Ready

184 4 0
                                    

Chapter 51

Agatha's POV

Kasalukuyan kaming nasa meeting para sa itatayong tulay. Isa si Caleb sa kasama kong engineer... mahigit dalawang taon na din pala ang lumipas. Our lives have changed. Marami na agad ang mga nangyari.

Mag-aalasinco ng inaya ako ng mga katrabaho kong lumabas. Wala na akong nagawa kung hindi sumama dahil nakakahiya namang humindi. Madalas na din kasi akong tumanggi sa kanila kaya nagdesisyon na akong sumama sa kanila tutal ay wala naman akong gagawin pagkatapos ng duty ko.

"Engineer Samonte naman! kahit ngayon lang?" Nakangising pangungumbinsi nito.

"Alright!" Natatawang aniko. "Pero! Architect Fernandez, hindi niyo ako mapapainom ha?" Mabilis na tumango ito kaya napatawa kami pareho pero natigil kami ng may makisabay ng tawa sa amin.

"Tignan natin." Pang-iinis na anito kaya agad na sini ko ito at pinandilatan.

"Shut up Martini. Alak nga ang apelyido mo hindi mo naman kinakaya uminom." Sinamaan ako nito ng tingin saka kinurot sa pisngi.

"Who told you that?! Kaya ko--" Pinutol ni Architect ang sasabihin pa nito.

"Wala kang maloloko sa amin Engineer! Lalo na nung umiyak ka habang sinisigaw ang pangalang El--" Umaktong nasusuka si Caleb sa tinuran ni Archi, kaya napahalakhak ako. Nagkunwari akong nagdial sa cellphone ko para inisin ang lalaking ito na nakikipaghabulan na kay Archi.

"Ellie! May gagawin ka ba mamaya? oh! May date ka... hala nakakaistorbo ata ako... okay... i will call you later." Lihim na napangisi ako dahil nakita ko na nakatingin ito, umakto akong papatayin na ang tawag dahil tiila naghihintay pa ito, pero kalaunan ay umirap din naman.

"Oh? hindi ka binanggit ni Ellie huwag kang--" Kinurot muli nito ang pisngi ko.

"Wala akong pakialam sa babaeng yan!" Nagmamadali itong nagwalk out kaya napatawa ako, kunwari pa! Hindi ko alam kung paano nagsimula, basta na lang dama ko na mayroon ngang namamagitan sa kanilang dalawa, kahit ano pang tanggi nila, lalong lalo na si Caleb.

"Hayaan mo na nga  yon baka iiyak nanaman." Ani ni Archi kaya napatawa ako.

"Oh paano? message ko na lang kung saan mga 9 pm ha?" Tumango ako kaya ngumiti ito at nauna na ding umalis.

Caleb and I become really great friends, madaming bagay kaming napagkakasunduan. He was my ex but we don't feel any awkwardness whenever we are together. We are just full of laughters and genuine friendship. Ellie and I became friends too. Bumalik ito sa pilipinas last year at agad ako nitong binisita sa apartment ko. Hindi ko alam kung paanong nangyari basta bigla na lang kami natawa habang nag-uusap at mabilis na nagkapatawaran. I also remembered how it broke my heart nung umiyak siya sa akin kakasorry. I can feel na nagsisi siya at natuto siya sa kamalian niya. I am happy that we became friends kahit na nag-umpisa kami sa hindi magandang simula.

Regular kong binibisita sina Tita Shella at Tito Damon kada weekends at minsan naman ay sila pa ang dumadayo sa amin. Masaya ako dahil parang lalong lumaki pa ang pamilya ko. Joe, called me and we talked, nakausap ko na rin ang asawa nito. I can see why Dylan treated him as a brother slash best friend. He is cool, and mature. He treats Dylan like a family. He always helped Dylan and I am very grateful to him.

I am now a licensed engineer, who would've thought? I successfully reached my dream. I worked really hard for this. Walang gabi akong natulog ng hindi naghahanda para sa board, habang tuloy tuloy ang photo-shoots ko kila Madam. It was hard and draining but it kept me busy and motivated. Damang dama ko rin ang ligaya sa mga mata ni Mama at bunso. Dahil hindi na kayang dumalo ni Mama sa graduation ko, si Tita Shella at bunso ang nakapunta. Vinideo namin iyon para may remembrance ako at para na din may ipakita kay Mama.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon