Date

257 10 2
                                    

Chapter 33

Dylan's POV

"We can."

Napatitig ito sa mga mata ko, bakas ang pagaalinlangan. Mas inilapit ko pa ang sarili ko rito at saka ko pinaglapat ang aming noo.

"Listen Agatha, narinig ko ang pinag-usapan niyong dalawa kanina lang ni Caleb." Nagtataka ang mata nito at napabuntong hininga.

"I know you like me, sumugal ka kasama ako. alam ko na natatakot kang masaktan si Caleb, pero Agatha... paano naman ako? Paano tayo? Huwag mong pigilan ang nararamdaman mo, let's take risk. I promise to not break your heart."

Pumikit ito ng mariin at pagdilat ng magagandang mata nito ay unti unting namuo ang luha nito.

"Galit ako sa sarili ko Dylan, I cheated on him. Gustong gusto din kitang sisihin, gaya ng nararamdaman ko nung una pero Dylan hindi ko magawa. Pakiramdam ko ako lang ang may kasalanan kasi hinayaan ko. Yung halik namagitan sa atin noon sa photoshoot, yung pakiramdam na naramdaman ko noon, kahit na sa mahabang relasyon namin ni Caleb hindi ko iyon naramdaman. Kaya galit na galit ako sa sarili ko. Walang ibang ginawa si Caleb kung hindi mahalin ako, alagaan at protektahan pero pumayag ako na halikan ka and worst nagustuhan ko pa iyon."

Huminga ito ng malalim at nagsipagunahan sa pagtulo ang luha nito, binalak kong patuyuin iyon gamit ang mga palad ko, pero bago ko pa maituloy ay pinigil na ako nito.

"Mali lahat Dylan, at ang naisip kong tamang gawin noon ay ang ipagpatuloy ang relasyon naming dalawa. Pero mali nanaman, dahil kalaunan ay narealize ko din na kung patuloy namin itutuloy ang relasyon naming dalawa ay patuloy ko lang siyang masasaktan. Dahil ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi na gaya noon, pag pinagpatuloy pa naming dalawa ay baka mas masira lamang kami lalo. He deserve someone na buong buo ang pagmamahal sa kanya, yung hindi siya makakaramdam ng kakulangan, so I broke up with him."

Kumalas ito at bahagyang umatras. Pinahid ang sariling luha at tumitig ng mariin sa mga mata ko.

"Lalo ko siyang nasaktan dahil doon, lalo na at pinili ko na maging tapat sa kanya at sabihin na nagkagusto ako sayo. Nasaktan ko siya dahil nagustuhan ko ang kakambal niya. Dylan hindi ko nais na maramdaman niya yon. Kaya pilit akong lumalayo saiyo pero hindi lang dahil ayoko siyang masaktan yun ay dahil ayoko na ng gulo. Lumalayo ako sayo Dylan dahil aminin man natin o hindi nagsimula tayo sa mali, alam natin pareho na mali. You deserve someone na hindi takot na mahalin at ipaglaban ka. Ayoko na masira pa kayong magkapatid lalo. Dylan... isipin mo na lamang na naging panandaliang parte ako ng buhay niyo. Nasaktan at nasasaktan ko kayo pareho. Ayoko na pumili ng isa sa inyo, tama na ang kakapalan ko."

Mabilis na umiling ako at kinulong ng mga palad ko ang mukha nito. Muling pinaglapat ang aming noo.

"Agatha, I understand, naiintindihan ko kung bakit mo ito ginagawa. I know na gusto mong lumayo para hindi na maging magulo pero Agatha, subukan lang muna natin. Agatha kahit patago. Gusto ko rin naman maranasan na mahalin mo, ito na yun Agatha eh, gusto mo na ako... matagal ko na hinihiling ito. I understand na ayaw mo siyang masaktan pero paano naman tayo? I understand na ayaw mo ng gulo pero Agatha, ganoon naman ang buhay diba? We commit mistakes, we made choices, pero basta masaya naman tayo sa huli hindi ba? Hindi kita papabayaan... risk with me Agatha... ako naman ang isipin mo... tayo lang."

Muli kong pinaglapat ang labi naming dalawa, naghihintay na sana ay tugunan niya. Ilang saglit ang lumipas ay sinagot na nito ang mga halik ko. Unti unti akong kumalas.

"Can we?" Tanong ko rito, bakas pa din ang pag-aalinlangan sa mga mata nito. Pero unti unti ring tumango.

"Don't be afraid Agatha, you have me." Agad ko itong kinulong sa yakap na agad naman niyang tinugon. Mahigpit.

"Salamat Agatha... salamat. Mahal na mahal kita."

Agatha's POV

"Saan mo gustong kumain? May alam akong restaurant malapit dito."

Puno pa rin ng takot ang puso ko, pero sa mga oras na ito ay masaya ako. Kahit na mali dahil nagtaksil ako, makapal na ba talaga ang mukha ko dahil nagsasaya ako sa mga oras na nakakasakit na ako? Pero paano naman ako? Paano naman si Dylan? Ganito na lamang ba lagi? Iniisip ko ang iba pero ako hindi?

Kahit ito lang, pangako hindi na ako gagawa ng mali. Kahit ito lang ang maging tama.

"Hey Agatha?" Malambing na yumapos ito sa bewang ko.

"Saan mo gustong kumain baby?" Napatawa ako

"Baby? Ano ako sanggol?" Ngumiti ito, hinalikan nito ang sintido ko at saka nasumiksik sa bandang leeg ko.

"Nakakatindig balahibo, ang lakas pa lalo ng tibok ng puso ko dahil tumatawa ka."

"Ang corny mo." Napatawa ito at mas nagsumiksik pa sa akin.

"Corny ako? Hey mahal ka ng corny na ito!"

Huminga ito ng malalim saka ako hinalikan sa bandang leeg na siyang kinagitla ko.
"Grabe naman ang epekto ko sa baby ko, paano kaya kung--"

"Dylan!" Humalakhak ito at mas nagsumiksik pa sa akin.

"Ang saya saya ko Agatha, gusto mo palang ako ang saya ko na paano kung mahalin mo pa ako? Hay..."

"D-Date na nga lang tayo." Kumalas ako rito at hinila ito.

"Wait!! Doon ako nagpark." Nakangisi ito at hinila ako sa kabilang daan. Inalalayan ako nito papasok sa passenger seat.

"Let's go?" Tumango ako dito, pinagsalikop nito ang aming kamay saka nagsimula na itong magmaneho.

Nakarating kami sa isang maliit na restaurant cafe.

"Masarap ang pagkain at kape rito."

"Siguro dito mo dinadala ang mga babae mo." Humalakhak itong muli.

"Bakit nagseselos ba ang baby ko?" Hinampas ko ito sa balikat at nagpatiuna na akong lumabas.

Inakay ako nito papunta sa bakanteng table, nagtawag ito ng waiter at saka nito hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Anong gusto ng baby ko?" Pinisil nito ang kamay ko at sinamaan ko ito ng tingin. Baliw talaga hindi nahihiya!

"G-Gusto ko ng cheesecake."

"Cheesecake? How about main course? Hindi naman pwedeng dessert lang ang kakain mo." Napakagat ako sa labi at nag-isip

"Carbonara at saka Tea na lang siguro." Ngumiti ito at saka sinabi ang orders namin sa waiter pagkatapos ay muling bumaling ito sa akin.

"Ang saya ko Agatha, sa wakas nakapagdate din tayo." Ngumiti ito ng matamis sa akin.

"A-Ako din masaya Dylan." Tumitig ito sa mata ko.
"M-Masaya ako, kahit na may takot at pangamba sa puso ko masaya ako."

"I will make you happy Agatha, and I will make sure na hindi ka magsisisi." Hinaplos nito ang aking kamay. Tumitig sa akin at saka ngumisi.

"Hawak na kita, hinding hindi na kita papakawalan baby."

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon