Overthinking

1.9K 54 0
                                    

Chapter 7

Agatha's POV

"Beb" Nagising ako sa tawag ng boyfriend ko sa akin habang titig na titig ito sa akin.

"Pinapasok na ako ng kapatid mo, mukhang pagod na pagod ka ah?" Hinalikan ako nito kamay saka ako hinaplos sa mukha.

"Huwag kaya muna tayo pumasok ngayon? Aalagaan na lang muna kita" Umiling ako dito, nagpout ito sa naging sagot ko dito.

"No beb, ayos lang ako. Saka wala naman na tayong pasok bukas eh, kaya papasok na tayo ngayon, okay?" He sighed and hug me tight kaya agad ko din itong niyakap pabalik.

"Okay, but always remember beb that I don't want you to be sick alright?" Malambing na ani nito sa akin. Tumango ako dito at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nito.

"I won't get sick beb, promise" Sabi ko dito saka ngumiti ng malapad, ngumuso lamang ito at hinalikan ako nito sa noo.

"Fine beb. Basta huwag mong papabayaan ang sarili mo ha? Huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo sa kakatrabaho. I know how much you need money, especially para sa family mo pero still take a rest if you can, okay?" He kiss my lips and pumwesto na sa labas ng kwarto namin ni bunso.

"Aantayin kita sa labas, ligo kana ha?"

"Opo beb" Ngumiti ito ng matamis sakin saka ako pumasok ng banyo para maligo.

Bakit ganon? Wala akong naramdaman ng maglapat ang labi namin? Ano bang nangyayari sakin? God Agatha! Anong nangyayari sayo?!

Ipinilig ko ang ulo ko at dumiretso na sa banyo para maligo. Walang nagbago, I am just over thinking, right?

Caleb's Pov

Ipinilig ko ang ulo ko saka naupo ng maayos sa maliit na sofa sa kwarto ng Agatha ko at ng kapatid niya.

Naawa ako sa kanya pero wala akong magawa. She doesn't want to take my money. Pero alam ko naman na wala pa kong sariling pera dahil nag-aaral pa kami.

But still, kahit hindi na ako kumain at ibigay ko nalang sa kanya yung pera ko. Ayaw naman niya tanggapin.

She's my princess, my Queen. Pero hindi ko siya mapagsilbihan. Hindi ko maibigay ang pangagailangan niya. I want to give her everything. I'm such a worthless boyfriend, sht.

-Calling Dylan

Nagbalik ako sa sarili ng magring ang phone ko. Himala at tumawag sa akin si kuya? Should I tell Mom about this?

"Hello, kuya?" Bati ko dito pagkasagot ko ng tawag nito.

"Hey jerk" Napahigpit ang kapit ko sa phone ko sa paraan ng pagtawag nito sa akin. Gustong gusto ko siyang sigawan pero hindi ko na lamang ginawa. Ayoko ng away and I know Mom wouldn't like that. Pagod na ako makipagsagutan kay 'Kuya' tss.

"What do you want, kuya?" may halong pagkainis at pang-inis ang boses ko, na hindi ko naman kayang maitago.

"Hahahahahaha hulaan mo lil brother, hulaan mo" He emphasized his last words at nakaramdam ako ng kilabot sa pagkakasabi nito. Ramdam ko rin ang ngise niya sa kabilang linya na tilang tuwang tuwa siya.

Tsk. Ano bang problema niya? Anong ibig niyang sabihin?

"Gagawin ko ang lahat para mapawi lahat ng saya mo lil brother hahahaha bilang na ang mga panahon na magiging masaya ka. Gagawin ko ang lahat para mawala sayo lahat ng nagpapasaya sayo ngayon. MALAPIT NA Caleb, malapit na malapit na" Biglang naputol ang linya at dumausdos ang cellphone ko mula sa aking kamay at bumagsak ito sa sofa na kinauupuan ko.

Anong ibig niyang sabihin? Tngina. Niloloko niya ba ako? pinagtritripan? adik na ba ang kapatid ko?! Napasapo ako sa ulo ko saka bumuntong hininga at humingang malalim. I need to keep calm, but i can't stay still.

Hindi ko alam ang gagawin ko! Ano bang balak niya?

"Beb?" Napatalon ako dahil nasa harapan ko na pala ang girlfriend ko. Nakasuot na din ito ng uniform at mukhang matagal na akong nagpupumilit ikalma ang sarili ko.

"Gagawin ko lahat para mawala sayo lahat ng nagpapasaya sayo...."

Agad akong napatitig sa girlfriend ko.

Si Agatha. Siya ang tanging nagpapasaya sa akin. No! Lahat na kunin niya, huwag lang siya. Huwag lang si Agatha. Huwag lang ang Girlfriend ko!!!

Nagtataka ang mga matang nakatingin si Agatha sa akin marahil matagal ang pagkakatitig ko sa kanya at maaaninag na din siguro sa mukha ko ang labis na pagkabahala.

"May problema ba beb? Okay ka lang? Alis na tayo, baka malate na tayo" Hinila ko siya papalapit sakin saka niyakap ng mahigpit.

No! No! Akin lang siya! Akin lang si Agatha!

The fck Caleb, Stop overthinking hindi siya mawawala sayo okay?!

"Beb okay ka lang ba?" Tanong nito sa akin at bakas na ang pag-aalala sa mukha nito. Hinaplos nito ang likod ko.

Hindi ko na din namalayan ay humihigpit na pala lalo ang yakap ko sa kanya.

"Beb Can I ask you some questions?" Tumango ito sa akin.

"Dylan called me..." Napansin ko ang pamumutla niya bigla at pagkabalisa. Teka, Anong nangyayari sa kanya?!

"Sabi niya gagawin niya daw ang lahat para makuha yung nagpapasaya sa akin. Beb, ikaw lang naman ang tanging nagpapasaya sa akin. Kaya sabihin mo sakin, kahit kailan hindi naman mangyayari yun beb diba? Mangako ka sakin beb please?" Pagsusumamo ko dito.

Hindi siya nakasagot. Sa kauna unahang pagkakataon, naramdaman kong sa kanya ako walang duda doon. Pero hindi siya sa akin. Pero bakit? may nagawa ba ako para maging ganito?

Just a simple "No beb, Di mangyayari yun" lang naman ang hinihintay kong sabihin niya sa akin, pero wala akong narinig. Anong ibig sabihin non?

Are they seeing each other? o nagoover think lang ako?

Yes tama...

Nag ooverthink lang ako right? Paano sila magkikita? Imposible. Mahal ako ni Agatha at sasabihin niya sa akin ang lahat kahit kailan hindi niya ako lolokohin nangako siya sa akin. Akin lang siya, at walang makakapagbago nun, lalong lalo na ang kakambal ko.

Niyakap ko na lamang muli ito ng mahigpit

"I love you beb" Hinigpitan nito ang yakap sa akin

"I- I love you too Caleb" Napapikit ako, yes... I was just overthinking.

Dylan's Pov

Ramdam ko na ang takot mo Caleb. Higpitan mo yung kapit mo sa kanya hanggat maaga pa, dahil baka magsisi ka.

/Edited: May 4,2020/

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon