Kinabukasan ay ang araw ng PT namin.
Hindi namin alam na sa stage pala ng school gaganapin ang roleplay kaya dumoble ang kaba namin kasi mayroong mga ibang makakanood.
I, together with the other actors/actresses, were hiding behind the backdrop while my other classmates were preparing the props.
Huminga ako nang malalim at bumaba ang tingin sa suot ko. I was wearing a medieval dress; it was long enough to cover my feet. The costume team dressed me up, made me wear accessories and braided my long hair.
"Wow, ganda!"
Napalingon ako kay Kiel na kakapasok lang, looking at my direction.
"Parang bride." Dumiretso siya sa tabi ko para kuhanin props niya. "Daming tao sa labas. Kinakabahan ka?"
Tumango ako. Kabisado ko naman lahat ng lines ko pero baka mamental block pa rin.
He had more lines but he didn't seem nervous.
"Kaya mo 'yan! Goodluck!" He smiled.
"Goodluck," sabi ko rin.
My eyes drifted to the hand he raised at me. Litong bumalik ang mata ko sa mukha niya.
"Apir?" nalilitong aniya nang wala akong gawin.
Somebody called my name so my gaze got drawn elsewhere. Pinalapit ako ng leader ng costume team sa may gilid ng stage para sa sasabihin.
I glanced back at Kiel. He was now just staring at his palm, as if any moment ay gagalaw iyon kaya binabantayan. Then he hit it with his other palm.
"Avien, sorry. Hindi na talaga kami makahanap ng pamalit sa dress mo. Tinry ko tanungin 'yung may-ari kung pwede bang gupitin, bawal daw kasi hindi sa kaniya 'yan. Sorry talaga, hindi ko inexpect na sobrang haba pala niyan!"
"Sige, okay lang. Magpapaa na lang ako para hindi madulas," sagot ko.
We had a scene where we have to run tapos super haba ng dress ko, madulas, ta's medyo masikip pa.
"Madulas din kasi 'yung stage. Huwag na lang masyadong all-out 'yung takbo."
Matapos ang tatlong minuto ay pinasimula na ni Sir Buenaventura ang play kaya lalong lumakas ang kaba ko. Halos hindi na 'ko nagsasalita. Rinig ko kasi ang audience at sa ingay, marami nga!
When it was already my scene, I breathed in deeply before going out. Buti na lang ay tahimik naman ang audience at basta lang hindi ako tumingin sa gawi nila, kaya ko naman.
Natapos ang unang scene ko nang maayos.
"Nice one, Laura," bungad ni Kiel.
I watched him go out for his scene. So far, he wasn't messing up with his lines.
Nang bumalik siya sa likod, I prepared for the next scene. P-in-ractice ko ang paghawak sa dress ko para sa takbuhan na scene.
"Nakapaa ka pala?" puna ni Kiel.
"Madulas 'yung sahig."
"Kaya mo tumakbo? Ang haba pala niyan."
Tumango ako. Bumalik ang tingin niya sa laylayan ng dress ko, nagdududa. Kasama ko siya sa takbo scene actually.
"Kung hindi mo kaya, gusto mo ano..." he trailed.
"Ano?"
"Gumulong ka na lang?"
Kumunot ang noo ko.
"Huy, kayo na!" tawag sa atensyon namin kaya nagmadali na kaming pumwesto sa scene.
BINABASA MO ANG
Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version)
Teen FictionThe Art of Life #1: Life Version Life in a series of captures. Date Started: July 12, 2021 Date Ended: April 26, 2022 Date Posted: October 01, 2023 UNPOLISHED. Will be edited again soon