Having fun?

195 8 1
                                    


Chapter 38

Agatha's POV

Aligaga ako sa pag-aaral nitong nakalipas na linggo dahil final exam na namin ngayon. Marami din ang nangyari gaya ng pagbabalik ko sa pagtatrabaho para pandagdag ipon. Mabuti na lamang at hinayaan ako ni Madam na magsimula after final exam ko. Kahit na nakakahiya ay nilunok ko na lamang lahat dahil hindi naman kami mapapakain ng hiya ko. Panandalian lamang naman ulit iyon para sa gamot ni Mama at para na din kay bunso.

Ayokong simutin ang ipon namin dahil hindi pa naman ako licensed engineer, may licensure exam pa at kailangan ko ng pera pang-araw araw namin nila Mama habang hindi pa ako nakakapagtapos.

Maaga akong nagising para may oras pa din ako na magreview. Pababa na ako para sana mag-almusal at magkape para magising akong lalo ng makita ko si Dylan na masayang naghahanda ng aking pagkain. Nakita ko rin na tapos na nitong pakainin ng almusal ang aking ina.

"Dylan." Tawag pansin ko rito. Agad na ngumiti ito at sinalubong ako ng halik sa noo.

"Good Morning Agatha"

"Good morning... b-bakit nandito ka ng ganito kaaga?" Inalalayan ako nito na umupo sa hapagkainan.

"Gusto ko na suportahan ka sa final exam mo baby, naisipan ko na paglutuan ka ng almusal para may energy ka, saka simple lang naman ito, prito lang at siyempre pogi points na din dahil nanliligaw ako sayo." Nagtaas baba ang kilay nito na siyang kinahalakhak ko.

"Sa ngayon hindi muna kita hahalikan sa labi hanggat hindi mo pa ako sinasagot." Nakangisi ito. "Huwag mo masyadong mamiss yung labi ko ha? Baka sunggaban mo na lang--" Agad na hinampas ko ang braso nito na agad na kinanguso nito.

"Sumusobra kana kakahampas sa akin ha, pag sinagot mo ako pupudpudin ko ng halik yang labi mo." May diin na bulong nito sa akin.

"Ewan ko sayo!" Nilagyan ako nito ng sinangag, itlog at saka ng bacon.

"Bacon? Wala naman akong biniling bacon ha?" takang tanong ko rito.

Hinalikan ako sa pisngi nito saka matamis na ngumiti sa akin.  "Galing yan sa akin." Kumunot ang noo ko.

"Aba! Wala ngang halik sa labi pero halik pa din naman ng halik kung saan!" He laughed huskily, pinasadahan din nito ang pangibabang labi saka matiim na tumitig sa akin.

"Siyempre hindi 'din' naman kita matitiis no."

"Anong 'din' ka diyan?!" Humalakhak itong muli saka ako sinabayan sa pagkain.

"Kayong dalawa talaga." Nakangiting ani ni Mama.

"Mama, itong anak niyo po kasi mahal na ako pero ayaw pa din akong sagutin." Nakangusong ani nito.

"Alam mo ibang klase ka manligaw! Masyado mo minamadali ang nililigawan mo." Iling iling pa ako rito.

"Sus para naman hindi niya din gusto."

"Pag bubulong ka yung hindi ko maririnig." Napahalakhak ito at saka muli na dumalog sa pagkain.

"Kailangan mo pa ba talaga akong ihatid araw araw? halos inumaga ka na sa shoot mo tapos hatid sundo mo pa ako."

"That's fine saka masaya ako na nakikita kita lagi." Kinurot nito ang pisngi ko.

"Sabihin mo lang kapag may ginawang hindi maganda si Caleb, hindi ako magdadalawang isip na bugbugin siya."

"Dyla--"

"Hep! Huwag mo ng ipagtanggol dahil nagseselos ako." Nakangusong ani nito saka humilig sa akin.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon