Chapter 36
Agatha's POV
Agad akong hinila ni Dylan papasok sa tinitirahan niya. Punong puno ng kaba ang puso ko pagkabukas pa lamang ng sasakyan nito.
"Dylan--" Tawag ko rito ng nakatayo lamang kami sa labas ng bahay nito. Nakatitig lamang ito sa pintuan at tila malalim ang iniisip.
"Alam mo, bahay ito ng kaibigan ko." Mapait na ngumiti ito, inalalayan ako nito papasok sa loob. Malungkot ang mukha nito na siyang nagdulot din ng sakit sa puso ko.
"I run away from my own home, my reason? hindi ko maramdaman na may nagmamahal sa akin doon. Hindi ako masaya, pakiramdam ko palagi akong dapat makipagkumpetensya para sa atensyon ng magulang ko at sa career na gusto kong matahak Agatha. Para akong nasa contest. Akala ko kung dito na ako titira malayo sa kanila magiging masaya na ako pero hindi pa rin pala ganon kadali iyon. May kulang pa din, malungkot pa din ako. Pero ngayong nadala na kita rito? Punong puno ng kasiyahan yung puso ko. Ikaw lang ang kukumpleto sa akin Agatha kaya huwag mo akong iiwan ha?"
Nakatitig ito sa mukha ko. Malapit na malapit ito sa akin saka nito pinanlandas ang kanyang palad sa aking balikat pababa sa aking braso.
Marahan akong tumango dito "Hindi kita iiwan" agad na ako nitong hinila papasok hanggang sa makarating kami sa kwarto nito.
"T-teka lang" Pigil ko rito pero hinuli lamang nito ang aking kamay, itinaas iyon at saka ako isinandal sa pintuan ng kanyang kwarto. Hinaplos nito ang pisngi ko.
"You're mine." Napapaos na saad nito.
Mapusok na hinalikan ako nito, malalim at puno ng pagmamahal. Wala akong ginawa kung hindi tumugon at hayaan ang sariling magpakalunod sa mga halik nito.
Bahagyang lumayo ito at tumitig sa mata ko, naguumapaw sa emosyon ang mga mata nito habang mariing nakakatitig sa akin.
"I love you Agatha."
"I love you too Dylan." Napapikit ito ng mariin.
"Say it again baby."
"Mabilis pero sigurado ako, mahal kita... mahal na kita Dylan." Hinalikan nito ang labi ko ng madiin.
"Salamat Agatha, mahal na mahal kita baby ko." Sinakop muli ng labi nito ang aking labi, bahagyang kinakagat ang aking pang-ibabang labi. Hinahaplos nito ang aking bewang.
"Do you want me to stop?" Tanong nito sa akin. Napaiwas ako ng tingin dito saka tumango.
"H-Huwag muna Dylan, hindi ko pa kaya." Dahan dahang kumalas ito sa akin at saka ako muling kinintalan ng mabilis na halik sa labi. Pinakatitigan ako nito at para akong matutunaw. Ngumiti ito sa akin at saka ako hinalikan sa noo.
"Alright baby nirerespeto kita at liligawan kita. Alam kong nabibilisan ka pero hindi na ako makapaghintay na maging tayo, basta don't tease me again okay? Nangigigil ako sayo eh baka sa susunod hindi ko na mapigilan pa." Nanunuksong nakangiti ito. Napatawa ako at saka ito hinalikan ng mabilis sa labi na siyang kinabigla at kinapula nito.
"Aba ang baby ko." Hinalikan nito muli ang aking leeg na kinahagikhik ko.
"Nanggigigil nanaman ako baka hindi mo na ako mapigilan--"

BINABASA MO ANG
Chasing You
Romance"Even if you run away from me i would'nt get tired chasing you..." (SEQUEL OF YOU'RE A DEVIL) --- This Time anak naman nila Damon and Shella ang protagonist, mamahalin niyo rin kaya siya kagaya ng pagmamahal niyo kay Damon Martini? Let's see.. If y...