Rainy Night

1.9K 46 5
                                    

Chapter 8

Agatha's POV

-9:38 pm-

Kakatapos lang ng trabaho ko ngayon. Grabe ang lakas ng ulan. Sabi ko pa naman kay Caleb huwag na niya akong sunduin dahil sunday at araw dapat nila ng family niya. Nagtatampo na rin kasi siguro sa kanya si Tita Shella dahil laging nakabuntot sakin si Caleb eh.

Tawag din siya ng tawag sakin kung nakauwi na ba daw ako at hindi ako naabutan ng ulan. Oo nalang ang isinagot ko para di na siya masyadong mag isip pa.

He's a sweet boy at ang tulad ko ay hindi nararapat sa kanya. Dahil hindi ko masabi sa kanyang nakakasama ko sa trabaho ang kapatid niya at hindi niya din alam na may iba akong nararamdaman sa kapatid niya na hindi ko naman maintindihan. Wala akong kwenta.

Naputol ang pagmumuni ko ng may tumapik sa balikat ko.

"Need a ride?" its Dylan

Napaiwas agad ako ng tingin sa nagbabagang mga tingin nito sa akin. Hindi ko kayang tapatan ang paraan ng pagtitig nito. Napakaintense non.

"H-Hindi na"

Narinig ko ang pagngisi niya at paglapit sakin nito lalo.

"Oh come on, nahihiya ka ba sakin?" Napangise ito lalo dahil sa paglunok ko.

"Hindi naman kita sasaktan eh, ihahatid lang naman kita" Naramdaman ko ang paghawak nito sa bewang ko

"Let's go?" Wala sa sariling napatango ako rito at hinayaan ko na lamang na ihatid niya ako tutal mukhang mahihirapan akong umuwi sa ganitong napakalakas ng ulan.

Isinukob ako nito sa payong niya at mabilis kaming nagtungo sa sasakyan niya. Mabilis kaming nakarating sa bahay ko at wala akong narinig na kahit anong salita sa kanya sa buong byahe namin. Ayos na din iyon dahil hindi ko din naman kayang kausapin siya. Nang bubuksan ko na ang pinto ng kotse niya ay pinigil niya ko.

Madalim sa loob ng sasakyan pero naaaninag ko na sa manibela lamang siya nakatingin.

"Are you not comfortable with me?" Tanong nito sa akin at agad na nagsitaasan ang balahibo ko at hindi iyon dahil sa takot.

Caleb's POV

"Oh come on Caleb! Just forget about her. Kahit ngayon lang tutal ako naman ang kasama mo ngayon" Napatitig ako sa maliit niya mukha na siyang inis na inis na ngayon sa akin habang nakanguso. Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya na lalo niyang kinainis.

Mukha siyang anghel, pero hindi.

"Nag-aalala lang ako. Malakas ang ulan, baka magkasakit siya, may pasok pa naman kami bukas" Mahinahon kong paliwanag. Naiiling itong tumingin sakin.

"Oh come on Cal! Ako ang kasama mo. Ako ang aalalahanin mo!" Dumukwang ito papalapit sakin at amba akong hahalikan kaya agad akong lumayo paatras dito.

"Stop it Ellie! it's not funny!" Ngumise ito sakin

"Why? Hindi mo ba gusto ang--" Napaatras ako lalo dito at bahagyang itinulak ang balikat niya palayo sa akin.

"No. So leave me alone." Ngumise lang itong muli bilang sagot sakin na ikinailing ko. Tsk.

Agatha's POV

Tahimik lamang kami sa loob ng sasakyan. Hindi ko parin siya sinasagot sa tanong niya. Pareho kaming nakatunganga sa gitna ng ulan. Walang nagsasalita.

"Dylan" Tawag pansin ko dito. "It's not what you think--" Napatingin ito sakin at bahagyang napailing.

"Then...Ano?"  Hindi ako makasagot. Hindi ko din alam kung bakit parang bumibilis ang tibok ng puso ko.

Siguro nga hindi ako kumportable sa presensya niya. Pero hindi niya dapat malaman ang dahilan, Dahil hindi ito tama.

I only love Caleb. Siya lang. Masyado lang akong pagod kaya ganito.

"Pagod nako, salamat sa paghatid." Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan pero hinila nanaman niya ako, at nangayari ang bagay na hindi ko labis na inaasahan.

He kissed me on the lips. Saglit lang iyon pero damang dama ko pa din. Pero b-bakit?! Magkapatid sila ni Caleb which is my BOYFRIEND! At hindi lang basta magkapatid. MAGKAKAMBAL SILA! I want to slap my face para magising ako sa katotohanan.

Ganito bako? Weak? Na hindi magawang manlaban para hindi mahalikan ng kakambal niya? Ganito ba ako kabagal at katanga?!

"Take this" Pagputol niya sa pagiisip ko

"Ha?" Tanging nasagot ko

"Para hindi ka mabasa pagbaba mo" Ngumiti pa ito sakin na parang walang nangyari kanina lamang na muntik ko na ngang isipin na hindi iyon nangyari kasi parang wala lang iyon sa kanya!

"Ah- oo s-sige salamat" Gusto kong batukan ang sarili ko sa pagsabi ng salamat. REALLY AGATHA?! Salamat sa payong o sa halik?! Ano ba naman Agatha! Napakatanga mo!

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at agad nakong lumabas. This is enough! Pero bago ko tuluyang masara ang pinto ng sasakyan narinig ko pa ang huli niyang mga salita.

"Anytime Agatha, anytime" Pagkasara ko ng pinto ay pinaharurot niya agad ito.

Agad akong napahawak sa labi ko. Anytime? Para saan? Sa payong? o sa halik?

Fck it! Agatha! Nababaliw ka na bang talaga?! Arghh!

Pinasok ko ang bahay at agad akong nagtungo sa banyo binasa ko ang mukha ko at tumingin ako sa salamin.

"Gumising ka nga Agatha! Gising!" Teka si Caleb!

Binuksan ko ang cellphone ko at nakita ko ang 8 missed calls ng boyfriend ko. I am such a stupid and worst girlfriend ever. Paano ko hinayaan mangyari yung kanina at hindi ko man lang kinumpronta si Dylan?! Lumalabas na parang gusto ko yon?! Hindi nga ba? SHT NO!

Calling Caleb~

Agad ko na sinagot ang muling pagtawag nito sa akin.

"H-Hello beb? sorry kung hindi ko agad nasagot hindi ko kasi narinig yung tawag mo nakasilent kasi eh" Agad kong sinabunutan ang sarili ko sa inis. Narinig ko ang buntong hininga niya.

"Nasa bahay kana? Beb, sobra akong nag-aalala dahil hindi ka sumasagot!"

"Wag ka na mag-alala ayos lang ako. Pasensya na talaga. Babawi ako sayo. Mag enjoy nalang muna kayo nila tita dyan okay?" Matagal bago ito sumagot

"Beb?" Tawag ko dito ulit dahil hindi ito muling nagsalita. "Beb? Andyan ka pa?" Napasinghap ito sa pagtawag ko ritong muli.

"H-Ha? ah o-oo, sige bye beb." Nagtaka ako sa pagkautal utal nito at hindi na lamang iyon pinansin.

"I love you" habol nito. I feel so bad. Ang sama kong girlfriend. Kakatapos lamang ng halik namin ng kapatid niya tapos... tsk.

"I- I love you too" Pinutol ko agad ang tawag pagkasagot ko sa kanya. I love Caleb. I really do. But I just can't understand kung bakit at ano itong nararamdaman ko.

Gusto kong saktan ang sarili ko, Nakakakunsensya. I'm the worst!

Dylan's POV

Nakatunganga lamang ako dito sa kwarto ko

"Did we just kissed?" Napahawak ako sa labi ko

"Galit kaya siya?" Dahan dahan akong humiga at tumitig sa kisame

"Grabe! Ang lambot ng labi niya, parang cotton candy" Kinagat ko ang labi ko at pinasadahan ng dila ko ang labi ko.

"It's so sweet" Napangise ako

"Next time tatagalan ko na. Nakakabitin, sht"

"Hahaha fck it. I'm going crazy over you Agatha. I want to kiss you so hard and hug you so tight!"

Nagsasalita pako mag-isa. Nababaliw na nga ata talaga ko. Nababaliw sayo Agatha...

"But i don't want you to get mad. I don't want you to feel sad. I want you to be happy, and I want you to be Mine!"

"I love you, Agatha... So much. I will do everything para mahalin mo rin ako"

/Edited: May 4, 2020/

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon