, buti nalang! napagkamalan niya akong si Dylan. Kung hindi, hindi ko pa malalaman" Matigas nitong salita na mukhang natatawa pa sa inis.

Si Madam ang itinutukoy niya.

"Iniisip ko pa naman na maghapon ka ng hindi kumakain kakatrahaho, iniisip ko pa na baka gutom kana kaya kailangan kong bumili ng makakain mo. BUTI NALANG nagkita kami dahil guess what? Ibibili niya rin kayo, dahil nga halos magdamag na DAW kayong nagtratrabaho. Buti binanggit niya ang pangalan mo. Buti binanggit niya ang pangalan mo at ni KUYA! buti nagpanggap ako na ako si kuya, kaya nalaman ko. Hindi mo naman sinabi sakin BEB na si KUYA pala ang kasama mo. Hindi mo din sakin nasabi na CLOSE pala kayo. Now I know." Tumalikod ito kasabay ng pagbagsak ng luha ko.

H-Hindi!

Hindi maari, hindi ko kayang mawala siya. Ang tanga tanga ko! Bakit hinayaan ko na mangyari ang lahat ng ito?

Hindi ko pa siya nakita na ganito kagalit. Dagdag na rin siguro yung hindi pa siya nakakatulog ng maayos. Kakahintay sa akin. Habang ako... sa oras ng pag-iintay niya. Sht. Nakipaghalikan ako sa kakambal niya. Kung pwede ko lang ipukpok ang ulo ko! Sht!

Hindi dapat ganito ang mangyari.

P-Pero

Hahabulin ko na dapat si Caleb ng maramdaman ko ang kamay ni Dylan sa braso ko.

"Dito ka lang" Kung si Caleb ay may matigas, seryoso, at matalas na boses at mata, si Dylan ay malumanay...

Mahina...

Isang bulong...

Na ako nalang ang nakakarinig.

"Huwag kang umalis" Dagdag pa nito hindi mahigpit ang pagpigil nito sa braso ko. Nababakas ko ang takot sa mga mata nito.

Unti unting tumibok ang puso ko sa abnormal na pagtibok kasabay ng bulungan ng mga staff sa studio ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Hindi Agatha. Naiisip mo lang yan! Huwag kang magpadala! Huwag mo ng sirain pa lalo ang lahat!

Nagpumiglas ako sa hawak nito umatras ako palayo rito.

"CALEB!!!" Sigaw ko, alam kong pumiyok pako, pinilit kong tumakbo kahit nahihirapan ako sa suot ko.

Nakita ko itong nakatayo sa harap ng kanyang sasakyan.

Mukhang kanina pa siya dito.

Tahimik...

Nakatayo lang.

"Caleb please, please let me explai--"

"Kalimutan na natin to, kunwari walang nangyari" Bigla itong humarap sa akin at lumapit. How dare me to hurt this man? Yung taong walang ibang ginawa kung hindi mahalin at alagaan ako?!

Pumatak ang luha nito. Parang sinaksak ng daan daang kutsilyo ang puso ko. Hindi ko siya kayang makita umiyak. I am so stupid. So fcking stupid to make him cry.

"Natatakot ako. Natatakot ako beb, nagflashback sakin yung sinabi niya na kukunin niya ang nagpapasaya sakin. ALAM MONG IKAW YUN! AKO LANG HINDI BA?! BAKIT HINDI KA SUMASAGOT??!!!" Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko.

"Alam mo ba kung gano kasakit beb?! ALAM MO BA KUNG GANO KASAKIT MAKITANG MAGKALAPIT KAYO?! KUNG PANO KAYO NAGKAKASAMA SA ARAW ARAW?! NAKAKABALIW ISIPIN! HINDI KONA ALAM-" Pinutol ko ang sinasabi nito sa pagyakap dito.

"H-Hindi kita iiwan, umalis na tayo dito, umuwi na tayo. Beb" Unti unti kong naramdaman ang paghigpit ng yakap nito sa aking bewang.

Ito ang pinili ko

Ito ang dapat kong gawin

Si Caleb dapat hindi si Dylan

Si Caleb lang

Siya lang dapat

/Edited: May 5,2020/

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon